BACK FOR GOOD

138 5 0
                                    

Lalong nakilala ang VANILLA COLLECTION hindi lang sa magagandang isitilo ng damit na ginagawa ni VeneXity . Napapansin din ang unique taste niya sa architectural design ng kanyang boutique.

"Well, what more can I say? Magaling ang aking matalik na kaibigan from WANSHIN CONSTRUCTION. He impressed me with fine and intricate details of his designs. He is a total genius" Sabi ni Xity sa isang interview.

Para mas ma-impress ang lahat. Pinaunlakan niya ang isang interview kung saan ipapakita dito ang pinakagusto mong bahagi ng iyong bahay.

Binalikan ni Xity ang kanyang sariling kuwarto sa kanilang bahay.

Napa-wow ang mga nakakita dito.

Para silang nakakita ng outside view sa loob ng kuwarto ni Xity.

Mala-falls ang dingding ng dalaga. Totoong may mga lumot at baging sa loob ng kuwarto. May alaga siyang ibon sa loob na gagawa ng huni tuwing umaga na akala mo ay nasa kagubatan siya. Sa sahig ay makikita mo naman ang mga alaga niyang koi. Fiberglass ang kanyang sahig kung saan nakapatong ang kanyang kama. May swing sa tabi overlooking the garden outside.

"Napakagandang honeymoon suite nito, Ms. Vanilla..."

"Yap, an ideal honeymoon rest... But it didn't happened here... Somewhere out there, much colder that this place" Sabay tawa ni Xity.


Three years after....

Abala ang OLI GROUP

Pag-alis ni Leuwan papuntang Amerika, bumalik sa Pilipinas sina Hana kasama ang mga anak niya. Bumalik sila sa kanilang dating tirahan.

Ang mga anak ni Leuwan ang kanyang kinuhang model para sa kanyang mga bagong disenyo ng damit.


Araw ng Linggo...

Dumaan sa matinding ensayo sina Leuhan at Judy kasama nila ang mga nakatatanda nilang kapatid bilang modelo ng Vanilla Ice Collection.

Saan pa ba naman kukuha si VeneXity ng mga batang modelo kundi ang kanyang mga binatang anak at ang mga anak ni Leuwan kasama ang kanilang Tita Jazzy.

Hindi ito naging mahirap kay Leuhan at Judy dahil sanay na ito sa pagpose sa madaming tao at sa harap ng kamera.


LEUHAN'S CHAIR

"Leuhan stay here, okay"- Hana.

"Mommy, where are you going?"

"I'll just talk to some people ooutthere"

"Jean, pakibantayan si Leuhan"

"Sige po Mam"

Naging busy din si Jean para puntahan ang mga anak ni VeneXity para magbigay ng schedule ng practice nila. Iniwan niya si Leuhan. Paglingon niya, hindi na niya mahagilap ang bata.

"Jean, nasaan na si Leuhan?"

"Ma'am, andito lang po siya kanina sa tabi"

"Ano ba, Jean? Sabi ko, bantayan mo saglit"

"Ma'am?"

"Angdaming tao. Paano natin mahahanap si Leuhan?"

Habang pinaghahanap siya ng buong staff , si Leuhan ay natuwa sa nakitang palaruan na di kalayuan na pagdarausan ng fashion show. Naaliw siya sa paglalaro doon palibhasa ay first time niyang makapaglaro sa maraming bata.

Hindi napansin ni Leuhan na malayo na siya sa kinaroroonan ng kanyang ina.

Ngunit matapang at malakas ang loob ni Leuhan. Hindi siya nagpadaig sa takot. Kinalabit niya ang mama sa kanyang tabi.

MATCH PERFECT 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon