Diyos na mahabagin tulungan mo po ako sa mga panget na to. Pinagsisihan ko na po ang mga kasalanan ko pakawalan niyo lang po ako.
Ang higpit pa ng tali nila sa akin ginawa akong baboy.
Tiningnan ko ulit ang pagmumukha nila.
Yucks.
Hindi ko kayang titigan sila ng matagal feeling ko masusuka ako.
Bakit ba kasi ako pa kinuha nila. Ay hindi mas mabuti na ako ang kinuha nila dahil hindi ako makakapayag na si Keilah ko ang kukunin nila.
Masyado na ata talaga akong na hulog sa patibong ni Keilah. Akalain mo nga namang tinanggap ko siya sa kabila ng ka weirduhan nila pero narealize kong hindi pwedeng tawagin ko silang werido ang tamang term ay nakakatakot.
Oo nakakatakot sila pwera kay Keilah.
I just don't know man. Keilah came to me unexpectedly. I miss her now. I can't wait to hug her tight.
Maya maya pa ay may lumapit sa akin na Quebec.
Oh no! Wag kang lumapit kung ayaw mong masukaan.
"Miagri rukisatu yamu ka gheso qeaibxi"
Lumuwa ang mata ko sa sinabi niya.
Ano daw?
"English translation please." sabi ko na nanginginig ang boses dahil sa takot.
"Mi. Ag. Ri. Miagri"
Nakatitig ako sa kanya. Wala talaga akong maintindihan.
Napahawak siya sa noo niyang kulay yellow. Eww.
Umatras na siya. Kanina pa sila nagtuturuan kanina pero alas may lumapit sa akin, yun nga lang wala lang akong naintindihan.
Biglang may dumating at lumapit sa akin. Naku baka japanese na naman to o korean. Ewan.
Kausap siya ng kausap sa akin kanina.
"Kierak jameiu zqeiut miagri miagri ouipkle." Sabi niya habang kamot kamot niya ang ulo niya.
Hmm ano kaya ang sinabi niya.
"Isa kang tao o Orleana?"
Biglang sabi niya. Ohohoyy
Alam niya magtagalog."Ah ehh.."
Nawala nalang bigla ang confidence ko at natakot nalang bigla sa boses niya.
Inihampas niya ang kamay sa mesa sa tabi niya. Shocks. Wag po kuya.
"Tao.. tao ako " bigla kong sagot.
"Makinig ka sa akin tao. Mananatili ka dito hanggang sa kabilugan ng buwan at gagawin ka naming pa.in kay Alethea."
Lumuwa ang mata ko. Anong pa-in? Kay Alethea. Oh no man. Not a chance.
Gusto ko na mamatay kaysa sa ipa-in ninyo ako kay Keilah. Mga loko loko to.Umalis na siya sa harap ko at kinausap ang ibang mga Quebec.
"Yunaio jikkew puyedki"
Nagtawanan sila at humarap sa akin na nakakatakot.
Tinaggal nila ang tali ko.
Mukhang alam ko na.
Bigla bigla nalang may kamao ang lumanding sa tiyan ko dahilan para mapaupo ako at umubo. Hinawakan ko ang gilid ng bibig ko at nakita ko ang dugo.
May humila sa kwelyo ko dahilan para mapatayo ako.
Hawak niya ang isang latigo at inihampas sa mukha ko.
Namimilipit sa sakit ang tyan ko at sobrang hapdi na ng mga palo nila sa akin.
Pakiramdam ko mamamatay na ako.Patuloy lang sila sa pagbubugbug sa akin at pinabayaan ko lang sila. Di ko na maibukas ang mga mata ko dahil sa sakit at minsan napapaungol na ako. Gusto ko mang magpakalalaki, pero hindi ko kayang tumayo at ipaglaban ang sarili ko dahil sa bawat hampas ay siya ring unti unting pagbigat ng hininga ko dahilan para manghina ako.
Ano pang saysay kung lumaban man ako, sa dami nila.
"Patayin niyo na ako."
Ungol koMas gugustuhin ko pang mamatay kaysa sa danasin ko ang sakit.
Akala ko ba kilangan nila ako bilang pa-in? Bakit pinapatay nila ako?
'Ano ka ba naman Albert bakit mo iniisip yan, akala ko ba ililigtas mo si Keilah?' Gago talaga ata ako. Gago lang talaga ako, nagkakagusto ako sa iba kahit may girlfriend ako.
➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasiKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...