LEUWAN'S CAR ACCIDENT

119 3 0
                                    

Mamaya sana, pagkagaling sa opisina ay susunduin niya si VeneXity and eat dinner with their families. Nagpahanda ng dinner si Leuwan sa ina at sinabing imbitahin ang mga magulang ni VeneXity dahil may announcement siyang sasabihin.

Tinapakan niyang mabuti ang silinyador ng kotse para abutan ang sasakyan ni VeneXity. Tuliro siya ng mga oras na iyon at kung anu-ano ang naglalaro sa kanyang isipan. Ayaw niyang magkalabuan uli sila ni Xity dahil sa mga babaeng umaakit sa kanya. Matagal silang nagkahiwalay ni Xity dahil sa insidenteng iyon at ipinangakong hindi na ito mauulit muli.

Hindi niya namalayan ang biglang pagsulpot ng isang trailer ng truck sa kabilang linya. Nataranta siya at kahit anong tapak niya sa preno nito ay hindi na rin ito gumana.

"VeneXity, mahal na mahal kita. Please, huwag mo akong iwan. Please", tumulo ang luha ni Leuwan.

Dire-diretso itong sumalpok sa truck. Automatic na nagbukas ang airbag ng kotse at nawalan ng malay si Leuwan.

Dinig ni VeneXity ang malakas na pagsalpok na iyon ng dalawang sasakyan dahil nasa pangatlong kotse siya sa unahan ng sasakyan ni Leuwan. Masusundan na siya noon ng binata pero paglingon niya, kitang kita niyang sumalpok ng pagkalakas- lakas ang Black Mustang sa truck. Napasigaw ako ng lingunin ang Black Mustang. Napahinto ang lahat ng sasakyan sa kanang linya ng daan. Humanap nang lugar na mahihintuan si VeneXity, ipinarada ang sasakyan atsaka tumakbo sa pinangyarihan ng insidente. Naghysterical talaga siya sa nakitang kondisyon ni Leuwan. Iyak ito ng iyak. Hindi niya malaman ang gagawin. Abut-abot ang kanyang pagsisisi sa nangyari. Lalong hindi niya kakayanin kung mawawala si Leuwan ngayon.

Biglang nag-ring ang phone ni VeneXity. Mommy ni Leuwan ang nasa kabilang linya ng telepono.

"Tita," halatang nanginginig ang boses ni VeneXity.

"Mm, VeneXity. Pauwi na ba kayo ni Leuwan? Kanina ko pa siyang hindi ma-contact. Bakit parang ang-ingay dyan sa lugar mo. Nasaan ba kayo?"

"Tita, naaksidente si Leuwan" at bumalalas ng iyak ang babaeng kausap niya. Iyak ng iyak din si VeneXity. Ibinaba na niya ang linya.

Isinugod sa malapit na hospital si Leuwan.

"Please, Doc. Do everything for the patient" hindi huminto ng iyak si Xity.

"Magkaanu-ano po kayo ng pasyente"

"I am his....girl.... fiancée"

Ngumiti ang doctor ngunit hindi niya magagarantiyahan ang kaligtasan ng binata. Sa tingin pa lamang sa walang malay na katawan ng binata ay masama ang mga tama nito sa katawan.

"The more you have to pray, Ms. Vanilla. Believe more in the miracle of prayer."

Lalo siyang umiyak ng umiyak.

Dumating na rin ang mga magulang ng binata pati ang magulang niya.

" Anong nangyari kay Leuwan? Kris, ang anak natin"

"Don't worry, we'll find it out later"

Yumakap ng mahigpit si VeneXity sa ama. Halos pugtong pugto na ang mga mata nito sa kaiiyak.

Makalipas ang halos anim na oras sa loob ng operating room, inilabas si Leuwan. Nilagyan ng brace ang kanyang leeg. May benda ito sa ulo dala ng operasyon at halos bali ang pitong tadyang nito.

"Doc, anong lagay ng anak ko?"

"Mrs. Shin, right now he is in a state of comatose dahil sa traumang kanyang natanggap.We'll have a close monitor on him, atleast 2 weeks ang pinakamaikling panahon. After that, his body will slow down on its own kung hindi siya magigising"

Nasa loob na ng ICU si Leuwan. Lahat kami ay nakatanaw sa labas.

Yumakap si Tita Hilda kay Mommy. Niyakap naman ako ni Tito Kris.

