Chapter 14: Meeting Frando Again

3.5K 122 1
                                        


Kinabukasan

Kasama ko ngayon si Reyna Vedette at si Dawn naglalakad kami patungo ng lagusan kung saan nila ako huling nakita nung gabing inatake ako ng mga halimaw.

Naalala ko bigla ang mga pangyayari. Kinakabahan ako baka andito ulit sila.

"Wag kang mag alala gabi lang sila lumalabas." sambit ng Reyna.

Mukhang nabasa naman ng Reyna ang iniisip ko dahil narin siguro sa mukha kong takot na takot.

Ganun parin ang tingin sa akin ni Dawn puno ng pagkamuhi. Kailangan ko lang habaan ang pasensya ko sa kanya. I've been like her before. Well kinda. I have loved a man who has eyes for another girl. Well that was way years before. I was 14 when that happened. Such imature young love. I'm 22 now so it doesn't bother me anymore it's just that seeing Dawn hurting, I just thought she's just being real.

"Siya nga pala Keilah, nung gabing yun, paano mo napatay ang isa sa kanila?"

Tanong ng Reyna sa akin

"Ano?!" Di makapaniwalang sigaw ni Dawn

"Yu-yung maleta ko ang inihampas ko" nag-aalangan kong sagot.

Parang hindi sila kumbinsido sa sagot ko.

"Kahit gaano kalaki o ka tigas ng maleta mo, hindi mo mapapatay ng ganun lang ang halimaw na yun." She said it like she thought I was not serious.

Yun naman talaga ang ginawa ko, maski nga ako nagulat nung kayanin ko yun.

"Pero yun ang totoo, yun ang ginawa ko." I insisted.

Hindi parin sila naniniwala.

"Ano ka ba talaga?" Tanong sa akin ni Dawn.

I rolled my eyes at them. I couldn't help but let my rudeness take over me. Why are they insisting this so much.

"Isa akong tao. At kung ano man yang bumabagabag sa inyo hindi yan totoo. "

Ewan ko ba kung bakit nila pinipilit na may kung ano mang kababalaghan ang ginawa ko.

"Andito na tayo." Sabi ko.

Nakita ko na ang lugar.
Hindi ko nakikita ang lagusan pero alam kong andun parin yun. I'm not good with directions but I'm good at recongnizing places.

Papasok na sana ako para hindi na mapahaba ang pag uusap namin dahil hindi ko na yun nagugustuhan pero pinigilan ako ni Reyna Vedette.

"Dalhin mo to . . ." sabay dukot niya sa loob ng damit niya. Honestly I'm got amazed they have pockets like that inside their thin clothing.

May ibinigay siya sa akin na pendant. Silver na pabilog at may kung anong guhit sa gitna na parang isang simbolo.

". . . kakailanganin mo yan. Sa tamang lugar at pagkakataon, iilaw ang kwintas na yan at tsaka mo lang malalaman kung nakita mo na ang hinahanap mo. " Tinanguan ko siya.

Nakita ko ang maleta ko as gilid. Nasira ang handle at bakas pa ang dugo nito. I'm sure mangamoy-ngamoy na to.

Nandito pa ang mga damit ko. Napaisip akong kailangan kong magbihis dahil magmumukha lang akong baliw kapag bumalik ako doon na may weirdong pink dress.

I decided to not get dressed here at tuluyan na akong umalis. Hindi na ako lumingon ulit. I don't want to see Dawn's face dahil as much as possible I don't want to hate her. And she's definitely not helping me not to hate her.

Alright. This is it. I'm going to face Frando again.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon