HILDA'S POV
Kaya pala nakita ko ang pag-aalinlangan ni Xity sa tuwing kasal ang pinag-uusapan nila ni Leuwan dahil matagal na siyang may mahal na iba.
Nakita ko nga kung paano asikasuhin ni Jude si Xity. Isang bagay na hindi kayang gawin ni Leuwan. Siguro dahil hindi na siya binigyan ng pagkakataon ni VeneXity.
Naaalala ko ang gabing nag-dinner kami sa bahay.
Nagpahanda si Leuwan ng dinner sa bahay . Pinasabihan ang magulang ni VeneXity na dumalo sa pagsasalo sa bahay at isasama niya si VeneXity sa bahay mismo.
Bagamat malungkot si VeneXity, sumama ito kay Leuwan. Occupied siya ng maraming alalahanin para mag-isip ng kung ano pang dahilan para sa dinner ng gabing iyon.
Pagkatapos kumain tumayo si Leuwan.
"May I lend your ear, everyone?" tumahimik ang lahat at tumingin kay Leuwan.
"Tonight will be a memorable night for my one and only VeneXity, the love of my life"
"Leuwan, maupo ka nga dito" sabay hila sa binata.
"VeneXity..." pinatayo niya ang dalaga.
"Ha?"
"WILL YOU MARRY ME?" iniabot ang singsing sa dalaga at lumuhod ito sa harap ng dalaga.
Leuwan?" nanginginig sa nerbiyos si VeneXity.
Tumulo muli ang luha nito dahil sa kalungkutan sa halip na kasiyahan.
Matagal ko nang nararamdaman na may mabigat na problema si Xity.
Hindi ko lang siya nakausap.
Pero ngayon, alam ko na kumbakit.
Nagtaka ang magulang niya dahil hindi pa rin umiimik ang dalaga.
"What?" sabi ng ina niya.
"Answer now" sabi ni Tito Kris.
"YES", sabi ni VeneXity. Isinuot ni Leuwan ang singsing at nakita niya kung gaano kasaya ang magulang niya. Niyakap siya ni Leuwan. And they kissed. Masaya ang mga magulang niya. How is it possible for these parents to match up their own child? Well, it only applies to them and to a story like this.
Wow! mare. Tuluy na tuloy na ito"
"Bakit ka ba umiiyak?" tanong ni Leuwan.
"Masaya lang si Xity" pagtatakip ng kanyang Mommy.
Pagkatapos ng mahabang kuwentuhan at pagpaplano , inihatid ni Leuwan sa condo si VeneXity.
Pero hindi niya pinagbigyan si Leuwan.
Kaya alam kong wala nang patutunguhan ang relasyon nila.
Nakumpirma namin ang lahat ng kaarawan ni Kris.
Matagal naming hinintay si Xity.
Hindi na siya nakarating.
Umalis si Leuwan para hanapin siya sa condo pero wala siya doon.
Habang wala si Leuwan. Masinsinan na kaming kinausap nina Venice at Edwin.
"Kris, Hilda, pagpapasensiyahan na ninyo si Xity. Mukhang hindi na siya makakadalo ngayon sa salu-salo. Sa tingin ko, baka hindi na rin matuloy ang kasal nila.
Matagal ng may boyfriend si Xity.
Sinubukan ni Xity pero hindi na niya maibalik ang dating pagtitiwala kay Leuwan.
Nang kausapin ko si Leuwan... Lalo kong naintindihan kumbakit hindi na kayang makipagbalikan ni Xity.
Mayroon palang naging anak si Leuwan kay Hana.
Umaasa si Hana na makipagbalikan kay Leuwan...
Nakita daw niya ang bata at kamukhang kamukha niya.
Iyon ang katuparan ng matagal na naming pangarap na magkaroon ng bata sa aming bakuran.
Kaya ipinahanap ko si Hana.
Kaya lang, nakaalis na daw ang mag-ina at bumalik ng Dubhai.
Hindi ko makausap ng matino si Leuwan.
Nilulunod niya ang kanyang sarili sa alak.
Umiiyak at nagsisigaw...
![](https://img.wattpad.com/cover/22712412-288-k178243.jpg)
BINABASA MO ANG
MATCH PERFECT 2
RomanceThere is no perfect relationship... But there will always be a born pair for you... A perfect match is not hard to find... Sometimes , you will just have to wait and let fate make its way... When that day comes, you'll be surprised how it makes the...