Chapter 42: Recipe to Save Them

2.2K 58 1
                                        

Andito na kami sa pagamutan ng mga Flonen, kasama ko ngayon si John na umaalalay sa akin at habang ako naman ay namumugto ang mata habang tinitingnan sina Maddox at Ray, malinis narin ang mga sugat nila.

Ang sabi sa amin ng Flonen na pansamantalang wala pa silang malay, nabunutan ako ng tinik sa dibdib matapos nilang sabihin yun pero may isa pa akong po-problemahin, kung paano ko makukuha ang kakailanganin para gumising na sila.

'Kailangan mong makakuha ng isang maliit na hiwa ng bulaklak ni Alethea, na iyo Alethea, tatlong butil ng bato sa batis ng Styx at isang patak ng dugo mula kay Melocka, ang iyong ina.'

Nagulat ako nang baggitin niya ang ina ko. Hindi ko akalain na kakailanganin ko siya. Nakatira ang ina ko sa tuktok ng bundok kaya hindi mahirap hanapin pero ang ikinatatakot ko ay baka hindi ako makakakuha ng dugo mula sa kanya, lalo na at magkagalit pa kami.

'Ang hiwa ng bulaklak ay kayang pagalingin ang ano mang sugat meron siya, ang bato kasama ng dugo ng iyong ina ang magpapagising sa Orleana niyong kaibigan'

'Anong ibig mong sabihin? Papano si Ray?'

'Orleana lang ang kayang gumising sa mga sangkap na binigay ko. . . . . Hindi kakayanin ng tao ang dugo ng iyong ina sa halip ay mamamatay siya . . . kung kaya may kailangan ka pang kunin para sa tao mong kaibigan'

'Ano yun?'

'Ang hiwa ng bulaklak ng Alethea mula kay Meribah'

Ipinaliwanag sa akin ng Flonen na ang hiwang meron si Meribah ay may kakayahang humigop ng kapangyarihan na nagsisilbi nito para mabuhay kung kaya may kapangyarihan ito na bumahay ng kahit anong tao, hindi kakayanin ni Maddox ang kapangyarihan ng bulaklak kaya may ibang sangkap ang dapat kunin para sa kanya.

Bumuntong hininga ako at napahawak sa noo ko. 

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakahawak parin ako sa noo ko at parang isang kidlat, may naalala ako.

Si Albert?

Napatayo ako bigla at balisang pinuntahan si John sa sulok na nakaupo habang tulala na nakatingin sa kawalan.

"John, John" sigaw ko habang hawak ko siya sa mga balikat.

"Asan si Albert!" Mangiyak ngiyak kong sabi.

Napalunok ako. Masama ang kutob ko. Bumilis ang tibok ng puso ko na hindi ko maintindihan.

Biglang lumaki ang mata niya at unti unti din itong bumalik sa dati. Bumalik siya sa tinitingnan niya kanina.

"Wala akong pagkakataon na sabihin sayo dahil masyado nang marami ang inaalala mo. Hindi ko narin nasabi dahil hindi ko alam kung paano ko sabihin. " aniya habang hindi nakatingin sa akin

"John sabihin mo sa akin anong nangyari?!" halos mapunit ko na ang damit niya.

"Kinuha siya ni Meribah"

Bumagsak na ako sa sahig at malakas pa sa buhos ng ulan ang pagbagsak ng mga luha ko.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon