WITH YOU

105 6 0
                                    

Nang gabing iyon, hindi na pinauwi ni Jude si Xity.

Magkatabi silang dalawa sa kama. Hawak ang kamay ng isa't isa na para bang may makakatakas pa sa klase ng hawak na iyon.

"Xity, are you still mad at me?" Habang nakahilig ang ulo ni Xity sa bisig ng binata.

"Not anymore...Lahat ng pangungulila ko sa'yo ng nagdaang mga buwan ay nawala dahil nandito ka na" Hinalikan ni Xity si Jude. Sabik na sabik sa binata.

Mahigpit na niyakap ni Jude ang dalaga.

"Hindi ko akalaing mami-miss kita ng sobra-sobra. Akala ko, hindi na ako makakauwi."

"Magagawa mo bang hindi ako balikan?"

"Oo..."

"What? Uuwi na nga ako" Sabay upo ni Xity sa kama at aalis na sana.

"Ano ka ba? Hindi ka pa rin sanay sa akin. Hindi pa nga ako tapos e. Oo, hindi ko kayang gawin... Babalikan at babalikan kita kung saan kita iniwan"

Saka muling inihiga ni Jude ang dalaga.

Malalim ang gabi...

Walang makakarinig kahit anong kaluskos pa ang gawin ng dalawa.

Nilubos nila ang buong magdamag.

Wala silang inaksayang sandali.

"I love you Jude..." Ganoon niya kadaling naipaubaya ang sarili kay Jude. Walang halong pag-aalinlangan. Walang pagkukunwari. Walang takot. Walang pangamba kung ano ang mangyayari sa kinabukasan dahil alam ni Xity na ang bukas niya ay si Jude at wala ng iba.

"I love you, VeneXity...I won't let you go" Sabi ni Jude. Walang ibang magmamay-ari ng puso ni Xity kundi si Jude at wala ng iba.

"Will you marry me?" Tanong ni Jude.

"Yes" Kasabay ng mga luha ng kasiyahan.

"Mamamanhikan na kami bukas sa inyo"

"Ikaw ang bahala... Sasabihan ko sina Mommy at Daddy"

"No... I'll see them personally tomorrow"

"I am so happy, Jude"

"You have to... Hindi na kita pakakawalan... Magkakamatayan kami ni Leuwan ngayon kapag sinaling ka pa niya. Huwag lang niyang subukan"

"Jude, stop acting like that... As long as we have each other no one will get into our way"

Labi na lang nilang pareho ang nag-usap.

Tanghali na nang magising ang dalawa.

Handa na ang pagkain at sila na lang ang hinihintay.

Damit ni Jazzy ang suot ni VeneXity. Mabuti na lang at halos hindi sila nagkakalayo ng katawan.

"Anong balak ninyong dalawa? Mukhang nauna na ang honeymoon a?" Sabi ni Lemuela sabay tingin kay Justice.

"Ganyan talaga ang mga Lorenzo... di ba, Hon..." Sabi ni Justice at biglang ninakawan ng halik ang babae.

Nagkatinginan ang magkakapatid. Napahagikhik ang mga ito sa nakita.

"Matagal nang natapos ang first night namin" Sabi ni Jude sabay tingin kay Xity.

"Jude, how could you..." Tinitigan ng masama si Jude.

"I told you... mabilis pa ko sa kidlat. Kaya ko bang takasan ng ganun-ganun na lang si Ms. Olivarez? Para naman secured ako na whatever happens she will always be mine" At tinitigan niya ang dalaga.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon