This is frustrating.
Tagaktak pa ang pawis ko sa init ng panahon. Naman oh
As much as possible ayaw kong magpa umaga dito dahil wala akong tutulugan. Ayaw kong gumastos.
Maya maya pa ay lumayo muna ako sa mga tao dahil gusto kong magpahinga muna at malayo din ako sa problema
Humanap ako ng shaded area sa malayo layong side ng resort.
Umupo ako at sumandal sa isang puno at ang sarap sarap talagang matulog dahil mahangin at sobrang ganda pa ng view ng dagat dito, sobrang nakaka relax.
Ini-rest ko muna ang ulo ko sa mga tuhod ko. Iidlip lang siguro ako saglit.
✴✴✴✴
Pagdilat na pagdilat ko ng mga mata ko ay agad akong napatayo sa gulat.
Oh noes!
Gabi na. Sabing iidlip lang ako, 6 hrs na ata ang inidlip ko.
Tiningnan ko ang pendant at ka muntikan ko na matapon dahil sa magkahalong takot at gulat.
Umiilaw na!
Bumilis bigla ang tibok ng puso ko sa tuwa na nasa malapit lang siya.
Maddox where are you?
Tumayo na ako at inilibot ko ang paningin ko.
Madilim na at wala ako masyadong maaninag kahit na may ilaw naman sa malapit.
"Maddox!!"
Sumigaw na ako. Pero wala pa rin akong makitang Maddox
Tiningnan ko ulit ang pendant at kumpara kanina mas mabilis ng patay sindi ang liwanag.
Kinakabahan ako dahil wala namang sign ng tao. Tama kayang multo na siya.
Multo Keilah?
Seriously?
Sumigaw pa akong ng sumigaw
"Maddox.......Maddox........Maddox.....Ma.ddox"
Malapit na akong maiyak. Bakit wala siya. Baka mali tong pendant na binigay ni Reyna Vedette. Naman oh paasa
Nawalan na ako ng pag-asa kaya napa upo na lang ako.
Hindi ako makapag-isip.
"Uh Miss? Naliligaw ka ba?"
Tumaas bigla ang balahibo ko sa gulat. Sobrang lalim ng boses niya na parang nasa horror movie ako.
Unti unti naaninag ko na ang nagsalita.
Lumaki bigla ang mata ko hanggang sa lumawak ang ngiti ko.
Maddox.
Napasuntok ako sa hangin.
"Narinig ko ang pangalan ko, miss kilal-"
Hindi ko na pinatapos
"Maddox"
Masayang baggit ko ng pangalan niya
Kumunot ang noo niya
Malamang na we-weirduhan na siya sa akin.
"Teka parang pamilyar ka ah. Saan nga ba kita nakita?-ah ikaw ba yung sa convenient store?"
Oo nga naalala ko yung araw na yun.a
"Oo ako yun .. Uhm "
Paano ko ba sasabihin sa kanya.
Alam naman siguro niyang taga Alethea siya diba?
Baka hindi siya yung Maddox?
Eh umiilaw ang pendant kaya siya nga argh.
How am I going to start explaining?
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasiaThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)