Chapter 25: Lazy People in Stretchers

3.2K 112 2
                                        

Naririnig ko na ang yapak ng mga tinawagan ni Albert.

"Seryoso?" Bulalas ko.

"Sira ang elevator, ayaw natin maghagdan, ano pa nga ba ang solution? Edi ito. Kaya wag kang magreklamo." He kinda said like he is in a commercial.

Nakikita ko na sila at halatang pagod sa pag-akyat, di naman kasi biro ang 36 floors.

Sa una ayaw ko pang sumang ayon pero ang sabi nila sanay na daw silang mag akyat baba dito. Sanay?

Nung nakahiga na ako sa stretchers di ko mapigilang mapangiti hanggang sa napalitan na ito ng tawa, tawa ako ng tawa. Tiningnan ko si Albert tinawanan niya ako at sinabing.

"Mag eenjoy ka talaga dito promise."

Siya ba ang reason kung bakit sanay na sila magakyat baba dito?

Ayun, sa pagbaba namin ngumingiti ako at nagkukulitan din kami, tama nga siya, masaya.

I'm also worried about this people carrying us pero they were also laughing with us so that made feel better.

The moment was priceless. Buong buhay ko hindi pa ako nakatawa ng ganon ka lakas. Nawala nga ang antok ko eh.

Pero nung nakasakay na kami ng van ni Albert (di napaghahalataang mayaman) tulog na kaagad ako. Malaki laki rin ang van nila kaya nakahiga ako ng maayos. Hahays drained na talaga ako. . . The last thing in my thoughts was, Thank God for this man.

✴✴✴✴

Nagising ako isang ingay, si Albert pala. Nagulat ako dahil nakahiga na ako sa kama.

Why does this always happen to me? Lagi nalang akong ginugulat ng taong to. Napahinga ako ng maluwag dahil ganun parin naman ang suot ko.

". . . yes babe . . . don't come here right now please . . . no I don't have any girl here. . . . . . just not now, maybe tomorrow you can come visit . . . please don't get mad at me . . . no no your wrong I'm not into something bad . . . yes okay. . . I love you . . . bye"

Napa face palm ako. This is bad.

"Albert. ."

"Oh gising ka na pala" sagot niya.

"Oo pasensya na at natulog pa ako sa kama mo at tsaka thank you talaga sa lahat wag kang mag alala balang araw masusuklian din kita sa lahat ng kabaitan mo sa akin"

"Kahit wag na" sagot niya.

"Hindi naman pwede yun. . . ah sige aalis na ako, thank nalang ulit."

Nginitian niya ako.

"Tsaka Albert bawiin mo ang sinabi mo sa girlfriend mo, aalis na rin naman ako"

"Narinig mo?" Tinanguan ko siya

"Teka kumain ka muna bago umalis, mag luluto ako."

Nagbago bigla ang expression ko, feeling ko sobra akong needy.

"Albert. Tama na please. Sobra na to, hindi ko na alam ang mukhang ihaharap ko sayo dahil alam ko sa sarili kong mahihirapan akong suklian ka dahil walang wala talaga ako. At hindi rin ibig sabihin na kahit na walang wala ako ay ibibigay mo na sakin, Albert hindi ako pulubi. Medyo masakit, na trinatrato mo akong isang charity, mula sa pagkain, sa pagsundo, hanggang sa pagtulog. Kaya Albert please hiyang hiya na ako sayo. "

Di ko mapigilang masabi sakanya.
Sobra narin kasi, kaya ko naman ang ang sarili ko.

"Keilah hindi yan ang ibig sabihin ko, gusto ko lang talagang tumulong. Nakita ko kasi sayo na pursigido ka na hanapin siya . . . nakita ko lang kasi sayo si . . . Ahlie sayo. . ." nagulat ako sa pagbabago ng expression niya.

". . . my sister, she's gone now. Dahil sa hindi ko pagtulong sa pangarap niya. Pursigido siya at dahil kulang siya sa gabay nalasing siya sa isang bar at habang nagmamaneho pa uwi na accidente siya at namatay. . . ayaw ko lang na may mangyaring ganun sayo. Sorry dahil sumobra ako, atleast hindi ako nagkulang."

Wala akong masabi. Bakit ko ba siya pinag iisipan ng masama? Bakit ko ba yun sinabi? Ang sama kong tao.

Wala na talaga akong magandang ginawa, lahat nalang ng masamang bagay ginawa ko na.

"Hindi ko alam. Sorry, Albert sorry talaga, hindi ko alam, pasensya ka na."

Nginitian niya ako.

"Okay lang. Kasalanan ko rin naman eh, sumobra ako. Hindi ko inisip ang mararamdaman mo sa mga ginagawa ko, sorry"

Bakit parang ang dali dali niyang magpatawad?

"Pwedeng wag kang mag sorry? Wala ka naman kasi sa posisyon para sabihin yan sa akin, ako dapat humingi ng sorry sayo, sa lahat ng abalang ginawa ko." I said apologetically.

"Pwedeng wag ka rin magthank you? Naririndi ako eh" sabi niya naman

Nagtawan lang kami.

Atleast aalis akong walang sama nang loob sa isa't isa.


"Aalis na ako"
"Hatid na kita" sinamaan ko siya ng tingin

"Oh okay bye. See you"
Tumango ako at kinuha na ang bag ko at umalis na

Paglabas ko nakita ko ang pintuan ni Maddox. Magkapitbahay nga pala sila.

Napabuntong hininga ako bago umalis.

Pagpasok ko nang elevator sasara na sana ang pinto nang may kamay na pumigil.

Nagulat ako kung sino, si Maddox.

Bakit andito pa siya? Dapat nasa Alethea na siya.

"Bakit andito ka pa/ bakit nandito ka?"
Sabay naming sabi.

Ako na ang unang sumagot
"Nandito ako dahil sinundo ako ni Albert galing Palawan, ikaw? Bakit andito ka pa? Dapat nasa Alethea ka na. Wag mong sayangin ang effort kong puntahan ka Maddox, please lang."

"Hindi ko alam kung aling lagusan ang nabuksan." pahina niyang sabi.

*ting*
I exhaled unamusingly. This guy. I guess he realize now he needs my help.

"Sumama ka sa akin." ani ko at nauna na sa paglalakad.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon