Sinenyasan ko ang mga binuhay kong halaman na tumigil.
Agad naman silang tumigil at bumalik sa pwesto nila bago ko sila binuhay.
Napatingin ako sa dumating.
Hindi nga ako nagkakamali. Si Meribah nga ang kaharap ko ngayon.Malakas ang kabog ng dibdib ko sa muli naming pagkikita.
Taon narin ang nakalipas simula nung huli ko siyang naka engkwentro.
Noong panahong nagka-usap kami tungkol sa mga Remus na gusto niyang kunin mula sa akin. Pero hindi ako pumayag kaya sa halip na Remus ay ako na ang gusto niyang kunin. Mas lumala pa ang hinihingi niya sa akin, kaya mas lalo akong hindi pumayag pero wala akong magawa dahil kung hindi makuha ni Meribah ang gusto niya ay alam ko na gulo na na hihingin niya sa akin.
Sa araw na susuko na ako sakanya ay nawala na ang alalaala ko.
At ngayong nagkaharap na ulit kami ay alam ko na malaking gulo ang kahahantungan nito.
Yumuko siya sa akin, gaya ng pagyuko ng iba sa akin
"Maligayang pagkikita muli, Alethea"
Parang lindol ang tinig niya na nagpasindak sa akin.
Naka ngisi siya habang nakatingin na parang galak na nakita muli ako.I don't feel good about this. Is he finally making a move?
"Bakit ka nandito?" Sabi ko habang nanlilisik ang mata ko.
"Alam mo kung ano ang ginagawa ko dito Alethea." Oo alam ko.
"Alam mong may usapan tayo. Usapang ibinaon mo nalamang makalipas ang mahabang panahon." Sabi niya with the face of bad intent.
"Usapan?" Biglang sabat ni Maddox sa likod ko kahit alam kong hinang hina na siya, pero hindi ko siya pinansin.
Naka tuon lang ang tingin ko kay Meribah. Takot ako na may gawin siyang hindi maganda sa oras na malingat lang ako.
"Hindi ako makakapayag na kunin mo ang akin Meribah."
Sabi ko na nakadiin ang salitang 'akin'
Napatawa siya. Isang tawa na mas ikinakaba ko
"Alam mo Alethea, na kilala sa pangalang Keilah sa Earth. . ."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ito maaari. Alam niya.
"Alam mo bang may mata ako sayo Alethea. Kahit saan kaman magpunta alam ko kung nasaan ka." Sabay nakaka- lokong ngiti.
Napasinghap ako. Alam niya. All this time alam niya na nakapunta ako ng Earth.
"Ako ang dahilan kung bakit ka nahihirapang mabuhay sa mundo ng mga tao." Proud pa niyang sabi.
Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko ngayon.
Siya ang dahilan kung bakit ako malas sa lahat pagdating sa buhay ko bilang isang tao."Kaya wag kang pakampante Alethea. Mas malaki pa ang nagagawa ko. May isang salita ako kaya maghanda na kayo. Sa pagsapit ng kabilugan ng buwan dadanak ang dugo at mapapasaakin na ang Alethea." Sabay halakhak niya ng pagkalakas lakas.
Napahawak ako sa mga tuhod ko. Mabilis ang paghinga at hinanghina na ako. Gusto ko pang magsalita at ipagsigawan sa kanya na hindi niya makukuha ang gusto niya pero wala na akong lakas para gawin yun.
Na parang hinihigop niya ang lakas ko sa bawat bigkas niya ng mga salita.
"Bago ako umalis Alethea, may ipapakilala ako sayo."
Napatingin siya sa lagusan ang gayon din ako. Dahan dahan kong tiningnanang kung sino man ang tinutukoy niya. At nakita ko ang pamilyar na tao na lumabas sa lagusan.
At tuluyan na akong napa upo. Mabuti nalang at nasalo ako ni John na siya nalang ang nakatayo. Tuluyan na akong nanghina sa nakikita ko.
Si Selene.
Ang bedspacer ko. .
Siya ang laging naglalagay sa akin sa kamalasan. Kasabwat pala sila.
Binigyan niya ako matulis na ngiti bago silang lahat umalis.
Napahinga ako ng maluwag matapos nilang umalis.
"Alethea! Alethea! "
Walang sigla akong napatingin sa sumisigaw na John.
"Kailangan na nating magmadali. Malalgutan na sila ng hininga kung hindi tayo makakahingi ng tulong ngayon din."
Napatingin ako sa nakahandusay na si Ray at Maddox na naliligo sa kani kanilang mga dugo.
Napahawak ako sa dibdib ko.
Pakiramdam ko pasan ko na ang buong mundo. Ang akala ko makakapagpahinga ako sa pagaalala sa kung ano mang gawin ni Meribah, yun pala may bagay pa akong hindi dapat na hindi pansinin dahil buhay ang nakasalalay kung hindi ako kikilos.Kaya kahit walang wala na talaga akong lakas, pinilit kong tumayo ng maayos at nagsimula ng magmadali papunta sa mga Flonen, mga manggagamot ng Orleana.
➖➖➖➖➖➖➖
Its a Happy 1k reads for all of us. Thank you for reading. Have a blessed day for everyone.
2021 update: we are at 206k reads y'all.
![](https://img.wattpad.com/cover/49857255-288-k775255.jpg)
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
Viễn tưởngKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...