Chapter 48: Jovanah's Journey

1.7K 51 1
                                    

Jovanah's POV

Nangingiti akong naglalakad patungo sa batis, minsan pa nga kumakanta ako at pasayaw sayaw. Nagmumukha na akong baliw pero ayos lang wala namang nakakita sa akin.

Hanggang sa napatigil ako at bumuntong hininga ako.

Hindi ko akalain na bumalik na si Alethea at ang mas maganda pa pinagkatiwalaan niya ako na gawin ang misyon na to. Hindi ko talaga maisip na sa akin pa siya lumapit at ihiling ang pabor na to. Napangiti tuloy ako sa naisip ko. Pinagkakatiwalaan ako ni Alethea! Dahil diyan nagpatuloy ako sa paglalakad ng masaya ulit.

Pero napatigil at napaisip ako, na maari na sa pagbalik ko ay katapusan na ng buhay ko. Hindi ko na kasi alam ang nangyayari, bigla bigla nalang na pumasok si Meribah at humamon ng gulo.

Ang mahalaga may nagawa ako. Hindi katulad sa iba na pinalikas ni Reyna Vedette. Dahil diyan nagpatuloy ako sa paglalakad ulit.

Bago kasi ako humayo ay inilakas ni Reyna Vedette ang mga babae at mga bata at iniwan ang mga lalaki para mag ensayo. Paparating daw si Meribah upang sakupin ang Alethea.

Ayaw na ayaw ko na walang ginagawa kaya masayang masaya talaga ako na nakaktulong ako kay Alethea.

Sa di kalayuan may nakikita akong lumilipad. Napatago ako sa isang bulaklak at pinagmasdan ito.

Sobrang laki niya na halos natatabunan na niya ang liwanag sa kinakatayuan ko.

May bigla akong naisip.

"Hoy! Hoy! Ikaw na lumilipad! Oo ikaw! Bumababa ka!"

Napangiti ako. Ayos to

At habang bumababa siya bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang bigla nalang tumigil at oras at ang tanging gumagalaw lang ay kaming dalawa.

Isang matipunong paru paro ang nakuha ko.

Napahawak ako sa dibdib ko at tulala ko siyang tinitingnan.

Ang ganda ng mukha niya at dagdag pa ang pakpak niyang sobrang laki ang mas nagpapaganda sa kanya.

"Anong maipaglilingkod ko?"
Bigla akong nabalik sa realidad matapos niyamg magsalita.

"Ah..."

Dahan dahan siyang lumapit sa akin.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya napatras ako.

"Saan mo gustong pumunta? Sasamahan kita."

May kung anong sensasyon naramdaman ko sa sinabi niya. Sobrang sarap pakinggan ng sinabi niya na parang sinabi niya na rin na mahal niya ako.

Napasinghap ako. Ay nako Jovanah. Ano ba yang iniisip mo. May misyon ka pang dapat tapusin.

"Napakaganda mo" teka lang bakit ko nasabi yun. Di dapat yun ang sasabihin ko.

"Salamat pero mas gusto ko ang matipuno kaysa sa maganda." Sabi niya na napatawa.

Ah nakakahiya.

"Da- dalhin mo ako sa . . . ba- batis ng styx" mautal kong sabi.

Nagulat siya.

"Kung hindi mo ba ako nakita lalakarin mo ang ganon ka layo." tanong niya.

"Oo" walang pag-aalangan kong sagot.

Napabuntong hininga siya.

"Talaga! Ang tapang mo naman. Mabuti nalang at napadaan ako." sabay ngiti niya at inilahad niya ang kamay niya.

Malugod ko namang tinanggap.

Isinakay na niya ako sa likod niya.

Dahan dahan siyang lumilipad at unti unting bumibilis.

Napatingin ako sa baba.

Namangha ako sa ganda ng Alethea. Ang ganda ganda ng buong paligid at ang saya saya ng lumilipad.

Buong buhay ko ngayon ko lang naramdaman kung gaano kasaya ang lumipad.

Ang swerte naman ng mga paru-paru.

"Anong pangalan mo?" Bigla kong tanong.

Napakagat ako sa labi ko. Talaga lang Jovanah. Yan talaga una mong sinabi.

"Ako si Loish, maari mo akong tawaging Lo"

Tumawa ako ng mahina. Napaka maginoo niyang sumagot.

"Lo, magandang pangalan. Ako naman si Jovanah pwede mo akong tawaging Jo." At napahalakhak naman ako sa sinabi ko.

"Bakit ka naman tumatawa?" Tanong niya.

"Gawa-gawa ko lang ang Jo, pero maayos na yun, magkatunog ng sayo."

➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon