SPECIAL CHAPTER

1.8K 30 3
                                    

(Keilah's POV)

Lumipas ang panahon na puno ng mga malulungkot at masalimoot na mga bagay. Ngunit sa bandang huli masasabi nating 'nangyari na ang mga nangyari' mapapabuntong hininga ka na lang at mapapaisip 'paano kung hindi ko ginawa ang mga desisyon na yun, magbabago ba ang lahat?'

Taon taon ang mga Orleana ay nagdidiriwang ng anibersaryo sa lahat ng mga nagsakripisyo at naging bayani ng mundong ito.

Ika-apat na beses ko ng inaalay ang mga bulaklak na inalagaan ko magmula nung panahon ng malaking kaguluhan sa lahat ng mga bayani ko para magbigay respeto.

Sila ang dahilan kung bakit makikita ang mga ngiti ng mga Orleana ngayon na nagsisikap ibalik ang nooy maayos na mundo.

Napabuntong hininga ako at napapikit pagkatapos damhin ang katahimikan sa ka ilaliman ng gabi sabay ng ilaw sa bawat apoy na dulot ng mga kandila sa bawat puntod.

Maya maya pa ay may tumabi sa akin sabay hawak ng kamay ko. Dumilat ako at tiningnan siya ng malungkot na mukha.

Ngumiti siya ng mapait na tila alam niya ang iniisip ko. Napatango naman ako, oo nga naman sa tagal naming magkasama syempre alam na niya ang mga pasikot sikot sa utak ko.

"May mga taong dadating sa buhay natin para pangitiin tayo o di kaya ay paluluhain, pero may iba na hindi laging nananatili sa buhay natin. Minsan sa lahat ng umaalis sila pa ang nagdudulot ng ngiti sa mukha natin. "

Napatingin ako sa langit. Magagalit ba ang bituin kapag nakita nila akong malungkot?

"Kaya Alethea, dapat ngini-ngitian mo dapat sila dahil umalis sila para maging masaya ka. "

Masaya ba ako nung umalis sila sa buhay ko? Ng hindi man lang babalik pang muli? Karapatdapat ba ako sa mga sakripisyo nila?

Muli na naman sumikip ang dibdib ko. Pero pinigilan ko ang sarili kong umiyak.

May kinuha ako sa bulsa ko, relo ni Albert.
Nakita ko to habang naglilinis at naalala kong suot suot to lagi ni Albert, yun nga suot suot niya lagi pero iniwan niya naman dito.

Di ko parin maiwasang isipin si Albert matapos kong isarado ang lagusan. Kinulong ko siya at bagama't walang nakaka alam kung buhay pa siya, pinili nalang nilang ibaon ang puntod niya kasama ng mga Orleanang namatay din.

Matatanggap ko ba yun? Apat na taon na pero nagi-guilty pa rin talaga ako.

Mabait siyang tao, wala siyang ibang ginawa kundi pangitiin ako at tulungan ako. Iniwanan lang ako ni Albert ng masasayang memorya, na naging mapait sa akin na dadalhin ko sa libingan ko. Miss na miss ko na siya.

Narinig ko ang buntong hininga ni Maddox at humigpit ang hawak sa kamay ko.

"May kailangan pa tayong bisitahin bago matapos ang gabing ito. " sabi niya at tumango ako.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

Lumabas kami ng lagusan. Oo taon taon namin tong ginagawa. May kailangan lang kaming alayan ni tong mga bulaklak na dala ko.

Sa harap namin ang isang napakalaking puno na napapalibutan ng mga tuyong dahon kasama ng mga bulaklak na tumutubo ng napa kaganda. Ito ang bulaklak na lagi kong dala para sa kanya. Kay Reyna Vedette at pati na rin kay Albert.

"Maddox. " tawag ko sa kanya.

"hmm? "

"Sa tingin mo. . ." tumingin siya sa akin.

"Naging masaya ba si Albert? " ngumiti siya. Isang ngiti na laging pinapabuhay ang dugo ko.

"Mabait siyang kaibigan. May mga bagay na nangyari sa kanya na sabi niya ay ayaw na niyang balikan pero sa kabila ng lahat ng mga luha niya, ngiti parin ang makikita mo sa kanya at doon masasabi kong totoo ang ngiti niya, at oo sa tingin ko masaya siya. "

Nangingilid ang luha ko pero naisip kong kailangan kong magpakatatag para panatag lahat ng nakatingala sa akin.

"I missed Albert so so much."

Hinawi ni Maddox ang buhok ko at hinawakan ang mukha ko. Magmula noong medyo maayos na ang lahat naging maayos na din kami ni Maddox at mula noon naging obsesses na siya sa paghawak sa kamay ko at sa mukha ko. Masasabi kong namiss nga namin ang isa't isa.

"Alethea, " sambit niya ng malumanay.

Nginitian ko siya at niyakap.

"Alam ko nagugutom ka na, kumain na tayo. "

Napatawa siya at umakbay sa akin.

"Ayos na miss ko rin ang mga luto dito. 7/11 muna tayo may gusto akong bilhin. "

Tinulak ko siya.

"Ayaw ko doon. Last year nakita ko yung guard nila mukhang mambabarang."

Ayaw ko na talagang makita ang mukha ng gagong yun, yung guard sa pinagtatrabahuhan ko noon, 7/11 na nagtatrabaho ngayon.

"Tsaka wala kang pera ngayon."

"Alam ko, joke lang. Tara sa condo ko. " sabay nakakalokong ngiti.

Oo nga pala may condo siya, yaman niya dito eh no.

"Walang pagkain doon. " reklamo ko.

"Edi ipagluluto kita." biglang lumiwanag ang mukha ko. Ang sarap niya kayang magluto ang swerte ko talaga.

Kaya ayun naglakad na kami, oo naglalakad dahil walang pera kami ngayon, nasa condo niya daw lahat ng kayamanan niya. As if yamanin niya no.

Masakit na ang paa ko sa kakalakad umakyat pa kami ng hagdan dahil sira ang elevator mabuti nalang at malapit na kami.

Habang nagtatawanan kami ni Maddox ay may natanaw ako sa kapit bahay ni Maddox, may taong magbubukas pa lang ng pinto na ikinagulat ko.

Hindi ito maari. Teka muna totoo ba tong nakikita ko?

Albert?

"Albert!! " di ko mapigilang sigaw.

"Alethea teka muna baka naman bagong kapitbahay lang. . . Ooh. " sabat ni Maddox na parang nakilala niya.

"Albert" sabay naming bulalas at madaling nilapitan siya.

Napakunot naman ng noo si Albert.

Impossible.

Totoo ba tong nakikita ko?
Hindi ko alam pero nangingilid na ang luha ko.

Nanginginig ang kamay ko at pinagpapawisan habang palapit kami ng palapit.

Albert ikaw ba yan.

At nang kaharap ko na siya, hinawakan ko ang kamay niya.

"Sorry miss, do I know you?"

And just like that, yung akala kong nakulong sa mundo ng Meribah at iniisip na patay na ay nandito sa harapan ko ngayon.

"Sorry pero nagmamadali kasi ako may appointment pa ako sa psychiatrist ko, may nakalimutan lang ako. Anong kailangan niyo? "

✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔✔🔗

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon