Chapter 2.2: In and Out She Goes

8.2K 263 11
                                    

Nabitawan ko ang softdrink sa aking kamay na malapit ng bumigay at nanginginig ang mga tuhod ko. Malakas parin ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog.

Dahil kani-kanina lang ang alam ko, madilim at naliligaw lang ako. Ang tanging naririnig ko lang kanina ay ang mga typical na ingay na maririnig sa gabi, pero ngayon, parang bigla akong nabingi. Tila nawala ng bigla ang kakayahan kong makarinig.

Hindi lang pandinig ko pero parang lahat ng senses ko biglang nagbago. Ang malamig na gabi na bumabalot sa akin kanina ay napalitan ng init. Bigla na lang tumaas ang temperatura bagama't hindi nito napigilan ang pagtaas ng balahibo ko.

I am shivering, so hard na di ko namalayan na nakalimutan ko palang huminga kaya taas baba ang balikat ko.

Kung kanina ay madilim at tunog ng gabi ang naririnig ko, giniginaw pa ako, ngayon ay napakataas ng sikat ng araw at naririnig ko ang ingay ng mga ibon na tila masayang naghahabulan.

"What in the world . . . ?!" I exclaimed.

Literally, what in the world is this?

Napapikit-pikit pa ako at ininda ang sakit sa aking mga mata dahil biglaan akong nasinagan ng liwanag.

I'm so confused. I feel like I'm tripping. Hindi ako nagd-drugs.

Nasa harapan ko ngayon ang nagagandahan at naglalakihang mga bulaklak na 'sing laki ng ref. ko sa apartment, at mga nagliliparang mga paru-paru na kalahati na ng laki ko na sinalubong pa ng paru-parung 'sing laki ko. What?! May mas lalaki pa dyan?

Mga halaman na ibang iba sa usual na nakikita ko. Ano ito?
At sa di kalayuan ay may nakita akong mga bata na naglalaro, mga may edad na nagkakasiyahan, mga dalaga't binata na nagsasayawan kasabay ng musika.

Sooooo confused.

Mga bahay na gawa sa mga halaman at bulaklak. Hinawi ko ang mga naglalakihang mga bulaklak para makita ko sila ng mabuti. Medyo elevated dito sa kinatatayuan ko kaya nakikita ko sila.

"Wow" sabi ko as I exhaled.

Napahawak ako ng mabuti sa halaman na nahawakan ko dahil feeling ko anytime matutumba na ako. Hindi ko masyadong ma-igalaw ang paa ko at namamanhid na ang mga kamay ko. Kaya tuluyan na akong natumba, nahihirapan akong i-digest ang mga nakikita ko ngayon dahil wala akong idea kung paano ako nakapunta dito, bakit ko to nakikita, at higit sa lahat, paanong may ganito?!

Nanaginip lang ba ako?

Kung panaginip nga to, sana hindi na ako magising. I don't even know why.

My mind is calming down. My heart is still pounding hard though bearable na but I'm just so amused now.

'I kinda like it here.' I let out a silent thought.

I was so scared kanina but I was scared for nothing.

Or am I?

Habang isa isa ko silang tinitignan, mas lalo ko silang nakikitang mabuti. Things are getting clearer ngayon na hindi na messy ang emotion ko. I feel so twisted kanina. Ngayon medjo nakakaprocess na ang brain ko.

Tinitingnan ko ang mga tao at napapansin kong maayroong kakaiba sa hitsura nila. They look human but kinda don't also. I swear there's difference, hindi ko lang ma-point out.

Ibang iba din ang mga suot nila, kung yung iba ay black, may green din, yellow at ang pinaka marami ay puti, parehas lang ng style pero iba iba ang mga kulay. They seem to have divisions base on color.

Ano kaya ang gawa ng mga tela nila? Na-curious ako bigla, parang gusto kong subukan ang ganda kasi, bagay na bagay pa sa kanila. Gusto kong tingnan ang buong detalye ng kasuotan nila pero tanging structure lang ang nakikita ko, masyado akong malayo.

