Chapter 47: Unconditional Love

1.8K 83 2
                                    


"

Makikita ko na ang pamilya ko!"

Bakas sa mukha niya ang kasiyahan. Nakikita ko sa mata niya ang pagmamahal niya.  Nakakalungkot tuloy, paano kung sa paglalakbay namin ay hindi namin sila makita?
Malungkot pa naman pag mag-isa. Alam ko ang pakiramdam, na wala kang makakausap kapag kailangan. Yung walang masasandalan. Kaya ngayon palang naaawa na ako kay Magne.

"Magne, wag ka munang umasa. Hindi kasi natin alam ang mangyayari kaya mas mabuti nang handa ka." Aniya ko

Pero ngumiti lang siya. I much as I want to be positive, I don't want her assume e are going to find them. Ayaw kong nagpapa-asa.

Huminga ako ng malalim bago ko tuluyang lagpasan ang lugar kung saan pinundar ko lahat ng meron ako.

Paalam na muna sa ngayon, babalik ako para mailagtas tayong lahat.

Kailangan pa namin ni Magne na gumawa ng daan para makalagpas kami sa masukal na daan. Inaalis namin ang mga sanga at mga dahon na sabagal sa daan gamit ang sibat na dala ko. Gusto ko man controlin ang mga ito, nakikita ko kasi si Magne na tuwang tuwa habang nagsasalita sa kanyang sarili tungkol sa aming paglalakbay. Narinig ko pang sabi niya na noon paman gustong gusto na niyang makita ang ibang sulok ng Alethea.

Napa-isip tuloy ako, ito kaya ang dahilan kung bakit nahiwalay siya sa pamilya niya?

"Aray!" Ungol ni Magne

Nakita ko ang braso niya na may gasgas dulot ng sanga na siguro hindi niya napansin kaya siya nasaktan.

Agad akong yumuko at hinawakan ko ang sugat niya.

Gulat siyang napatingin sa akin at napalitan na ng ngiti. Namangha siya sa biglang paghupa ng sugat niya.

Tumayo na ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang swerte siguro ng mga kaibigan mo no? Pagnasaktan sila andyan ka para pagilingin sila" aniya

Ngumiti ako ng mapait.
Kung pwede lang sana na ako magpagaling sakanila. Pero hindi eh. Si Meribah ang dahilan kung bakit nangyari sa kanila to kaya wala akong magawa. I can't heal wounds from Meribah.

Hindi pa kami nakalayo ay may biglang sumigaw.
Sabay kaming napatingin ni Magne sa likod.

May naaninag akong babaeng Orleana na tumatakbo sa direksyon namin. Teka si Dawn ba yun?
Siya nga.

"Anong ginawa mo kay Maddox?! Walangya ka. Sana hindi ka nalang bumalik at hinayaan mo na sana si Maddox dito. Hindi na sana siya nagkaganito. Kasalanan mo lahat to. Wala ka ng ibang ginawa kundi bigyan ng problema ang mga Orleana" galit na tugon niya

"Hindi mo alam ang sinasabi mo" ani ko sabay sampal niya sa akin.

Narinig ko ang reaksyon ni Magne at ganun din si Dawn kaya napatingin siya.

Anong karapatan niyang sabihin ito sa akin ngayon? Kailan pa siya naging ganito ka salbahe. Napakamahiyain niya pa noon. Naging confident ba siya nung nawala ako?

"At sino naman to? Isa na naman sa halimaw na ginawa mo?!" Aniya Dawn

Napayuko nalang si Magne

"Hindi siya halimaw Dawn. Ikaw ang halimaw dahil hinayaan mong kainin ka ng pagmamahal mo." Sumbat ko.

"Ano?"

"Umalis ka na" aniya ko.

Gumawa ako ng harang sa harapan niya para hindi na niya kami masundan pa.

Sinabi ko kay Magne na aalis na kami at sumunod naman siya. Mabuti at hindi na siya nagtanong.

Paalis na kami pero sigaw parin ng sigaw si Dawn.

"Pagsisisihan mong bumalik ka pa dito!!! Tandaan mo AKIN LANG SI MADDOX"

Hindi ko na siya pinakinggan at patuloy lang sa paglalakad.

Hindi ba niya naisip na dahil sa akin namuhay ang mga Orleana ng payapa? Hindi ba niya naisip na dahil sa akin nabuhay silang walang Quebec na sumasagabal sa kanila?

Hindi na niya naisip ang mga ginawa ko para kaniya para sa mga Orleana dahil ang pagmamahal niya ang sumira sa kanya.

Natatakot na tuloy akong magmahal. Natawa ako. May mas kailangan pa pala akong alalahin kasya sa puso ko.

➖➖➖➖➖➖➖➖


If you are done reading this chap. Vote ka naman. Hahahaha.
2021 update: Yes yes vote ka ^ ^

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon