A/n : here's an update. Dunno kung may nagbabasa o naghihintay ng ud pero eto na talaga. Its been a long time narin kasi.
2021 update: and yes again another long time and I've been editing this book. I hope you like it
➖➖➖➖➖➖
Jhovanah's POV
"Anong ginagawa mo? Ba't ka huminto?!" Galit kong saad kay Lo.
"May sugat ka." Nainis ako bigla.
May malalim na sugat ang braso ko at nadaplisan din ang bewang ko dahil sa patalim. Medyo maganda ang pagkakahiwa kaya halos na nabalot ng dugo ang damit ko.
Oo masakit. Sobrang hapdi at nangangalay na ang buong katawan ko dahil sa dugong nabawas sa akin, pero hindi ko to pinansin, wala akong panahon para alalahin ang sarili ko.
"Alam mo kung gaano kahalaga ang mga batong to, Lo. Hindi ako pwedeng magaksaya ng panahon dahil konting oras nalang ang nalalabi ng Alethea."
"At hahayaan mo nalang ang sugat mo? Hindi. Umupo ka. Gagamutin kita." Giit niya.
Hindi niya naiintindihan. Wala siya sa mga panahong nawala si Alethea at sa panahong nakapasok ang Meribah kailan lang para hingin ang buong Alethea.
"Kailangan ko tong dalhin habang may oras pa. Nakikiusap ako" galit na pakiwari ko.
"At ano? Makakarating ang mga bato tapos ikaw naghihingalo. Isang buhay ang bubuhayin mo pero buhay mo rin ang kapalit kapag ipinagpilitan mong maglakbay ng napakahaba."
"Hindi basta basta ang buhay na ililigtas ko, buhay niya ang kailangan para tuluyang mabuhay ang buong Alethea." Pagmamakaawa ko.
"Sa tingin mo maliligtas mo pa ang buhay niya kung hindi ka nga makakaabot ng buhay?"
Bigla akong natahimik. Masisisi ba niya ako, na iniisip ko lang ang kapakanan nila kaysa sa sarili ko? Alam kung ginusto ko to at gagawin ko ang lahat mapagtagumpayan lang ito.
"Kung hindi ako umabot. Ikaw ang maghahatid ng--"
"Ikaw ang nagsimula ng paglalakbay na to, kaya ikaw dapat mismo ang tatapos. Hindi ba't ito naman ang gusto mo? Kaya umupo ka na at gagamutin kita" hindi pa ako tapos sa sinabi ko pero sumabat na siya.
Napagtanto ko rin na tama siya. Kaya sa paghila niya sa akin paupo ay hindi na ako umangal.
"Alam kong hindi mo ibibigay kahit isang bato para sa sugat mo kaya magtiis ka sa hapdi ng dahong panglinis ko sa mga sugat mo" aniya.
Napahawak ako sa braso niya at napadaing. Naging mabilis at mabigat ang paghihinga ko at pakiramdam ko bibigay na ang buong katawan ko.
Wala na akong nagawa kundi isandal ang ulo ko sa balikat niya. Pakiramdam ko talaga di ko na kakayanin. Kunti lang to kumpara sa ibang mandirigma pero anong magagawa ko isa lang akong hamak na Orleanang walang kapangyarihan.
Dahan dahan kong inabot ang lalagyan ng bato at ibinigay sa kanya at pabulong kong sinabi sa kanya.
"Hindi ko na kaya" pero hinawi niya lang ang kamay ko ng medyo malakas.
"Tumahimik ka."
Naguluhan ako. Hindi ko na talaga kaya
"Pansamantalang sakit lang yan. Wag kang maginarte, ihahatid mo pa yan."
Nag-iinarte pa ba ako sa puntong ito?
Ipinikit ko ang mata ko at di maiwasang mapangiti.
Hindi ko akalain na sa paglalakbay ko ay makakahanap ako ng kaibigang mapagkakatiwalaan ko. Salamat sa lahat Lo.
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)