Jovanah's POV
Napatingala ako sa buwan na nagbibigay liwanag sa kadiliman sabay hikab.
Gabi na at maraming oras na ang lumipas na lumilipad si Lo na sakay ako at kanina pa walang pahinga.
Kanina ko pa napapansin na minsan ay humihikab din siya at kinakamot ang mata niya.
"Lo, may alam ka bang tutulugan? Mukhang pagod ka na eh tsaka inaantok narin ako at sigurado akong inaantok ka na rin." ani ko habang nakahawak sa balikat niya.
Napatingin siya sa akin. Nakita ko sa mga mata niya ang pagod. Di na nga niya makuhang sumagot at tumango nalang sa tanong ko.
Bumaba na kami at nakita ko ang isang malaking puno na sobrang laki. At pagsinabi kong sobrang laki ay sobra sobra talaga ang laki na sa tingin ko pa nga ay aabot sa singkwentang libong Orleana ang makakapasok sa loob ng puno. Yun nga lang hindi ito lugar na magiging komportable manulayan ang isang Orleana.
Di ko maiwasang mapatulala.
Buong buhay ko ngayon lang ako nagsisi kung bakit hindi ko nagawang libutin ang Alethea. At alam ko na maraming mas magagandang lugar pa ang makikita ko kung gagawin ko yun.Naisip ko tuloy, pagnabuhay ako pagkatapos ng labanan magagawa ko ng ikutin ang buong Alethea. Napangiti nalang ako sa naiisip ko. Kasama ko parin kaya si Lo
"Ito ang Rahn. Dito tayo pansamantalang matutulog." Aniya habang kinakamot ang mata niya. Ang cute.
"Rahn." Ulit ko sa sinabi na nakatitig sa kanya.
Narinig ko siyang tumawa.
"Ano, hindi mo ba gustong makita kung ano ang nasa loob?" Sabi paniya na inaanyaya ako sa loob.
"Ah..." Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng itabig niya ako palapit sa kanya gamit ng pakpak niya sabay akbay at naglakad papasok.
Nagulat ako sa ginawa niya kaya di ko mapigilan ang pamimilog ng mata ko.
Ano to? Loish may gusto ka bang iparating?
Pero napawi lahat ng kilig na nararamdaman ko matapos akong masilaw sa liwanag.
Ng masanay na ang mata ko sa liwanag ay nakita ko na ng mabuti ang kabuuan.Maaliwalas ang paligid at maraming mga bagay na inukit lang na idenisenyo sa paligid.
Nakita ko ang iba't ibang uri ng nilalang gaya nalamang ng paru-paru, mga buhay na halaman at iba pa na ngayon ko lang nakita. Ngunit wala ni isang Orleana. Ano ba ang nangyari sa kagubatan at wala ng pumupuntang Orleana dito.
"Umakyat na tayo, maaga pa tayong aalis bukas." Aniya Lo
"Anong lugar to?"
"Rahn nga paulit ulit."
"Hindi. Ibig kong sabihin, anong klaseng lugar to?"
"Ah... Tulugan malamang. May malapit kasi na pasyalan dito kaya may ganito dito."
"Pasyalan? Punta tayo." Masyang sabi ko.
Medyo nagaalinlangan siyang napatingin sa akin.
"Ah.. Jo..."
"Wag nalang. Pagod na ako" sabay hikab ko ng pilit.
Ayaw ko namang pilitin siya. Sapat na sa akin ang pabor na binigay niya sa akin dapat nga alagaan ko pa siya.
Naglalakad na kami papasok ng may bigla akong naisip.
"Lo, wala akong pera. Mukha pa namang mamahalin dito, sa labas nalang tayo"
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...