Inutusan ko ang aking anak na si Jira, na Remus na kunin ang atensyon nila kaya isang napakalakas na ungol ang gumambala sa mga nangambang Orleana. Ang balita ay lumaganap na kung kaya isang panibagong plano ang aking isasagawa.
"Nasaan na si Alethea?!!!" Pasigaw na tanong ng isa sa konseho
"Kasalukuyan siyang naglalakbay at sa aking tancha nasa daan siya pabalik. Hindi na natin sila hihintayin. Sisimulan natin ang ating panibagong plano. Hihingin ko ang inyong buong tulong dahil sa digmaang ito, dito masusubok ang ating lakas at talino na tayo ang karapatdapat na mamahala sa sarili nating mundo."
3rd Person POV
Madilim na at tahimik ang buong paligid. Tulog na ang lahat di alintana na ang mga Quebec ay dahan dahan ng nabuksan ang daanan mula sa Meribah. Pagod ang lahat sa pagsagawa ng mga gawain at sa pagtaguyud ng lahat ng mga naka ambang balakid, yan ang buong akala nila.
Dahan dahan mula sa kakahuyan ang ilang mga Quebec ay nagsimula ng pasukin ang Alethea, hindi batid ng buong Meribah na alam ng mga Alethea ang kanilang pagdating.
Sinimulan nilang ikalat sa iba't ibang parte ang langis upang pagsimulan ng sunog pero hindi pa sila nangangalahati ay nagsiliparan na ang mga matatalim mga dahon at puntirya sila. Kumilos na ang ibang Orleana sa pag patay sa kanila at kahit na sila ay magtakbuhan hindi nila naiwasan ang kakayahan ng mga Orleana sa pag asinta.
May mga Quebec na pumasok na may dala namang malalaki at matutulis na bagay na gawa sa metal na pumutol sa mga kaawa awang katawan ng ibang Orleana.
Sa di kalayuang banda, isang pagsabog ang nag gimbal sa buong lugar. Sumabog ang isang bahay na naglalaman ng mga pulborang ginagamit para sa teknolohiya ng Orleana na tumupok sa mga kaawa awang Orleanang nagtatago doon.
Kinuha na ni Reyna Vedette ang pagkakataong to na tumakbo nang hindi napapansin ng kung sino man.
Nilusob niya ang madilim at maruming kakahuyan upang makapunta sa isang kweba upang magtago.
Sa kabilang banda ay unti unti nang nauubos ang mga naglalaban. Maraming katawan ang nakahandusay at wala nang malay. Marami ang umiiyak sa dilim, nagtatago. Nagdadasal. Na sana ay dumating ang magliligtas sa kanila.
Hindi nagtagal ay kaunti nalang ang natitirang Orleana.
Napagpasyahan nilang umtras dahil hindi na kaya ng kanilang bilang ang dami ng Meribah.
Sa pagatras nila ay ubos na ang natitirang bahay at kagamitan.
Ihip ng hangin at ingay ng sunog ang tanging nangibabaw sa buong paligid.
Walang Orleana, walang Meribah.
Kung hindi ang mundong magiging abo ang naiwan. Ano na ang mangyayari sa Alethea ngayon? Katapausan na nga ba? Ito na nga ang katupusan nila.*****
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasiaKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...