Chapter 33: Bringing Back Memories

2.7K 100 1
                                    

Kunot noo akong nakatingin sa kanya.

"Gusto mo bang maalala ang nakaraan natin?!" Aniya Jira

May kung anong tumusok sa puso ko na hindi ko maintindihan, tama nga ba kayang na aapektuhan ako sa sinabi niya?

"Gusto mo bang maaalala, huh?" His words were getting intense. May part sa akin na away kong makinig na ewan.

"—ang naging relation natin? Na noon pilit kang nakikipagkita sa akin ng palihim at iparamdam sa akin na mahal mo ako. Alethea. Araw-araw hinihintay ko ang pagdadating mo. Tapos malalaman ko nalang na umalis ka na at hindi na bumalik pa, dahil pursigido kang hanapin ang sarili mo. At ano Alethea?! Kumusta ka naman?!"

Bigla bigla ay may kung anong mga bagay ang nakikita ko sa utak ko.

"Mahal kita Jira."

Kunot noo siyang napatingin sa akin.

"Bakit ako? Eh isa akong Remus, makasalanan ako. Di ba pinarusahan mo nga kami na maging Remus dahil may kasalanan kami, tapos sasabihin mo sa akin na mahal mo ako?"- Jira

"Ginawa ko yun dahil ayaw kong may mamatay, at dahil narin ayaw kong patayin mo ang sarili mo sa ginawa mong kasalanan, ang pagpatay ng isang conseho, kaya inunahan na kita, ako na mismo ang nagparusa sayo"

"Bakit ngayon ka lang?" - Jira

"Natagalan kasi ako sa pagbalik galing. . ."

"Earth?! Bumalik ka na naman doon, paano kapag nahuli ka ng ina mo?"

"Hindi yan"

"Kasama mo ba ang mandirigma mong si Maddox?"

"Oo lagi naman yung nakabuntot sa akin"

"Kung ang akala mo maganda ang pupuntahan mo, nagkakamali ka. Magsisisi ka lang Keilah, ina mo ako kaya nag-aalala ako" ani ng aking ina, ang inang reyna.

"Mag-sisisi man ako, yun ay ang pagsunod ko sayo" sagot ko.

At tuluyan na akong umalis. Binuksan ko ang lagusan at umalis na.

Alam kong isinumpa ako ng ina ko pero gagawin ko parin to. Alam kong maiiwan ko si Jira.

Pero gagawin ko to hindi dahil gusto kong hanapin ang sarili ko, palusot ko lang yun kay Jira.

Ang totoo nanganganib ang Alethea dahil nag usap kami ni Meribah na kukunin niya ang Remus, at kapag hindi ako papapayag ay ang Orleana ang kukunin niya. Porket akala niya makasalanan ang Remus, gagawin na niyang alipin niya?

Syempre hindi ako pumayag dahil ako si Alethea, ang Reyna ng Alethea kaya bakit ko isusuko ang mga nasasakupan ko.

Pero hindi papapigil si Meribah, kung ayaw ko daw, ako ang kukunin niya.

Malakas ang loob kong hindi siya makakapasok pero ipinakita niya sa akin ang isang maliit na hiwa ng bulaklak. Sumuko na ako. Dahil ang hiwa na yun ay kayang tapusin ang Orleana sa oras sa patayin niya ang bulaklak.

Pero sa panahong isusuko ko na ang sarili ko, isinumpa ako ng ina ko kung kaya't wala akong maaalala.

"Ijah, ayos ka lang ba?"

"Si. . sino kayo?"

"Lola Silvia mo ako ijah, wala ka bang matutuluyan? Halika ka"

"Jira," mautal na sambit ko

Naalala ko na lahat. Minahal ko si Jira.

Pero bakit wala akong maramdaman?

Alam kong pilit niyang pinapa-alala sa akin ang pagmanahalan namin pero, mas matindi ang pagkabahala ko dahil sa mga alalang naaalala ko.

Ano? Ako si Alethea?
Ako nga si Alethea pero sa mga naaalala ko, wala na ang Alethea'ng kilala nila noon. Nagbago na ako. Bumalik man ang alaala ko, hindi naman bumalik ang pagkatao ko.

"Naalala mo na Alethea?"

Gigil na sigaw niya sa akin. Ramdam ko ang galit niya. Mahirap man sabihin pero galit din ako sa sarili ko.

Galit ako sa sarili ko dahil nauwi lahat ang sakripisyo sa gulo.

"Iniwan mo ako sa ere. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit yun? Hindi. Kasi ikaw naman yung nang iwan" narinig ko siyang pumiyok kaya napa tingin ako sakanya.

May mga luhang nagbabadya ng lumabas.

"Jira, may dahilan ako" sagot ko

"Wala akong paki alam sa walang kwenta mong dahilan. Umalis ka para hanapin ang sarili mo. Walang kwenta." galit niyang sabi

"Jira, hindi walang kwenta ang dahilan ko. Nagsinungaling ako sayo." guilty na pagkakasabi ko

"Oh kita mo. Nagsinungaling ka pa"

"Jira!"

Boses ng babae ang sumigaw  dahilan para mapatingin  ako ng maigi kay Jira habang siya gulat na nakatingin sa kung sino man ang nagsalita.

➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon