LETTING GO

106 4 0
                                    

Napangiti sina Leuwan at Jude.

"Halika, doon muna tayo sa cafeteria sa baba." Inakbayan ni Jude si Leuwan. Magaan ang kalooban ng dalawa na bumaba ng hagdan.

Umorder si Jude ng kape para sa kanilang dalawa.

Naupo sila.

Tahimik silang pareho at nakikiramdam...

"Leuwan, kumusta? Labindalawang taon din tayong hindi nagkita... Malalaki na ang mga anak natin..."

"Maraming nangyari... Hindi ko masabi ang lahat... Magsasara na yata ang WANSHIN CONSTRUCTION... Halos wala nang tiwala sa akin ang mga kliyente ko..."

"Kumusta ang pamilya mo? Kumusta kayo ni Hana?"

Natahimik si Leuwan ng banggitin ang pangalan ni Hana.

"Tsss! Si Hana..."

"Balita ko apat na ang anak ninyo..."

"Oo, ayoko ng iisa lang ang anak. Pareho kami ni Xity na lumaking mag-isa lang sa pamilya Kaya hayun sunod-sunod ang anak ko"

"Sana pinatawad mo na kami ni Xity sa nangyari..."- Jude.

"Mas madami akong naging atraso sa inyong dalawa. Sana mapatawad din ninyo ako"

"Leuwan, matagal ka na naming pinatawad ni VeneXity... Kilala mo naman si Xity di ba? Hindi ka matitiis ng bestfriend mo"

Nagkamay ang dalawang lalaki tanda ng kanilang pagkakaibigan.

Samantala, tatawid sina Jarred at Lewisa.

Dala-dala ni Jarred ang mga softdrinks at hawak ni Lewisa sa isang paperbag ang hamburger at french-fries. Huminto si Jarred dahil papadating ang isang taksi samantalang si Lewisa at nakatingin at kuwento ng kuwento sa kanya. Dumiretso ito ng lakad , mabuti at nahila siya agad ni Jarred.

Ang masaklap, sumubsob ang mukha ni Lewisa sa mukha ni Jarred, lumapat ang mga labi nila sa isa't isa. Automatic na humalik si Jarred, sanay na sanay sa nakikita nito sa kanyang mga magulang. Tatlong beses niyang hinalikan ang dalaga na para bang nakarehistro na sa isipan ang kanyang gagawin. Kitang kita niya kung paano napapikit si Lewisa at bigla itong napamulagat. At saka ito lumayo.

Tumalsik ang softdrinks at humagis ang paperbag. Mabuti at hindi ito sumambulat sa sahig.

"Ehem, muntik ka ng masagasaan..."

"Salamat, Jarred..."

"Daldal ka kasi ng daldal. Hindi mo tinitingnan ang tinatawiran mo" naggalit-galitan pa ang binatilyo.

"Kaya nga nandyan ka sa Danger Zone di ba para alalayan ako"

Tahimik ang dalawang teenager. Nakikiramdam sa nangyari.

"Hmm, Lewisa... Sorry kung nahalikan kita. Hehehe... " Kakamut-kamot si Jarred sa kanyang ulo.

Napakagat ito sa kanyang labi at ninanamnam ang kanyang first kiss.

"Ha...Bakit mo ako hinalikan ?"

"Sorry..." Hindi sila makatingin ng diretso sa isa't isa.

"Sorry lang ang sasabihin mo..." Naiiritang sabi ni Lewisa.

"Aksidente lang..."

Nagulat si Jude ng makitang basa ang damit ni Jarred.

"Anong nangyari sa iyo?"

"Muntik na pong masagasaan si Lewisa. Nung hilahin ko siya, natumba kami sa bangketa. Nabitiwan ko po yung softdrinks."

"Heto na lang po ang natira" Napangisi ang dalawa habang dala ang ibang burgers.

"Jude, uuwi na rin kami ni Lewisa...Sana tuluyan ng gumaling si Xity"

"Don't worry, I'll give your regards."

"Ingat kayo. Lewisa, ingat..."

Yumakap muna si Lewisa kay Jude.

"Tito Jude, sana po okay yung baby ninyo ni Tita Xity"

"Okay na okay na siya...Salamat"

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon