Nasa harap na namin ang kalsadang dinaanan ko patungong Alethea. This time, I recognized the direction.
"Ito na yun?" Manghang tanong niya.
"Hindi mo alam?"
"Magtatanong ba ako kung alam ko" sarkastikong sabi niya. Galit parin siya
"Akala ko ba kasama mo palagi si Alethea, bakit di mo to alam" inis kong sabi
Nagulat pa siya dahil alam ko ang storya niya.
"Hindi kami dito dumadaan. Maraming lagusan ang ginawa niya. Teka nga muna bakit mo ba alam lahat ng to." He annoyingly asked.
"Sinasabi ko sayo Maddox, nakapasok ako dito. Alam ko."
Agad agad siyang lumakad at agad din siyang nawala. Nagdadalawang isip pa ako kung susunod ba ako o hindi.
Kakasikat palang nang araw at malamang gabi na sa Alethea.
Huminga ako ng malalim bago ko naisipang sundan siya.
Pag apak na pag apak ko napatakip ako bigla sa bibig ko sa gulat, hindi ako makahinga sa kamay na nakatakip sa bibig ko. Naramdaman kong may humila sa akin, si Maddox. Taas baba ang balikat ko habang tumingin kay Maddox. Tinanggal na niya ang pagkakahawak sa akin.
Dinala niya ako sa isang puno na tila may pinagtataguan.
"Anong nangyayari?" Nanginginig na tanong ko.
"Nangyayari na ang mga sinabi mo sa akin." ramdam ko ang tensyon sa mga mata niya habang sinasabi niya yun.
"Mga Quebec" dagdag pa niya, na siyang ikinagulat ko.
Dahil gabi, gaya ng sinabi sa akin ni Reyna Vedette lumalabas ang mga halimaw kapag gabi.
At ito ngayon sa harapan namin habang nagtatago, higit sa sampung halimaw na nakikipag patayan sa higit benteng Quebec.
Tiningnan ko si Maddox, seryoso siyang nakatingin sa mga Quebec, maigi niyang tinitignan ang bawat kilos nila.
Nakita ko ang mga halimaw na napatingin sa side namin, dahilan para mapa upo ako at mapahawak sa isang napakalaking daisy.
At isa pang ikinagulat ko na sa paghawak na paghawak ko sa bulaklak ay bigla itong nagibang anyo at naging napakalaking tinik ng rosas na sing haba ng kalahating tao.
Hahawakan ko na sana si Maddox dahil hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari, pero wala akong nahawakang Maddox.
Dahil si Maddox ay nakita kong nakikipagsabayan sa mga halimaw para mapatumba ang mga Quebec.
Mas bumilis pa ang taas baba ng balikat ko sa mga nakikita ko. Ngayon lang ako nakakita ng duguang laban, kaya di ko mapigilang mapa react kapag may nasasaktan.
Napatumba na nila ang ilang Quebec hanggang sa tatlo nalang sila. Patay narin ang mga halimaw at si Maddox nalang ang nakikipag away.
Nakatalikod sa akin si Maddox at pinilit niyang pinapatumba ang isang Quebec at hindi niya namalayang may aamba na sana sa likod niya, pero bago pa mangyari yun uunahan ko na siya.
Kinuha ko ang daisy na naging tinik at walang ingay akong tumakbo, sasaksakin na sana si Maddox pero nauna kong nasaksak ang Quebec, pagbagsak na pagbagsak niya ay bumagsak narin ang natirang Quebec.
Napatingin sa akin si Maddox habang hingal na hingal. Tsaka ko binitawan agad ang tinik. Hindi ako makapaniwalang nakapatay ako.
Dahan dahan akong umatras at nag aamba pang bumuhos ang mga luha ko. Nakita ko pa ang dugo sa mga kamay ko, akala ko sa Quebec to pero galing pala to sa mismong mga kamay ko.
Tiningnan ko ang tinik, akala ko sa dulo lang matulis pero sa buong parte pala may maliliit na matulis na karayom ang nakapalibot. Saka ko palang naramdaman ang sakit nang galawin ko ang kamay ko.
Napansin din to ni Maddox kaya hinawakan niya ang mga braso ko.
"Ang tanga mo." sumbat niya sa akin.
"Hindi ko alam." rason ko.
Napatingin ako sa kanya, pero may nakita akong gumagalaw sa likod niya. Halimaw.
"M-Ma-Maddox, halimaw." takot na sabi ko.
Sinundan niya ang tingin ko pero hindi siya nagulat.
"Hindi sila halimaw. Remus. Sila ay Remus. Wag mo silang tawaging halimaw, nakaka intindi yan. Sila ang nagbabantay ng mga lagusan."
Napahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.
"Kaya pala" sabi ko habang patuloy parin siyang nakatingin sa kamay ko.
"Kaya pala inatake ako ng mga hal- este Remus nung una akong napadpad dito."
Napatingin siya sa akin
"Paano ka nabuhay?" Nakakatakot na tanong niya.
"Ewan. Sinubukan ko lang silang kalabanin gamit ang maleta ko pero sa sobrang lakas ng paghampas ko namanhid ako at nawalan ng malay, nagising nalang ako nasa harap ko na si Reyna Vedette . . . teka nga pala, bakit hindi alam ng Reyna ang Remus. Kasi ang pagkakapangalan nila ay halimaw."
"Hindi nila alam na bumubuhay si Alethea ng Remus para bantayan ang mga ginawa niyang lagusan."
Napa 'ah' naman ako.
"Hindi ka tao"
Simpleng sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Ako ba ang ibig sabihin niya?
"Tumayo ka na kailangan pa nating gamutin ang sugat mo." hindi ko pinansin ang sinabi niya.
Tumayo siya na sinundan ko naman.
"Anong ibig mong sabihin sa hindi ako tao"
Tanong ko habang hinahabol siya.
"Kung hindi ka taga Alethea, hindi ka titigilan ng mga Remus hanggang hindi ka namamatay." sabi niya habang patuloy sa paglalakad.
"Ano?!" Pag angal ko.
"Pwede ba tumigil ka na sa mga tanong mo. May mas malaki pa akong problemang kailangang asikasuhin."
➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)