Chapter 54: Unexpected

1.8K 56 6
                                    

Veddete's POV

Mag-gagabi na sa Alethea at pabawas na ang nalalabing araw para kami ay maghanda sa nalalapit naming paglusob sa Quebec. Lulusob kami.

Ang pagbabalik nalang ni Alethea ang aming hinihintay, handa na ang lahat at sa kanyang pagdating wawakasan na ng tuluyan ng Alethea ang Quebec na nais kaming sakupin, hinding hindi pahihintulatan na kami ay kanilang alilain, wala ni isa sa amin ang karapat dapat na maging isa sakanila.

Ngunit yun ang akala ko.

Malakas na sunod sunod na katok ang gumambala sa aking pag-iisip. Kabado kong binuksan ang pintuan ng aking silid dito sa palasyo at bumungad sa akin si Jenan, isang Flonen.

"Meron tayong problema."

Mabilis kong nilakad ang daan patungong Flonen.

"Anong nangyari kay Ray?" Hingal na sabi ko.

"Gising na siya" doon ako napahinto kaya si Jenan ay napilitan ding mapahinto.

"Hindi ito maganda. Nasaan siya ngayon?"

"Kailangan namin siyang ipasok sa isang silid at ikandado sa kanyang upuan—" hindi ko na nagugustuhan ang aking naririnig "Ano?"

"Hindi na siya tao Reyna Vedette. . . . isa na siyang Quebec. Paunti unti ang pagbabago ng kanyang katawan kaya habang maaga iginapos na siya pero hindi ko maipapangako kung magtatagal siya, maari siyang makatakas." Labis na pangamba ang balitang sinabi sa akin ni Jena.

Batid kong isa itong hakbang ni Quebec, wala nang ibang dahilan. Sinadya niyang lusubin kami upang magpadala ng espiya. Hangal!

Agad kong pinasok ang silid at tumambad sa akin ang isang anyong Quebec, tuluyan na nga siyang binago.

Pansamantala siyang hindi pa makakagalaw kaya habang maaga pa ay dinagdagan ko ng mga ugat at pinalibutan ng matitinik sa sanga ang buong katawan niya.

Malakas na inda ng sakit ang kanyang isinigaw kaya umatras ang mga Flonen na naka paligid.

"Ipatawag mo ang Remus. Kailangan ng magbabantay ang isang to." Saad ko kay Jena. "Sumama na kayong lahat, kailangan ko siyang makausap."

Sa kanilang pag alis agad kong hinarap ang umuungol na Quebec.

"Lapastangan. Isa kang duwag! Hindi talaga kayo marunong lumaban ng patas. " ngunit isang halakhak ang isinagot niya sa akin at sa galit ko ay mas lalo ko pang hinigpitan ang mga nakagapos na mga tinik gamit lang ng aking isip.

"Mamayang gabi . . . " hindi pa siya tapos sa kanyang sinasabi ay tumatawa na siya at mas lalo ko pang hindi nagugustuhan ang mga nangyayari.

Akala ko naayon na sa plano ang mga nangyayari, hindi ko akalain na malilinlang nila ako.

". . .  hindi sa araw ng napagkasunduan, ang buong kaharian ng Quebec ay papasok dito sa Alethea at wala ni isa sa inyo ang matitira."

..........
A/n Hola Readers! Welcome to my comeback update (hahaha peace yow) Took me awhile to overcome my writer's block. Hope that sana may nagbabasa parin ng story ko. Sincerest apology doon sa mga naghintay talaga.

Sana lang, sana lang talaga matatapos ko to.

Hmmmm. The end is near. Ano kaya ang mangyayari?????

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon