Chapter 5: Lost Place

5.7K 204 13
                                    

Naglilinis ngayon ang kasama ni Selene sa harapan ko, pero wala paring pagbabago. Dahil pupulot nga sila ng basura, ilalagay naman sa mesa, makalat parin. Ito namang si Selene nagwawalis nga pero nakatulala naman. So much stress for a day, I couldn't even dare to look at them. Too much emotions right here, this is more than I usually get for a year.

*knock knock*

Isa na naman ba to sa mga bisita ni Selene? Pagbukas ko handa na sana akong palayasin sila pero si Manang Erma pala. Siya ang tagasingil ng mga renta sa mga apartment dito sa lugar namin. Lagot strikto pa naman siya.

"Hija, kai-----ANONG NANGYARI SA APARTMENT KOOOO!!!!!" lahat kami napatulala nalang sa gulat habang si Manang Erma ay dilat na dilat ang mata na pulang pula pa ang pisngi sa galit. Pumasok siya at nakita na ang kabuuan ng bahay.

". . .Keilah! Hindi ako makakapayag na abusuhin mo ang apartment ko, ang mahal mahal ng sala set ko, libre ko na ngang binigay sayo, ginanito mo lang?! Hindi ako makakapayag . . ."

Hindi ko na siya sinagot, hindi ko maipagtanggol ang sarili dahil alam kong talo na naman ako. Isa pa pagod na pagod pa nga ako.

"Lumayas kayo! "

Sigaw niya sa mga kasama ni Selene. Dahan dahan naman silang umalis pero kung maglakad parang walang mga respeto. Yung isa nakapamulsa pa.

". . . at ikaw Keilah, umalis ka na bago magdilim ang paningin ko, aku sinsabi ko sayo ewan ko nalang anong magawa ko sayo . . . Ikaw din Selene umalis ka na dito." napasinghap ako sa sinabi niya. Not this again. Kanina napa alis ako sa store, sa bahay naman ngayon? Can this day get any better. How am I supposed to compose myself right now? I lost everything in a day.

"Manang Erma, wala po akong ibang mapupuntahan." iyak ko sa kanya. Nagmamakaawa na ako.

Saan naman ako papunta nito? Sa kalsada?
Well may iba pa ba akong mapupuntahan? I don't think so.

". . . wala na akong pakialam sayo Keilah, pinagkatiwalaan kita, ako na nga ang bumili ng sala set para sayo, dahil awang awa ako sayo . . . you disapoint me"

Napakagat ako ng labi, sabay buntong hininga. This is my fate. Destiny ko na ba talagang maghirap sa buhay? Ano bang ginawa ko sa past life ko para parusahan ako ng ganito?

"Kukunin ko lang po ang gamit ko" Sabay talikod na at pinapahid ang luhang dahan dahan ng nagsilabasan.

"Me too." Walang paki'ng sabat naman ni Selene eh kung apakan kaya kita.

------

Naglalakad ako sa kawalan, hawak hawak ko ang maleta ko, actually hindi to akin, kay Selene to.

Oo ninakaw ko, magnanakaw na ako ngayon, pangganti ko man lang sakanya.

Bwisit siya, pinalala niya lang sitwasyon ko. It's already so bad as it is.

Hindi ko alam kung saan ako dinadala ng paa ko. Kanina pa ako kagat ng kagat ng labi ko na may sabunot pa.

Malamang mamula mula na tong labi ko at ubos na ata buhok ko. Wala na ba talaga akong pag-asa? Bumuntong hininga ako. Wala nga ata talaga.

Tumingala ako sa langit. Sana kasing ganda ng langit ang naging buhay ko.

Pero hindi naman nangyari yun. Hanggang sana nalang ako.

Oo nakatikim din ako ng kaunting saya pero panandalian lang, ang iba dun pilit lang talaga. Saya na nagkatrabaho, may natutuluyan, may nakakain, nakakhinga. Typical things na kailangan ng tao. I still should be thankful right? Pero ang hirap na mgaing thankful kung lahat ng mga reason kung bakit ako naging thankful in the first place ay wala na.

Hayy buhay, saklap.

Habang lakad ako ng lakad, nagiging pamilyar na sa akin ang lugar. Oo tama, ito nga yung daan. I guess the exprience I have on this road is the best I have so far. That fresh magical nature. Imagining it as I try to close my eyes kinda feels like I'm being healed.

May biglang sumagi sa isip. Kung bumalik kaya ako dun. Possible pa kaya? Mahahanap ko kaya? Lahat siguro dun mababait. Tatanggapin kaya nila ako?

I suddenly feel the urge to go there. I don't know how I went there, what street I took but I just run. Hoping I'd find it.
Bahala na

Tinungo ko ang mga daan pero parang hindi ko mahanap. I feel so agitated.
Hindi ako nakuntento at tinakbo ko na. Pero for some reason I'm not getting there. Bakit ba ang hina ko sa directions.

Ito na ang paraan ko para makatakas sa mundong to. I need to find it. Far from the cruelty of the people.

Somehow nasa harap na ako ngayon ng kalsada. I felt happy. I felt hope. This is going to be it. My life.

Kahit tirik na tirik ang araw, this place is unusually dark. Like filled by a dark aura.
Pano kaya nangyari yun? Is this safe? But I couldn't really care less about my security. I'm doomed anyway.

Malakas ang pagkakakapit ko sa maleta ko. Ito na to, hindi na ako babalik. This is going to be my last here. Ready na ako.

Humakbang ako at gaya na nga dati nagbago ang lahat. The only difference is gabi na dito.

I can't help but smile big. I'm right. This was the way. I did not got lost. I'm just so happy I'm away now.

I guess day is opposite here. I hope my life would also be opposite here. Curious na ako what mystery will I learn here and the kind of place will I get to finally settle with.

I wonder.
I wonder.

Is my life really going to change now as I chose to stay here? Can I even stay? Will they hate me? Unwanted parin ba ako.

Same fate lang ba aabutin ko?
Or is it something worse?

But you know what. I'm thinking that I don't really care about anything anymore. Ngayong andito na ako. I'm going to deal with this place and survive. This is my life now. I wanted this. I already put my mind into this. So I naturally should face this.

I think I'm ready. At least that's what I think.

➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon