"Ano?" Di makapaniwala kong sabi.
Laglag panga akong nakutunga-nga habang nakikita ko ang likod niya na papalayo sa akin. He's leaving me.
Ganun na ba ka laki ang galit niya sa akin?
Napabuntong hininga ako. Mukhang bukas pa ako makakabalik ng Frando.
Bigla akong napayakap sa sarili ko nung naramdaman ko ang malakas na hangin.
Mukhang kukukuha na ako ng kwarto dahil parang hindi ko kaya ang lamig dito sa labas. Kasya pa kaya ang budget ko?
Kinapa ko ang wallet ko pero . . . patay cellphone nalang ang nasa bulsa ko hindi to pwede, asan ang wallet ko. Hindi na ako makakauwi nito eh naku naman. Hinanap ko na kung saan saan umabot pa ako sa kabilang dulo ng resort, kailangan ko yung mahanap, maya maya pa naramdaman kong nagtutubig na ang mga mata ko.
Malas malas malas. Bakit ang wallet ko pa ang nawala, ok lang sana kong ang cell phone nalang eh yung wallet pa talaga.
Tiningnan ko ang oras ng cellphone ko, 11: 49 pm. Nakadalawang miss call na pala si Albert at isang text,
Kumusta ang searching? Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo, okay ka lang ba dyan?
-9:34 pm-
Kanina pa pala tong text niya. Kung makapal lang sana ang mukha ko kanina pa sana ako nagpasundo sa kanya, pero hindi eh. Masyado nang nakakahiya sa kanya, okay lang sana kung ang direksyon lang ang hihingin kong favor pero sobra naman siguro kung magpagsundo pa ako.
Buntong hininga.
Bigla kong sinipa ang batong kanina ko pa tinitingnan. Nakakainis talaga. Ano nang gagawin ko? Sobrang lamig pa dito, maabutan pa kaya ako ng umaga dito? Maya maya pa ay may biglang tumawag, si Albert. Hindi ko sinagot, hinayaan ko lang ang pagri-ring, ayaw ko nang maka abala sa kanya.
Naghanap ako ng dahon na pwedeng pang kumot, mabuti nalang at nakahanap ako ng marami. Inalatag ko na ang nakuha kong dahon.
Pinagmasdan ko ang nagawa kog higaan. I feel like I'm part of the popular game show in National Geographic Channel called Naked and Afraid, except I am not naked.
What am I doing in this place?
Buntong hininga ko at nahiga na.
I feel so hopeless . . . and homeless.
Magdadalawang oras na at hindi parin ako makatulog. Iniisip ko kung ano ang ginawa kong masama para parusahan ako ng mundo. Una sa pamilya kong pinagpasahan ako, pangalawa sa apartment ko, pangatlo sa trababo ko , at pang-apat sa Alethea, sunod naman ang kamalasan ko dito sa resort, wala na talagang nangyaring maganda.
Buntong hininga.
Maya maya pa sa kakaisip ko ay dinalaw na din ako ng antok. I can't help it. I'm so tired today. I needed to regain my strength.
➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)