I
lang segundo matapos sabihin sa akin ni John na nakuha ni Meribah si Albert ay agad akong tumayo.
I feel like my face is swollen. But I couldn't care less. I can't believe ngayon ko lang napansin na wala pala si Albert.
Kailangan kong makausap si Reyna Vedette.
"Alethea saan ka pupunta?" Nagaalalang tanong ni John habang pinipigilan niya akong lumabas.
"Kailangan ko ng kumilos. Bantayan mo sila, aalis ako" inalis ko kamay niya sa braso ko.
"Alethea wag kang padalos dalos, delikado" aniya John
"Hindi ako tanga John, alam ko. Wag kang aalis, dito ka lang"
"Alethea,"
"John. Trust me"
Bumuntong hininga siya at tumango.
Lumabas na ako at agad kong tinahak ang daan patungong palasyo.
Ilang minuto pa at dumating na rin ako sa mala higanteng hall way na may kumikinang na sahig at makulay na pintura, noon paman gusto ko na ang ambiance dito, namiss ko rin to.
Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan sa kwarto ni Reyna Vedette ay bumungad sa akin si Jira na masayang kinakausap ang ina niyang si Reyna Vedette.
"Alethea? Anong sadya mo?"
Sabay tayo ng Reyna at lumapit sa akin.
Napatingin ako kay Jira na seryosong nakatingin sa amin.
"Kailangan ko kayong maka usap"
"Magpapahangin muna ako sa labas" aniya Jira na alam na kung ano ang ibig kong iparating
Matapos niyang lumabas ay pinaupo niya ako sa inupuan ni Jira kanina
"May problema ba Alethea?"
"Nakapasok si Meribah"
Agad kong sagot
"Sila ba ang dahilan kung bakit may sugatan kanina?" Na tamaan niya ang baso ng tubig at nabasag.
Alam ko. Gulat na gulat siya. Ganun din ako. Kaya kailangan kong kumilos agad.
"At agaw buhay ngayon si Maddox at . . . . . si Ray, ang kaibigan kong tao. At nakuha nila si Albert"
Kumunot ang noo niya
"Isa ko pang kaibigang tao"
Dahan dahan siyang tumayo at pumunta sa may binta at binuksan to.
Napapikit siya nang malanghap ang simoy ng hangin sabay sabing,
"Sabihin mo sa akin Alethea, bakit may nakapasok na tao dito?" Aniya
Tinabihan ko siya sa bintana. Nalaman na niya kanina, pero kailangan niya lang bumalik sa palasyo dahil kailangan siya ni Jira. At ngayon, kinakausap na niya ako tungkol sa nangyari kanina.
"Nung -una ang plano namin ni Maddox ay humingi ng tulong sa mga tao pero hindi ko akalain na mangyayari to. Hindi pa bumabalik ang alaala ko nung nadala na namin sila dito kung kaya hindi ko siya napigilan." gusto ko mang umiyak ay pinigilan ko na. Ayaw kong magpakita ng kahinaan sa harap niya.
"Hindi ko lubos maisip na sa lahat ikaw pa ang sumuway sa batas" aniya na halatang hindi makapaniwala.
Alam ko. Ako na gumawa sa batas na walang tao ang maaring makapasok ay nasuway dahil sa akin. Pero wala pa ang mga alaala ko noon. Sana maintindahan niya.
"Hindi na importante ang batas ngayon Reyna Vedette. Sa kabilugan ng buwan, sampung araw mula ngayon ay sasalakay na ang Meribah at kailangan ko ang cooperasyon ninyo"
Bumuntong hininga siya.
"Anong plano mo?" Mahinahong sabi niya
"Tipunin niyo ang mga Remus pati na ang mga Orleana na handang protektahan ang mundong to. Gusto ko ring maki-alyansa sa mga bampira para maki isa sa pagdepensa natin laban sa kanila."
May kung anong pumasok sa isip ng Reyna at bigla nalang nagsalita.
"Kung isarado mo nalang kaya ulit ang lagusan. Wala na tayong po problemahin kung sarado na."
Napayuko ako. Naisip ko na rin yan
"Kung hindi natin gagawin to, hindi ko makukuha ang hiwa ng bulaklak kay Meribah at mamamatay ang kaibigan ko at hindi ko . . . . . mababawi si Albert." Malungkot na tugon ko.
Pero nakita ko ang dismaya sa mukha niya.
"Lahat ng to gagawin mo para sa tao? Isasakripisyo mo ang mundo natin para sa tao? Ang laki na ng ipinagbago mo Alethea hindi na kita kilala" galit na paluwanag niya.
"Makinig ka sa akin Alethea, pabayaan mo sila" dagdag pa niya.
Galit kong isinampal ang kamay ko sa lamesang malapit sa akin.
"Hindi mo ba alam kung gaano kabigat ang binitiwan mong salita? Pabayaan? Nahihibang ka na ba?" Malapit ng maubos ang pasensya ko.
"Ikaw, ikaw ang nahihibang! Dalawang tao ang ililigtas mo at ano? Ilalagay mo sa panganib ang mga Orleana? . . . . . Makinig ka sa akin Alethea-"
"HINDI PWEDE!!" Galit ko siyang sinigawan.
"Gawin mo ang inuotos ko sayo Reyna Vedette kung ayaw mong bawiin ko sayo si Jira." sabay alis ko, naramdaman ko ang biglang pagtahimik niya.
At bago pa ako makalabas ng pintuan ay may sinabi siya sa akin.
"Hindi mo kayang gawin sa akin yan Alethea." kung anong ikinalakas ng boses niya kanina ay yun ang ikinahina ng boses niya ngayon.
"Alam mong kaya ko." sambit ko na may halong pagbabanta at tuluyan ng umalis.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)