XITY'S POV
Ngayon lang ako nakaramdam na parang mali ang ginagawa ko.
I am trap between Jude and Leuwan.
Sabi ni Jude, hindi naman daw talaga naging kami.
Oo kasi ang gusto lang niya mahalin ako...
Para maranasan man lang niyang magka-girlfriend.
Pero paano ako?
Paano kung matutunan ko siyang mahalin?
Lalo ako ngayong nalilito.
Hindi mapanatag ang loob ko.
Nasaan na si Jude?
Ilang araw ko na siyag hindi nakikita.
Tuluyan na ba talaga akong iniwan ni Carebear...
Bakit parang mababaliw ako kapag si Jude ang hindi ko nakita?
Bakit kailangan ko siyang hanapin ng ganito?
Bakit kailangang kong ma-miss ang boses niya?
Nagmadali ding umalis ang kotse ni VeneXity.
Hindi niya alam na sinundan siya ni Leuwan dahil hindi pa ito tuluyang nakakaalis.
"Saan kaya siya pupunta?"
Malayo ang tinahak ng sasakyang iyon.
Napansin na lang niya na huminto ang kotse sa isang malaking mansion. Automatic na nagbukas ang gate.
"Huh! Kaninong bahay ito?"
THE MANSION
Sinalubong si VeneXity ni Jazzy.
"Huh! Vanilla... What brings you here?" Niyaya siya ng babae sa sala at naupo sila.
"Nandyan ba si Jude?" Napakunot ang noo ni Jazzy.
"Si Kuya, hinahanap mo..."
"Yeah, ilang araw na kasi siyang hindi nagte-text sa akin. Tapos parang busy ang kanyang cellphone na parang out of reach. Nag-aalala ako , baka kung anon ang nangyari sa kanya. Maysakit ba siya?"
"Hindi ba siya nagpaalam sa'yo..."
"Ha! Nagpaalam? Hindi kita mainitiindihan..."
Umakyat si VeneXity sa hagdan patungo sa kuwarto ni Jude.
Sinundan siya ni Jazzy.
"Jude... Jude...Jude..."
"Xity, wait! "
Walang anu-ano , lumabas ang mag-asawang Justice at Lemuela sa kanilang library.
"Bakit siya nagdesisyon ng ganun?"
"Dad, hindi ko din alam...Nalaman ko na lang kay Chief na nagpalipat daw siya ng assignment."
"Napakalayo nun..."
"Doon na muna daw siya sa resthouse natin"
"May iniiwasan ba siya dito para magpa-assign siya ng ganun kalayo?"
Samantala, narinig din ng mag-asawa sina Jazzy at Xity.
"Xity, sorry kasi wala dito si Kuya..."
"Sabihin mo sa akin kung nasaan siya..." Hawak ni Xity ang kamay ng babae. Halatang nagmamakaawa.
"Kasi..."
"Kasi , ano? Nasaan siya? Sabihin mo na... Gusto ko siyang makausap" Tuluyan ng humagulgol sa iyak si VeneXity.
Natahimik ang mag-asawa sa kanilang diskusyon ng biglang mapalingon ang dalawa at narinig din ni Xity ang kanilang pinag-uusapan.
"Sir, Ma'am... nasaan po si Jude?"
"Ha a e... VeneXity, si Jude ba ang hinahanap mo?"
"Sabihin mo para alam niya..." Sabi ni Justice habang nakatingin kay VeneXity.
"Iha, wala ngayon si Jude..."
"Nasa trabaho pa po ba siya?"
Napatingin si Lemuela kay Jazzy habang sumesenyas ito na huwag itong sasabihin.
"Iha, nagpa-assign si Jude sa Baguio City at kahapon siya umalis"
"Ha! Bakit po?" Tanong ni VeneXity.
"Meroon bang nangyari? Hindi rin kasi namin inaasahan na magdedesisyon siya ng ganun" Tanong ni Lemuela kay Xity.
Hindi na napigilan ni Xity ang kanyang luha. Mabilis niya itong pinahid. Hindi niya inaasahan na lalayo si Jude para lang magparaya kay Leuwan. Hindi siya makapagsalita.
"Jazzy, ibigay mo sa akin ang number ni Jude. Tatawagan ko siya... Please naman..."
Pero iyon ang code of ethics nilang magkakapatid. Ang sumpa sa kapatid ay hindi kailangang mabali. Ang pangako ay pangako.
Umalis na bigo si Xity.
Samantala, tinawagan ni Jazzy si Jude.
"Kuya, naku... lagot ka kina Mommy at Daddy... At in fairness, hinahanting ka ni Xity"
"Uy, hindi ka ba iimik dyan?"
"Ibibigay ko ba ang number mo kay Xity kasi hinihingi niya"
"Sige, ikaw ang bahala. Wish ko lang mapanindigan mo yang pinaggagawa mo"
"Alam mo bang umiiyak si Xity ng malaman niyang nagpadestino ka sa malayo"
"Ano bang nangyayari sa iyo, Kuya?"
"Bakit mo sinubukang makipagrelasyon tapos iiwan mo siya?"
"Kung ako ang babae, magagalit ako sa'yo"
"Hay naku bahala ka nga. Matanda ka na... Mag-asawa ka na kung wala ka na talagang magawa sa buhay mo..."
"Oo, tatandang binata ka sa ginagawa mo. Nakakainis ka. Alam mo ba yun?"
Ibinaba ang telepono...
![](https://img.wattpad.com/cover/22712412-288-k178243.jpg)
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...