Pinapanood ko ang mga batang naglalaro, ang cute nila tingnan. Masaya lang, walang problema. Di ko mapigilang ma-appreciate ang mala inosente nilang pagiisip at paguugali, malayo sa mga panahong 'sing edad ko lang sila. Was I ever like them?

Isa sa mga bata ang napatingin sa akin.

Parehas kaming nagulat, pero ngumiti din siya agad at tinawag ata ang ina niya at tinuro turo ang direksyon ko.

That's not good.

Pero bago pa niya ako makita umatras na ako, ewan ko, bigla nalang pumasok sa isip ko ang magtago. After all, ma-coconsider na intruder ako dito. I'm definitely not from this place. Nakatakot din ako baka ano pa ang mangyari.

At nang tuluyan na akong umatras, as if on cue biglang nawala ang lahat.

"What the. . ." gulat kong sabi sa sarili ko at kumunot ang noo ko.

"Eh?"

Bigla nalang bumalik sa dating madilim at malamig na kalsada. Kinilabutan ako bigla at kamuntikan na akong matumba.

Please I can only take few jumpscares, can this just stop.

Hindi na okay to. Nakakabaliw truth be told.

Paano akong nabalik agad dito? Napapikit nalang ako ng mariin, ang hirap naman i-process lahat ng to.

Napaluhod ako sa biglang pagsama ng pakiramdam ko. Nanghihina na ako. I knew it. I told you too much for my brain na to.

But what was that though.

"Miss?"

May bigla nalang humawak sa braso ko at awtomatiko akong napatayo at napalayo sa kanya na iniiwasan kong mapa-atras sa eksaktong kalsada na pinasukan ko. Ewan ko pero kung totoo ang lugar na yun, ibig sabihin sa sandaling mapalapit ako sa bandang kalsadang yun, maglalaho ako kaya bigla kong naisip hindi ako maaaring mawala nalang bigla sa harap ng ibang tao.

"Si-sino ka?"

Nauutal kong tanung habang bakas parin sa aking mukha ang kabalisa.

Wait. Ito na ba yung threat ko kanina bago to?
No waaaaaay.
Can this day be over?
Over with my life please.

"Its Maddox, at wala akong intensyon na gulatin at saktan ka, promise. " Sabi niya nang nakataas ang kanang kamay.

I looked at him and was hoping he is telling the truth. I don't need threats right now, Knight in Shinning armor ang kailangan ko. Not that I would ever need or ever liked threat but still. Can he just be at least a good person. I don't really feel like dealing with him right now. Masyado pa akong nanghihina, ang sakit ulo ko.

"Nawawala ka ba?" Tanong niya.

Parang pamilyar siya akin.

"Yes." I weakly answered at napahawak sa ulo ko.

Saan ko ba siya nakita? Dahil pamilyar talaga ang mukha niya sa akin.

"Oh I was doing my jog at nakita kita." aniya. Jog? Anong oras na ba? Mag-uumaga na? I'm in trouble. Magbubukas pa ako ng store.

Parang nagsisimula na akong mag-tiwala sa kanya. His approach seems to be careful. Pakiramdam siguro niya nagulat niya ako masyado.

"Saang bayan?" Tanong ko sabay baba ng kamay ko at tiningnan siya.

"Frando..." Lumiwanag ang expression ng mukha ko. Mabuti nalang at doon siya papunta kaya napahinga ako ng maluwag.

"....gusto mong sumama?"

Nagaalangan akong sumama pero pinili ko na talagang pagkatiwalaan siya ng buo. Masyado na akong nanghihina gusto ko ng makauwi.

Sa maka-ilang hakbang ko ay tuluyan ng bumigay ang katawan ko. Ang huli ko nalang narinig sa kanya ay

    "Naman eh sabi ng mag-ingat ka asdfghjkl..."

May sinabi pa siya pero tuluyan ng nagdilim ang aking paningin pero ramdam ko ang mga braso niyang sumalo sa akin.

I let out a small relieved smile. I'm just so thankful for this guy today.

Or should I be? This could be rapist.

➖➖➖➖➖➖

01232021 Ranks currently #1 on tag #Original.
Thank you so much 💗

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon