Nakaupo ako ngayon sa lilim ng puno na nakamasid parin sa mga Orleana.
Bukas na ako aalis at wala parin akong idea kung paano ko hahanapin yung taong kung sino man siya. Teka sino ba yung hahanapin ko?
Maddox ba yun? He seems familiar.
"Magandang hapon! Anong pangalan mo? Parang ngayon lang kita nakita ah?" May biglang tumabi sa akin. Isang magandang babae na konti lang siguro ang agwat ng edad namin.
"Keilah" I responded.
Nginitian ko siya at ganun din siya sa akin.
"Jovanah pala ang pangalan ko. Alam mo may narinig ako kanina sa palasyo nung napadaan ako. Hahanapin na daw nila si Maddox. Ay nako pasensya na ah sayo ko pa to sinabi di ko talaga mapigilan ang bibig ko." Napatingin agad ako sa kanya.
"Bakit?" Sabi niya pa dahil narin sa gulat na mukha ko.
Nagulat ako dahil nalaman niya agad pero hindi ko pinahalata. Ganito ba kabilis ang balita dito sa Alethea? I bet this girl is the reason.
"Wala. Sino ba si Maddox?" Di ko napigilang tanungin. Kailangan ko din ng impormasyon para hindi ako masyadong mahirapan. If I'm going to look for this guy, I should know what he is like atleast.
"Hindi mo siya kilala??!" Hindi makapaniwalang sabi niya.
"Ah eh hindi masyado. " pagsisinungaling ko. Hindi masyado? Hindi talaga.
"Siya ang mandirigma ni Alethea,lagi silang magkasama dahil kailangan niyang protektahan si Alethea. at alam mo ba lihim niyang iniibig si Alethea." She looked at me as she gossips about Alethea.
This girl really. This just proves why news moves so fast. This girl is the reason.
" . . .labas masok si Alethea kasama si Maddox sa lagusan patungo sa mundo ng mga tao. Hindi namin alam bakit pero isang araw si Maddox nalang ang nakabalik. Pinagalitan siya ni Reyna Vedette kasama ng konseho pero pinangako niya na hindi siya babalik hanggat hindi niya nahahanap si Alethea. At hanggang ngayon wala pa siya. Nakakalungkot nga wala na si Alethea." She got sad and looked somewhere else.
" Kita mo yang bulaklak sa gitna?" Tinuro niya ang bulaklak na nasa gitna ng nagsasayawan.
"Yan ang buhay ng mga Orleana. Yan si Alethea. Yan ang bumubuhay sa amin. At kapag namatay si Alethea ibig sabihin mamatay narin kami, yang bulaklak na yan ang palatandaan namin na buhay pa nga si Alethea. Hanggat may buhay na dugo galing sa una at tunay na reyna mabubuhay at mabubuhay ang lugar na ito. Kailangan magka-anak si Alethea para magpatuloy pa ang lahat."
Pagkatapos niya sabihin yun ay parang na weirduhan siya sa akin. Pero I have to say ang daldal niya, sige magdaldal ka pa gusto ko yan.
"Teka nga pati yun hindi mo alam? Isa ka ba talagang Orleana? Teka isa kang Quebec! . . . Pero hindi eh . . . ang ganda mo para maging Quebec. Tsaka parang hindi ka isa-" Pinutol ko ang pagsasalita niya dahil kinabahan na ako.
"Ah ano kasi ano hindi ako mahilig sa mga ganyan ganyan kaya hindi ko na inaalam oo ganun." Stupid excuse but parang nakombinsi ko naman siya. Pero bakas parin sa mukha niya ang pagdadalwang isip sa akin.
Habang nag uusap pa kami ay may biglang lumapit sa amin. She's familiar.
"Oh Dawn andito ka pala." Oh siya yung babaeng pinapagalitan ako kanina.
"Oo kailangan kong kausapin si Keilah, pahiram muna siya." Anong kailangan niya sa akin?"Ay oo naman no, sige usap muna kayo makikisaya muna ako doon." Tumayo na si Jovanah at nagpaalam sa akin, tumango naman ako sakanya.
Alam ko galit siya sa akin, at malamang sisigawan na naman niya ako.
Umupo siya sa inupuan ni Jovanah kanina.
"Alam mo. Hindi parin talaga ako makapaniwala na bakit ikaw lang ang makalabas pasok sa lagusan. Bakit ikaw pa? Dahil kung ako ikaw wala akong sasayangin na pagkakataon hahanapin ko si Maddox." Sabay hawak sa noo niya
Naggigil siya habang sinasabi niya yun.Masaktan? Physical pain? Her expression says otherwise. I think Dawn likes Maddox. At sa sinabi ni Jovanah kanina Maddox is in love with Alethea.
Mas nahahalata ko na na may pagtingin siya kay Maddox.
"Wag kang mag-alala Dawn hahanapin ko siya. Para sa inyong lahat." I should feel responsible. That's the only way I can make things at ease again. I hope.
Natawa siya na nag bigay sa akin ng kaba.
"Dapat lang dahil ikaw naman talaga ang nag simula ng lahat ng ito." She again raised her voice at me while looking at me that made me flustered.
If I were her. I would be angry too. So naturally she would be angry.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
![](https://img.wattpad.com/cover/49857255-288-k775255.jpg)
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasiaKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...