Chapter 34: Reyna Vedette's Son

2.7K 98 1
                                    

"J-Jira?"

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Jira habang nakatingin sa babaeng nagsalita.

"Anak?" Agad akong napatingin sa kanya ng sabihin niya yun.

Si Reyna Vedette at Dawn.

Narinig nila lahat.

"Jira. Ikaw ba yan, anak?" Sunod sunod na pumatak ang luha niya habang nakahawak sa dibdib niya na tila nahihirapan huminga buti nalang at andyan si Dawn para alalayan siya

Napatingin ako kay Jira.

Nakita ko ang malungkot na tingin ni Jira kay Reyna Vedette.

"Ina"mapiyok piyok sambit ni Jira dahilan para mapa kunot ang noo ko.

Ina? Ina niya si Reyna Vedette

"Ikaw nga!" Dahan dahan siyang lumapit kay Jira

"Anak ko. Ang kawawang anak ko" nakadampi ang mga palad ni Reyna Vedette sa pisngi ni Jira.

Sabay silang napahagulgul habang yakap yakap ang isa't isa.

Ngayon ko lang nakita si Jira'ng umiyak. Hindi ko akalain na isang matipuno at matapang na Jira ay nakikita kong nasasaktan ngayon.

Nakalimutan kong hindi pala namin natapos ang pag uusap namin ni Jira pero wala na akong paki alam.

Ngayong naalala kong ako si Alethea. Ano ng gagawin ko? Wala ako sa mood ngayon para mag isip dahil minu minuto may naaalala ako sa nakaraan ko. Kung paano ako nakalabas at kung paano ako trinato ng mga tao. Mga taong ganid sa pera at walang ibang inisip kundi pera hindi ko na sana isa sali ang umampon sa akin pero siya ang dahilan kung bakit ako napariwara sa Earth at kung saan saan na ako umabot.

Nabalik ako sa katinuan ko ng may biglang tumawag sa akin

"Kei- ang ibig kong sabihin, Alethea" sabay luhod ni Reyna Vedette at Dawn.

Hindi ko na nakita si Jira kaya nag aalala ako baka may mangyayari sakanyang masama

"Tumayo na po kayo. Hindi ko po yan kailangan. . . . Isa pa, wala akong karapatan para bigyan niyo ako ng pormalidad."

"Alethea. . . masaya akong nakabalik ka na. . . patawarin mo ako sa hindi ko pagkilala sayo" aniya habang nakayuko

"Wag niyong sabihin yan. Isinumpa ako ng ina ko kaya nag iba ang anyo ko"

Nagulat ako sa bigla niyang pagluhod at paghawak sa paa ko

"Reyna Vedette,"

"Maraming salamat. Maraming maraming salamat. Sa lahat. Lalong lalo na sa pagbabalik ng anak ko. Hinding hindi ko alam kung paano kita babayaraan sa lahat. . . . Mahal na mahal ko ang anak ko na muntik ko nang ikamatay nung nawala siya sa akin. At ngayon nakita ko na siya ulit, maraming salamat" nahihirapan na siyang magsalita pero hindi parin siya tumitigil sa pagpapasalamat.

Umupo ako at napayakap sa kanya

"Wag kang magpasalamat Reyna Vedette. Dahil ako ang dahilan kung bakit nawalan kayo ng anak ng maraming taon. Pinarusahan ko siya."

Ang akala kong magagalit siya pero hindi. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.

"Nagpapasalamat ako dahil pinarusahan mo siya. Dahil kung hindi hindi ko na sana siya kasama ngayon. Malamang pinatay na niya ang sarili niya."

"Wag na kayong umiyak"
Iniangat ko ang mukha niya at nakita ko ang pagmamahal ng isang ina.

"-ang mabuti pa ay puntahan niyo na si Jira"

Napapahid siya sa mga luha niya at sabay na kaming tumayo.

"Muli Alethea salamat" at umalis na siya.

Nakita ko si Dawn. Nakalimutan kong nasa gilid lang pala siya.

Nakakamatay na tingin ang ipinukol niya sa akin.

I exhaled. Dawn, I can't believe she has been talking bad about me.

➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon