PART WAYS

93 6 0
                                    

Walang imik ang mag-ama sa kotse.

"Daddy, galit pa po ba kayo sa akin?"

"Lewisa, galit ka ba kay Daddy?"

Biglang humikbi ang dalagita.

Idinaan ni Leuwan ang kanyang anak sa kalapit na parke malapit sa kanilang bahay.

"Sorry kung masyado akong naging mahigpit sa iyo ng walang dahilan. Sorry sa mga pagkakataong nasaktan kita. Sorry kong nasira ko ang damit na bigay ni Xity sa iyo... Sorry kong..."

Madami pa sanang sorry ang sasabihin ni Leuwan sa anak sa dami ng nagawa nito.

"Daddy, mahal na mahal ko po kayo. Sapat na po na nag-sorry kayo ngayon. Lahat ng masasakit na salita at pananakit ninyo sa akin ay nawala ng isang iglap kasi mahal ko po kayo" lalong napahagulgol si Leuwan.

Mabuti pa ang kanyang anak. Madaling nakapagpatawad samantalang siya, inabot ng halos 12 taon bago aminin ang kanyang ginawang pagkakamali at humingi ng tawad.

Napangiti ang mag-ama. Dumiretso na sila ng uwi.

Pagdating sa bahay, nagtaka si Leuwan kumbakit patay ang ilaw sa buong kabahayan.

Binuksan niya ang pinto.

Pumasok sa loob at binuksan ang ilaw.

Malinis ang buong kabahayan.

Tahimik.

Umakyat si Lewisa para tingnan ang mga nakababatang kapatid na kadalasang sumasalubong sa kanya tuwing dadating siya.

Hangos ito sa baba.

"Daddy, wala sina Kuya, si Hanz at Lee. Si Mommy wala din po"

"Ha...Baka naman pauwi na sila galing kina Lola Hilda at Lolo Kris mo"

Umakyat muli si Lewisa.

"Daddy, wala na po dito ang mga maleta namin..."

"What?"

Biglang bumukas ang pinto.

"Mommy...." Tumakbo si Lewisa sa kanyang ina.

"Mommy, akala kop o iniwan na ninyo kami ni Daddy. Nasaan na po sina Kuya?"

"Leuwan, binalikan ko lang si Lewisa. Aalis na kami ng mga anak mo. Uuwi muna kami ng Japan"

"Hana, pag-usapan muna natin ito."

"Hindi na. Tama na ito. Wala nang dahilan pa para manatili kami dito sa iyo. Kung gusto mong manatili sa nakaraan, mag-isa ka. Kung gusto mo pa rng sundan si Xity, Malaya ka na. Tutal yan naman ang matagal mo nang gusto. magbuhay binata ka na simula bukas"

Hindi na nakaimik si Leuwan.

Narinig na lang niya ang sigaw ni Lewisa.

Sa kabila ng napapagalitan at napagbubuhatan ng kamay pagkaminsan ay Daddy's girl pa rin si Lewisa. Kahit anong gawin niyang galit sa kanyang dalagita, lumalambot ang puso nito sa tuwing naglalambing ito.

Naawa siya ng damputin niya ang pira-pirasong larawan ni Xity. Idol niya kasi ang babae pagdating sa kanyang Vanilla Collection for Girls. Iniyakan niya ang punit na damit na kauna-unahang bigay sa kanya ni Xity.

Hindi niya ito napatahan.

Masyadong tahimik sa bahay.

Wala na si Hana.

Wala na rin ang mga bata.

Wala na siyang sisigawan o pagagalitan.

Hindi na siya maiinis kapag umuwi siyang makalat ang bahay dahil sa laruan nina Hanz at Lee.

Hindi na siya magiging irritable kapag nakitang late umuwi sina Gavin at Lewisa.

Lalong solong solo niya ang kama dahil wala na si Hana.

Matagal na panahong nagtiis si Hana.

Pinagpasensyahan niya ang ugali ni Leuwan.

Tinanggap niya ang lahat ng sampal at pananakit ng lalaki para lang sa kanyang mga anak.

Wala nang magpapasaya sa kanya tuwing matatapos silang mag-away.

Naiyak si Leuwan.

LEUWAN'S POV

Nasaktan ako at hindi ko nagawang lumimot.

Hindi ako nakapagpatawad at nabuhay ako may galit sa dibdib.

Nawala na sa akin ang lahat.

Ano pang karapatan ko para mabuhay?

Nagising siya sa iyak ng kanyang ina. Nandoon si Kris.

"Leuwan...salamat sa Diyos at gumising ka na. Pinag-alala mo kaming masyado" Alalang-alala na sabi ni Hilda.

"Wala ka na bang gagawing matino..." Sabi ni Kris.

"Mommy, iniwan na ako ni Hana... Isinama na niya ang mga bata"

"Leuwan, ano ba itong nangyari sa pamilya ninyo?"

"Sana ay natauhan ka na rin. Move on na, Leuwan..."

"Daddy.... Mommy..."

"Iho, tutulungan ka naming makapagbagong buhay. Pakiusap, get into your senses this time. Please..."

"Mommy, sana hinayaan na lang ninyo akong mamatay"

"Hoy. Leuwan. Madaming trabaho ang naghihintay sa iyo kaya kumilos ka. Sa dami ng maiiwan mo, aba e mag-isip-isip ka bago ka magpakamatay. Puro utang at sama ng loob ang iiwan mo sa mga anak mo. Mahiya ka naman"

"Kris naman..."

"Ni wala nga siyang maipamamana sa kanyang mga anak tapos ganyan pa ang gagawi niya. Magpagaling ka! At ibalik mo sila dito"

Isang linggo rin si Leuwan sa hospital.

Dinalaw siya ng mag-asawang Jude at Xity. Magaling na rin si Xity ngunit pansamantala itong naka-leave sa trabaho. Naka-wheelchair ito ng dumalaw sa hospital. Bawal sa kanya ang mapagod sa paglalakad o pagtayo.

"Xity... Kumusta ka na? " Napaiyak si Leuwan. Hinawakan ni Xity ang kanyang kamay.

"Magpagaling ka. Kailangan namin ang WANSHIN CONSTRUCTION kaya magpalakas ka"-Xity.

"Leuwan, mag-eexpand ang OLI GROUP this year. Ikaw lang daw ang gusto niyang gumawa ng kanyang boutique"- Jude.

Naiyak si Leuwan. Sa kabila ng lahat, heto at tinutulungan pa rin siya ni VeneXity para makabangon sa kanyang pagkalugi sa negosyo at muling binubuo ang tiwala ng kanyang mga kliyente.

"Sorry, Xity for making things hard for you in the beginning..."

"Sorry din dahil pinaasa kita. Hindi ko kasi alam kung paano sasabihin sa iyo ang lahat. Hindi ko alam kung makakaya mong tanggapin pero wala na akong magawa. Pero bestfriends pa rin tayo di ba?"

Isinubsob ni Xity ang mukha sa tabi ng kama ni Leuwan.

"Ssshhh! Xity, ano ba? Sabi nang makakasama yan sayo. You promised not to cry..."

"Jude, hindi ko mapigilan..."

"Okay na ang lahat... "

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon