*grhhdffruh*
Napahawak ako sa tiyan ko.
Kanina pa namimilipit ang tiyan ko sa gutom, hindi pa kasi ako nakakapag breakfast at lunch, sinisipon pa ako. Ang saya lang diba.
Mag-aapat na oras na hindi pa dumadating si Albert. Malamang 6 hours ang biyahe eh, tapos sasabihin niyang 3 hours. Umasa pa ako sa mala Edward Cullen niyang worry sa akin.
Maya maya pa may nakita akong helicopter na kanina pa pa ikot ikot at ang mga bata namam ang tuwa tuwa dahil malapit lang talaga. Pero hinayaan ko lang dahil ako ang nahihilo sa pa ikot ikot nila. Dinidisturb pa ang mga tourista. Pati white sand dinidisturb, umaabot pa sa ilong ko, sinisipon pa ako dito oh.
Sandali lang eh lumanding na ang helicopter, which is good thing dahil kanina pa ako naiingayan sa helicopter. Maraming gustong lumapit na mga bata pero pinigilan sila ng mga magulang nila.
Pinapanood ko lang sila habang naka upo parin sa dahon kong timulugan ko buong gabi.
Pagbaba nila ay muntikan pa akong hindi makahinga. No way!
I see Albert going down in the helicopter while looking ahead at me.
Albert? Helicopter?
Why do I feel like I've seen this scene somewhere in a kdrama series that I somewhow watched in the store dahil may Cable Tv doon.
Captain Yoo Si Jin shi?
As he seems to be slowly walking towards me, I can hear the OST of Descendants of the Sun in my ears.
I shrugged at tinggal ko na sa isip ko ang nga niimagine ko.
This is so embarrasing. All eyes are on him dahil naman sa agaw eksena niyang lakad.
"Albert?!" I said as he got closer.
"Yow Keilah" this over confident guy.
"Sayo yan?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Hindi. Sa companya ng magulang ko, hiniram ko lang."
I almost choked on my saliva.
What the heck?
Napatingin siya sa likod ko at halos lumuwa na ang mata niya, yung dahon pala.
"D-dyan ka natulog?!" I denied while shaking both of my hands defensively.
"Ano? Bakit dyan ka natulog? Sana kumuha ka nalang ng kwarto."
"I said no Albert"
"You can't lie to me. I just saw someone lying in there all the way up. Hindi ko lang alam kung sino at wala akong paki pero it was you." Sabi niya na parang natatawa na.
"I lost my wallet ok. I can only sleep here. I couldn't even go home. There I said it."
"Hindi maka-uwi?! Mabuti nalang talaga at sinundo kita, halika na naghihintay na ang piloto ko."
Nagsimula na siyang maglakad at sinundan ko lang siya.
I covered my face with my hand dahil ang dami ng taong nanood sa amin.
This is so embarrassing.
Bago kami makapasok ay nagpasalamat muna ako sakanya. Nginitian niya lang ako.
Nagaalangan pa nga akong sumakay, hirap naman kasing paniwalaang helicopter pala ang magsusundo sa akin pauwi.
Nang nakalipad na kami di ko mapigilang manigas, first time kong makasakay dito, magkaiba rin kasi ang eroplano kaysa dito, kaya hindi ako sanay. Napansin ni Albert ang paninigas ko kaya natawa siya. Masyado nansiyang nage-enjoy sa kahihiyan ko ah.
"Bakit ka ba na estatwa dyan? Pft. Mukha kang uod na hindi makagalaw." sabay malupit na tawa niya.
Tiningnan ko siya ng masama, ang FC nito, kailan lang kami nagkita ang komportable na niya sa akin, pero pasalamat lang din ako sa pagiging friendly niya dahil malamang bukas o sa makalawa taong grasa na ako na namamalimos sa Puerto. I can't even imagine.
Napatingin ako sa baba. Hindi ko mapigiling mapanga nga sa mga nakikita ko. Hindi talaga mapagkakaila na ang ganda ng tanawin dito. Mula sa mga bukid hanggang sa dagat ay wala akong makitang hindi maganda, ang sarap sana kung dito ako nakatira.
"Ang ganda no? . . . parang ikaw lang." tinaasan ko siya ng kilay pero natawa din ako at the same time. This guy definitely likes me.
"Talaga lang ah." I responded.
"Pagkatapos mong magsight seeing, kumain ka, eto oh bumili ako kanina, tsaka matulog kana muna mukhang kulang ka pa sa tulog kaya magpahing ka."
Nakangiti akong tumango sa kanya at nagsimula na akong kumain. Foods. Makes me happy.
Ang laki narin ng abala ko sakanya hindi ko nga alam kung paano ko siya masusuklian. Tiningnan ko siya, nakatulog na pala siya. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya, hindi ko alam na may ganito pa palang kabait na tao, na handang tumulong kahit hindi niya pa ako gaanong kilala, ano pa kaya sa mga kaibigan niya? Sana hindi siya inaabuso ng mga kaibigan niya sa sobrang kabaitan niya. Parang na curiuos ako bigla, ano kaya ang dark side niya? There has to be something.
Maya maya pa ay tinamaan na ako ng antok.
✴✴✴
"Keilah gising! Hoy Keikei Lala! KeiLala hahaha di kita KeiLala gising na andito na tayo."
Kung wala lang talaga akong utang na loob kay Albert kanina ko pa to na sipa. Ang sarap talaga saktan nito minsan.
"Oo na gigising na. Wag mo na akong alugin masakit sa leeg."
Binitawan naman niya ako sa wakas. Pero laking gulat ko na nakahiga na ako . . . . . . . sa sahig.
Napabangon ako bigla. Inikot ko ang tingin, wala akong ibang makita kundi ang nakakapasong sikat ng araw at, at, . . . wait nasa rooftop ba kami?
"Tumayo ka na nga dyan di kita mabuhat wala akong energy simula pa kahapon kaya tumayo ka na, bilisan mo nasa City pa tayo kaya may biyahe pa patungong Frando." Sabi niya pero langya iniwan ako sa sahig.
May biyahe pa? Kulang na kulang pa ako sa tulog eh. Sa biyahe nalang ako matutulog ulit.
"Shit." He suddenly cursed.
"Bakit? Kung maka mura ka naman, ano bang nangyari?"
Nakita ko siyang nakatulala, sinundan ko ang tingin niya.
--------------------------
Elevator is under repair due to new floor adjustments, sorry for the inconvenience.
-Management-
-------------------------
"Problema ba yan? Edi stairs tayo, ilang floors ba? 3 fl . . . "
"36 floors"
Napanganga ako. 36?
Ah 36. Tertisiks
"Oh edi dito nalang ako matutulog." Hihiga na sana ako pero pinigilan niya ako.
"Tangi, malamig ang sahig, magkakasakit ka."
"Eh eh eh eeeeee~ gusto ko nang matulog Albert, saan mo ako papatulugin?"
Parang may kung anong light bulb ang nakita ko kay Albert
Kinuha niya ang cell phone at may tinwagan.
"Bring 2 stretchers . . . yes. . yeah . . . 20 minutes?! No be here by 10 minutes . . . no there are no broken bones just lazy people."
Matapos niyang ibaba and tawag ay kumindat siya sa akin.
Napanganga ako sa sinabi niya.
Stretchers ang solution niya? Is he serious.
➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)