"Take courage, Iha"

"Tito, gigising pa po kaya si Leuwan?"

"Kailangan siyang gumising dahil pakakasalan ka pa niya di ba?" lalo akong umiyak sa sinabi ni Tito Kris.

"Oo, ikakasal ako pero hindi kay Leuwan"

Nagleave si VeneXity sa opisina. Si Mimi muna ang mag-aasikaso ng mga bagay-bagay sa opisina habang wala siya. Pero lahat ng major decisions ay manggagaling pa rin sa kanya.

"Doc, halos isang linggo na sa ganyang kalagayan si Leuwan. When will he wake up?"

"Talk to him Ms. Vanilla. Tell him to wake up. Tell him all the good memories you have with him"

Naririnig po ba niya ako?"

"In that state of comatose, only his sense of hearing seems to function well. Malakas ang kanyang pandinig"

Pumasok ng ICU si VeneXity na naka-hospital gown.

Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ng binata.Umupo siya sa gilid ng higaan ni Leuwan. Kinuha ang kamay ng binata, hinaplos niya ito ng buong pagmamahal.

"Leuwan, gising ka na" pagkasabi nito, tumulo agad ang luha ni Xity.

" Alam mo, Leuwan... Nang magkalayo tayo, umasa ako na magkakabalikan pa rin tayo balang araw. Tatanda tayong sa piling ng isa't isa. Bubuuin natin ang mga dati nating pangarap noong nasa camp tayo. Ipinangako mo na hindi mo na ako aawayin at hindi mo ang lolokohin. Ipinangako mo rin na hindi mo na papansinin ang mga babaeng aali-aligid sa iyo...

Leuwan, sa tingin ko hindi na ako ang babaeng karapt-dapat para sa iyo. Iba na ang laman ng puso't isipan ko. Sinikap ko naman. Sinunod ko ang sinabi niya pero hindi ko kayang diktahan ang aking puso at isipan.

Pero huwag mo kaming iwan, bestfriend.... Hindi namin kakayanin kapag nawala ka"

Please, wake up. wake up, Leuwan" sumubsob siya sa gilid ng kutson ni Leuwan dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang iyak.

"Leuwan, hindi naman kita sinisisi sa nangyari nung gabing nag-away tayo. Alam ko nadala ka lang. Hindi naman siguro dahil sa hindi mo ako iginagalang pero alam kong mahal mo ako at takot ka lang na mawala ako. Pero ako pala ang takot. Takot aminin ang totoo..."

Kitang kita ng dalawang magulang ang hinagpis na dinaranas ng dalaga.

"Hanggang ngayon, siya pa rin ang umiiyak dahil kay Leuwan.

"Let us pray na gumising na si Leuwan"

"Hope that VeneXity will still be strong for Leuwan. Nahihiya ako sa yo,Venice for seeing VeneXity suffer because of our son"

"Hilda, I have also treated Leuwan as my own son. I know, as long as we are here for them, they can make it"

"Leuwan will wake up soon."

"Ano kaya ang sasabihin ni Leuwan that day na maaksidente siya?

"I saw this box of ring inside his black suite. Seeing this would mean, he planned to propose to VeneXity infront of us"

"Nag-away kaya siya? You see, they are not on the same car when that accident happened"

"Let us not jump into conclusion. Let us wait until he woke up."

Biglang tumunog ang breathing apparatus ni Leuwan. Nakita nila ang isang linya ng kanyang hininga.

Nagulat sila ng makita nilang humahangos papunta ng ICU ang ilang nurse at doctor. Pinalabas saglit si VeneXity dahil baka maghysterical ito. Tanaw na tanaw nila sa labas ng salamin ang pagrevive nila kay Leuwan. Kitang kita nilang lahat ang isang linya ng buhay ni Leuwan. Mabilis siyang nilapatan ng electric shock. Isa, dalawa, tatlo... Nagkaroon uli siya ng hininga. Hindi na muna pinayagang pumasok ang sinuman sa loob ng ICU para mas makapagpahinga ang pasyente. Tanging sa salamin sa labas na lamang nakatanaw si VeneXity.

Dumaan ito sa chapel at umusal ng pasasalamat sa Diyos, bagamat hindi pa gumigising ang binata ay may hininga pa rin ito. Tanda ng kanyang buhay, ng buhay na pag-asa. Kung hanggang kailan sa ganoong kalagayan si Leuwan, sisikapin niyang maging matatag para sa binata.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon