Keilah's POV
"Here's your change ma'am..." Walang emosyon kong sabi sabay kuha ng ale sa sukli niya at binitbit na ang pinamili niyang water bottle at mga ready to eat meals tsaka umalis na.
". . .Thank you ma'am come again"
Umupo muna ako ng nakahalumbaba habang hinihintay ang ibang costumer na makabili at patingin tingin sa beverage counter kung may naka stock pa ba. Summer kasi ngayon kaya importante ang refreshments.
Sa hindi kalakihang convenient store ako nagtatrabaho. Mag-isa. Yes, mag-isa lang ako bukod nalang sa guard sa labas. Ako ang gumagawa lahat ng trabaho dito, taga bukas ng store, taga arrange ng mga paninda at nagre-restock, taga secure sa CCTV, sales lady, actually lahat si kuya guard lang talaga ang nagbabantay. Need talaga ng guard dito sa Frando, mangilan-ngilan narin ang napabalitaang krimen dito.
Pero anyway, ewan ko rin ba araw araw naman hiring pero wala namang nagaaply. Kaya sakit talaga sa ulo to, kailangan ng tyaga at pasensya. Ok lang rin naman na pinapagod ko sarili ko para narin mahimbing tulog ko gabi gabi.
Malaki laki rin ang sweldo ko. Syempre, sa akin na lahat naka tambak eh. Hindi naman ako nawawalan ng costumer dahil nag-iisa lang to dito sa lugar namin, sa Frando.
Hindi naman medyo kalakihan ang bayan dito pero may mga company buildings, apartment complex, condominiums, hotel, restaurant, school, church, at hospital parin naman at maliit lang ang population dahil gusto ng mayor na limitahan ang mga tao dito, bukod nalang din yun sa mga regular at new visitors dito, may landmark kasi malapit. Kaya kahit small population lang nagiging crowded parin kung minsan.
Nakatira ako sa apartment, may isa akong bedspacer, si Selene. May extroverted personality siya kaya di ko makausap ng maigi kung makausap ko man puro mga unecessary tsaka maraming disagreement. Malayo masyado mga personalities namin. Kumuha na ako ng bedspacer kahit di ko inexpect na ganitong bedspacer pala makukuha ko. I have to do it. I feel safer kung may kasama ako. Normal anxiety na talaga to sa akin kasi nga medyo delikado nga dito. Takot ko nalang mag-isa lalo na pag umuuwi na ako galing work, pero nasanay narin ako, hindi naman ako sinasaktan pero nakakakaba parin talaga. Di mo alam anong mangyayari sayo. Tao rin ako kaya natatakot ako. Kinsanayan ko nalang takot ko. Kung baga ni no-normalize ko na takot ako pero makakauwi parin. Ganun lang talaga, fighting spirit.
Wala na akong pamilya, ewan ko kung asan na sila. Sinadya ko nalang kalimutan sila dahil sasaktan ko lang sarili ko kung mananatili pa alaala ko sa kanila. Pinamigay lang nila ako sa mga lola't lolo ko na pinagpasa-pasahan naman sa iba pang kamag anak, kaya napag desiyonan ko nang lumayo at kalimutan nalang talaga lahat ng pagpapahirap nila sa akin. Kahit na may utang na loob ako sakanila dahil sa kabila ng lahat kinopkop parin nila ako ay hindi na ako nakatiis pa, umalis parin ako. Twenty years old narin naman ako, di ko na kailangan mag-aral, ang importante napapakain ko sarili ko sa araw-araw.
Mas masasaktan lang ako kapag nanatili pa ako. Nakakapagod kaya masaktan. Ngayong sarili ko nalang ang inaalala ko, nabibigyan ko na mg pagkakataon sarili ko na hindi masaktan dahil yun mga wala ng may hawak sa akin.
Hindi ako tanggap ng mga pinsan ko kaya sa lahat ng makakaya nila binubully nila ako at si ako naman hinayaan lang sila. Gustuhin ko man, ayaw kong bumaba sa level nila, nakakapagod na rin. Wala parin namang mangyayari kahit lumaban pa ako.
Miss na miss ko na ang lola ko na tunay na nagmahal sa akin. Hindi yung lola ko na unang kumupkop sa akin. May isa pa akong nakilala. Siya lang ang tumanggap sa akin kahit hindi kami magkadugo.
Oo alam ko boring at dramatic ang buhay ko. Minsan gusto ko nalang tumalon sa isang building o di kaya lunurin ang sarili ko pero nauunahan ako ng takot.
Napatawa nalang ako ng mapait.
Sa unang tingin napakanegative ng buhay ko pero sa kabila ng lahat may nakikita naman akong bright side. Kung iisipin maswerte parin ako dahil may tinitirhan ako at may decenteng trabaho. Maraming pagkakataon parin naman may pinapasalamatan ako sa mga magandang nangyayari sa akin.
"Yan lang po ba?" Tanong ko sa binatang costumer hawak ang isang can ng beer at band aid.
"Uhuh" Sabay kindat niya.
Nagulat ako. Napakarandom naman ng taong to. Umakto nalang akong hindi ko pinansin ang pagkindat niya.
Alam ko normal na sa ibang tao na overconfident talaga kaya medyo naiintindihan ko behavior niya, hanggang kindat lang naman yan. Asa pa bang may ibang gawin pa yan.
"Thank you sir, come again"
Tumango siya at bago makalabas na pinagbuksan ni kuya guard ay humarap ulit siya sa akin at may sinabi.
"Mag-ingat ka."
Medyo lumaki muna mata ko at napa unconfomfortable smile bago napabuntong hininga at napa isip, 'saan kaaya aabot confidence nito'
Pero hindi ko alam kong threat ba yun o talagang concern lang siya pero I think it was more like a threat dahil sino ba naman ang magsasabi sa akin ng ganun lalo na at hindi pa kami magka-kilala. The nerve.
Lumabas siya na may iniwang gulo sa aking isipan. Dapat ba akong matakot?
That really bothered me. Kung genuine concern man yun, what for?
Or kung threat man yun, what is he up to?
Alam ba niyang umuuwi akong takot kaya pinagkakatuwaan niya ako?
Is he planning something for me? Harm me?
Ako? Sino naman ako para effortan ng attention what more gawan ng krimen.
But anyway so much for worrying. Alam naman ng lahat na ang maliit na bayan na ito at kung minsan delikado although nagcalm down na medyo dahil binigyan naman ng action ng mayor. I'm sure whatever happens ma p-prevent naman nila siguro ang upcoming crimes.
So sa tingin ko na rin it was another random thing na sinasabi niya sa ibang tao dahil sa overconfidence niya.
Too much for my thoughts there, overthinker lang talaga akong tao. I observe and read people too much minsan. It's just something I always do growing up.
➖➖➖➖➖
How was it? Don't forget to vote!
-MzYKW
2021: Thank you for being here.
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasíaThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)