"Akala ko ba tuwing gabi lang lumalabas ang mga Remus, bakit ngayong tirik na tirik ang araw ngayon tayo naghahanap?"
Tanong ko sakanya habang patuloy parin sa paglalakad patungong hindi ko alam kung saan. Pero natawa lang siya sa tanong ko.
"Anong akala mo sakanila, bampira?"
Natatawang sabi niya
"Pero ang sabi sa akin ni Reyna . . . . teka, may bampira dito?"
Di makapaniwalang tanong ko
"Meron. Bakit gusto mong makakita ng isa?" sabi niya sabay tawa.
Ano namang nakakatawa dun? Kanina ang init ng ulo niya tapos ngayon pa ngiti ngiti na siya. Ano naman yun.
"Kung meron, bakit hindi. Baka nga makatulong sila sa atin eh" seryosong sabi ko.
Hmm bampira. Ano kaya hitsura nila.
Napatigil siya sa paglalakad. Kunot noo akong naka tingin sakanya
"Bakit?" Tanong ko.
"Alam mo Keilah ang talino mo. Hindi ko naisip yun ah."
Mangha niyang sabi.
Napa 'huh?' Naman ako sa sinabi niya. Matalino na ako nyan?
"Naturingan kang taga Alethea pero hindi mo alam na kaya palang tumulong ng mga bampira." Matigas kong sabi.
"Nakalimutan kong may bampira pala dito eh bakit ba." sabay talikod at naglakad ulit.
Kung may mga bampira dito, could this be na may mananggal at aswang o kung ano man dito? Dito ba lahat galing ang mythical creatures?
I wonder.
Makalipas ang kalahating oras ng paglalakad ay nagpahinga muna kami ni Maddox. Nakakapagod. Nakaka uhaw. Hahays. Pasalamat nalang talaga ako at naisipan niyang tumigil.
Naupo ako sa isang bato at nakaharap ako sa maraming tulip, pero may isang naka agaw ng pansin ko, walang pinagkaiba sa lahat pero may iba lang talaga ako ng pakiramdam.
Kaya hinawakan ko ang gitna ng bulaklak at nagulat ako bigla sa paggalaw nito, ilang segundo pa ay nagsimula ng umagos ang tubig. Napa balikwas ako sa gulat. Pero mas nangingibabaw sa akin ang uhaw kaya tinanong ko si Maddox.
"Naiinom ba to?"
Sabi ko habang nagpapatulis siya ng kahoy.
Napatingin siya sa akin at binigyan ako ng questioning look.
"Sabi ko naiinom ba to?" Tanong ko ulit habang nakaturo sa bulaklak.
Napatingin sa bulaklak at napaliit ang mata niya, tumayo siya at nakayukod sa bulaklak.
"Panong nangyari yan?"
"Ewan ko." sagot ko
Tiningnan niya ang bulaklak na parang ngayon niya lang ito nakita.
Nainis naman ako dahil hindi niya pinansin ang tanong ko.
"Hoy . . ." sabay tapik ko
"Huh?"
"Naiinom ba to?!!" Inis na tanong ko
"Huh? Ah Oo."
Mabuti. Dahil uhaw na uhaw na talaga ako.
Kumuha ako ng dahon at sinalinan ko ng kunti tsaka tinikman
Hindi ko mapigilang mapapikit sa sarap. Hindi ko alam na may ganito kasarap na tubig, o baka lang to sa nauuhaw ako.
At si Maddox, nakaweirdong tingin parin sa bulaklak.
Makalipas ang isa pang kalahating oras ng paglalakad ay sa wakas sinabi na rin sa ni Maddox na nakarating na kami.
I never walked that far before. My legs are sore.
Pero bakit parang wala akong nakikita ni isang bakas ng Remus, parang matagal na itong inabandona na lugar.
May kinuha si Maddox sa ilalim ng isang dahon, nakakunot ang noo kong nakatingin sa isang conch shell. Anong gagawin niya dyan?
Pagkatapos niyang makuha ay pinatunog niya ito, pero wala akong ibang narinig kundi ang buga ng hangin sa bibig niya. Kaya medyo natawa ako sa ginagawa niya.
Ilang sandali pa ay may naririnig akong kaluskos dahilan para mapahawak ako sakanya.
"Tsk." Narinig kong bulong niya
Habang patagal na patagal, pahigpit na pahigpit ang hawak ko sakanya hanggang sa napayakap na ako sa kanya.
Nainis naman siya sa ginawa ko kaya tinulak niya ako.
Napadaing ako sa sakit ng ma mapwersa ko ang kamay kong kakatanggal palang ng benda.
Maya maya ay nagsilabasan na ang mga Remus, nakapalibot sila sa amin at hindi ko mabilang ang dami nila.
Napahawak nalang ako sa sarili kong kamay dahil takot parin ako sapagmumukha nila.
At ang mas ikinagulat ko ng may tumahol at bigla nalang nag ibang anyo ng mga Remus at naging. . .
Hugis Orleana.
My jaw dropped. Twilight?
➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasiaThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)