Chapter 16 : Frando has this Kind of Restaurant?

3.4K 120 1
                                    

Kanina pa ako naka tunganga sa coffee shop malapit sa building ng condo ni Maddox.

Kanina narin ako kinukulit ng waiter na umorder, dahil bawal daw ang tambay, sinabi ko lang na may hinihintay ako kahit wala naman talaga. The nerve of me.

Iniisip ko kung paano ko siya ko-kontakin kung wala naman akong cell phone, kung paano ako makakarating ng Palawan ng hindi nawawala.

Eh kung bumili kaya ako ng cellphone, yung mumurahin lang. Kinuha ko ang pitaka ko at tiningnan ang laman.

Ilang ID's, ATM, at tsaka pera na more or less 2k lang.

Actually hindi naman ako nagigipit dahil malaki laki narin ang kinita ko bilang all around crew ng convenient store dati, tsaka wala naman akong pinaglala-anan dun.

Lumabas na ako ng shop at hinanap ang phone store. Habang palabas ako ay hindi mapigilan ng waiter ang mapatitig sa akin. He's probably thinking I'm a rude and overly confident woman. I didn't even sneak out. I just casually went out. Shame on me. I don't care.

Nakakita ako ng cell phone na mumurahin pero touch screen, kaya lang gusto ko ng may keypad dahil mahihirapan pa ako sa touch screen. Touch screen is way beyond my time.

"Ano pong hinahanap niyong unit?"

Sabi ng nagbabantay.

"Meron ba kayong keypad lang?"

Tumawa siya ng konti.

"Ah miss, hindi na po kami nagbebenta ng keypad, wala naman po kasing bumibili kaya inalis nalang namin."

I was dismayed dahil may nakikita parin naman akong gumagamit nun pero sa mga may edad nga lang.

"Ganun ba? Oh sige ito nalang."

Pinili ko yung mumurahin lang at nagbayad na tsaka bumili narin ako ng sim.

Umupo ako sa sofa ng tindahan at ikinabet na ang sim tsaka ko kinuha ang papel na binigay sa akin ng kapit bahay ni Maddox.

.
.
.

Mag-iilang attempts na ako pero cannot be reach.

Nafufustrate na ako. Why?!!
Binaba ko na at lumabas na ng tindahan.

Nagbuntong hininga ako.

Pupuntahan ko na kaya siya sa Palawan?
Is this a sign?

Malamang oo kailangan kong gawin yun dahil sa akin nakasalalay ang lahat ngayon.

Bumalik ako sa condo ng kapit bahay ni Maddox. Magpapatulong nalang ako sa kanya kung paano ako makakapuntang palawan.

Alam kong nakakahiya na sa kanya pero kailangan ko tong gawin. Kapalan na ng mukha to.

Makalipas ng 2 oras na paghihintay sa kanya hindi parin siya bumabalik.

Naramdaman ko nalang na nagmamaktol na ang sikmura ko.
Naalala ko hindi pa pala ako kumakain kanina paglabas ko ng lagusan.

Ngayon ko lang naramdaman ang sakit ng tyan ko kaya bumaba nalang ulit ako ng building at naghanap ng fast food chain para kumain. Nangmamanhid pa mga paa at kumakalam pa ang sikmura sa pagbaba ko.

May nahanap akong restaurant at agad na pumasok at umorder na. The person in front of the line in me seems to be eating alone dahil isang set lang ang inorder niya kaya yun narin yung inorder ko. Hindi ko rin naman magana pa utak ko para pumili. Basta magkalaman lang tiyan ko solid na.

Umupo ako sa isang vacant table at naghintay ng order ko at maya maya lang ay dumating na nga.

I looked at my order. I think I recognize this kind of food. It's bibimbap and tonkatsu with a few side dishes.

I roamed my eyes in the restaurant and realized I'm in a korean restaurant.
I didn't know this kind of place existed. Good to know Frando has it here.

Right away I indulged myself with the food. Pakiramdam ko tuloy ngayon lang ulit ako nakakain.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon