Bakit ba lagi nalang ako nagugulat? Aatekehin na ata ako eh. Ilang ulit ko pa ngang pinpikit ang ang mga ko.
Hindi ko inakalang nag iibang anyo ang mga Remus. Kaya hindi ko mapigilang matanong.
"Panong nangyari yun?"
Pero hindi niya ako sinagot. I just got ignored.
"Masayang pagkikita muli sayo." sarkastikong sambit ng isang Remus na siyang ikina kunot ng noo ko. Ako ba kinakausap niya? Why is his eyes fixed at me?
"Hinding hindi ko makakalimutan ang una nating pagkikita." dagdag pa niya.
Napalunok ako. Tama nga kaya ang iniisip ko? Sana hindi, parang eh.
"Nakalimutan mo na ba? . . . Keilah . . . tama?" Sabay hawak niya sa kilay niyang may gasgas.
Ramdam ko ang banta sa boses niya. Tama kayang siya ang nahampas ko ng maleta?
Kinakabahan akong napatingin kay Maddox.
"Tama na yan Jira." pagpigil niya sa kanya na dahilan para mapahinga ako ng maluwag.
"Andito kami para sabihin sayo Jira, sa inyong lahat na nalalapit na ang wakas ng Alethea." ani Maddox, na ikina ingay ng paligid
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Jira
"Nabuksan ang lagusan." at lumakas pa ang ingay nila
"At kailangan ng Alethea ang tulong niyo upang depensahan ang mundo natin." sabi ni Maddox.
"Paano naman yun mabubuksan? Eh tanging si Alethea lang ang nakakagawa nun." at muli, pinapatay na naman ako ng konsensya ko.
Tamihik lang akong nakikinig sakanila. At hindi ko maiwasang hindi damdamin ang mga sinasabi nila. I'm not Alethea. But I feel like I have a portion at fault.
"Kung hindi ako nagkakamali, ang taong yan ang dahilan kung bakit ka nakabalik dito, kung hindi ako nagkakamali, ang taong yan ang nakapagbukas ng lagusan. Nagkakamali nga lang kaya ako na ikaw . . . si Alethea" mapagbantang dagdag ni Jira habang lumalapit sa akin.
Katahimikan ang bumalot sa amin
Habang ako ay nakatingin lang sakanya ng nakakaloko, pano namang naging ako si Alethea? Halata naman naman sa mukha ko ang pagkakaiba kaya pano naman niya na isip yun.
I swear, ever since na nakadating ako dito, they are always suspicious if I am someone which is not. And what they're doing to me is not fun anymore.
Because I feel like I am not someone who I think I am. That doesn't make sense. I know who I am. It's starting to not feel right.
"Impossible!" Pagbasag ni Maddox sa katahimikan. Si Maddox na ang sumagot para sa akin.
"Alam mong hindi ito impossible, Maddox" seryosong sabi niya.
"Tsk." Ang tanging sagot ni Maddox
"Wala akong oras para problemahin yan. . . Bukas na bukas, kailangan lahat ng pagmumukha niyo ang makikita ko sa pagpupulong na gagawin ko" Sabay talikod niya.
Sinundan ko siya dahil wala naman akong ibang gagawin kundi ang sundan siya ng sundan.
Okay na sana ang hangin namin ni Maddox kanina, pero mukhang bumalik na naman kami sa dati.
Higit oras ulit kaming naglakad ng walang imikan, at sobrang gutom na talaga ako mabuti nalang talaga at may pagsasalo sa palasyo, kasama ang mga konseho.
At hanggang sa pagkain wala parin kaming pansinan, pero ayaw ko nang pansinin dahil nakakainis narin.
"May mga bampira pa ba tayo Reyna?" Tanong ni Maddox habang kumakain
"Meron, pero kukunti nalang dahil pinili nilang lumayo, mga higit kumulang sampu nalang sila. . . Naisip ko rin yan, na humingi ng tulong sakanila at sumang ayon sila pero asahan na daw nating hindi sila masyadong makakatulong, dahil narin siguro sa dami nila" pahayag ng Reyna.
"Sa tingin ko rin hindi sila susugod ngayon dahil kilala ko si Meribah, hindi siya padalos dalos, kaya wala tayong ipapangamba."
Napa hinga ako ng maluwag sa sinabi niya
Pagkatapos ng kain ay nagpaalam na ako sa kanilang lahat gabi narin kasi kaya magpapahinga ako, ang sabi naman ni Reyna Vedette ay matutulog ako sa bahay ko, Oo, ko, bahay ko, hindi ko alam na may ibibigay pala silang bahay para sa akin.
This is like a love-hate relationship.
Pero bago ako tuluyang umalis nagulat ako dahil may biglang nagsalita.
Aalis narin pala si Maddox.
"Ngayon tayo babalik sa mundo mo, magkita tayo sa lagusan" sabi niya ng pahina na kaming dalawa lang ang nakakarinig habang hindi tumitigil sa paglalakad.
"Eh pagod pa ako eh" pagmamaktol ko pero wa epek dahil alam ko na hindi siya tumatanggap ng hindi bilang sagot.
At swear, antok na antok, at pagod na pagod pa ako kakalakad, mukha kasing di uso ang sasakyan sakanila. Saan ba nakukuha ng lalaking to ang energy niya?
Naisip ko nga bakit di nalang sila gumamit ng walis para lumipad dahil may mga kapangyarihan naman sila.
Tsaka ko palang naalala, ang kakayanan lang pala nila ay magpalago ng taniman, atleast yun ang alam ko. Baka may iba pa silang kakayahan na titinatago nila.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasíaThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)