Chapter 38: Came back

2.7K 86 1
                                        

Nagising ako sa kamay na yumuyugyog sa akin sabay ng malakas na sigaw at mga putok ng baril.


Agad akong napadilat sa realisasyon. Mga putok ng baril.

"Thank God your awake!" Aniya John habang nakahawak parin sa balikat ko.

Bago ako tuluyang naka bangon ay napahawak ako sa ulo sa sakit. Para akong na bagok sa sakit na hindi ko maintindihan kung bakit o saan ko to nakuha.

"Kanina pa sila nagpuputukan doon at hindi ko alam kung may buhay pa ba sakanila pero kailangan mo munang tumayo at susundan natin sila"

"Anong nangyayari?!" Balisang tanong ko

"Hindi ko alam! Tara na." Inis niyang sagot habang nilalagyan niya ng bala ang AT - 14 Compact gun niya at bag na may laman na hula ko ay mga bala.

Nagsimula na siyang maglakad at sumunod ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam na ngayong araw sila sasalakay. Ngayon na hindi pa kami handa. Ngayon na hindi pa kami nakahanap ng ibang kasama.

Ano na kayang nagyari sa kanila? Sana walang nasaktan. Sana. . . .

Sana maging maayos lang ang lahat. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kanila lalong lalo na sa mga nasasakupan ko.

"Malayo pa ba?" Di makapaghintay na tanong ko

Habang palayo kami sa kubo ay palakas ng palakas ang mga putok ng baril.

"Andito na tayo" sambit niya sabay hawi ng isang dahon.

At doon nakita ko ang sugatan na Maddox.

Napatakip ako ng bibig.

Maraming dugo. Sobrang daming dugo ang nakikita ko kay Maddox.

Agad akong sumugod pero pinigilan ako ni John.

"Ano ba John! Hindi mo ba nakikita? May tama ang kaibigan mo! Hindi mo man lang ba tutulungan?" Galit na sabi ko sakanya.

Hindi ko siya maintindihan kung bakit naka tunga nga lang siya habang nasa harapan na niya ang kaibigan niyang nasasaktan.

"Kilala ko si Maddox Kei - Alethea. Kaya niya ang sarili niya. Mag hintay la -"

"Maghintay?!! Kung ikaw kaya mong maghintay pwes ako hindi" sumbat ko at tuluyan ng sumugod.

Hindi ako nagkakamali, mga Quebec ang kalaban nila. At isa isa silang lumalabas sa lagusan.

Pinapaulanan nina Ray at Maddox ang mga Quebec pero tila hindi sila nauubos at ang mga sugat na natatamo nila ay mga matutulis na bato na sila naman ang nagpaulan at mga blade na pinapalipad din ng mga Quebec.

Hindi ko na natiis ang nakikita ko kaya inunahan ko si Maddox at nakipaglaban na rin.

Ang bagong pumasok na Quebec ay itinumba ko pagilid gamit ng ugat sa isang malaking puno na nadala ang iba pang tatlong Quebec. Ibinitin ko ang isa sa kanila patiwarik gamit ang tanim na maraming sanga na siyang naghila sa mga paa nila. Ipinalamon ko ang isa sa isang napakalaking bulaklak.

Pagod na ako sa kaka isa isa kanila kaya binuhay ko ang mga halaman at sila na ang kumakalaban sa mga Quebec.

Napatingin ako sa likod ko.

Nakahilata na si Ray at hingal na naka upo si Maddox habang inaakay ni John.

Agad ko silang nilapitan at kinamusta.

"Kailangan a nilang malunasan" sambit ni John.

"Malala na ba sila?" nangamgambang tanong ko

"Hindi ko alam pero kailangan na nila ng tulong . . . May doktor ba dito?"

"Doktor?"
"Walang doktor dito"

"Wala?! Pano na yan. Mamamatay sila"

Walang mamamatay.

"Wala kaming doktor pero may alam ako na makakatulong sa kanila"

"Kung ganon. Kailangan na nilang malunasan agad."

Sasagutin ko pa sana siya pero bigla akong nakaramdam ng isang malakas na presensya.

Napatayo ako. Nakikipaglaban parin ang mga halaman at naghihintay ako sa lagusan.

Tama nga kaya. Masama talaga ang pakiramdam ko dito eh.

Maya maya pa ay dumating na ang ipinangangamba kong panauhin.

Hindi ito maaari.

Si Meribah.

➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon