"KEILAH!!! . . . . "
"ALETHEA, TUMIGIL KA NA! MAKAKAPATAY KA!"
"MADDOX PATIGILIN MO NA SI KEILAH. BAKA MAPAHAMAK SIYA. NAKIKIUSAP AKO. ILIGTAS MO SIYA"
Tulungan niyo ako. Hindi ako to. Tiningnan ko sila at una kong nakita si Ray. Biglang uminit ang ulo ko at pinalipad siya palabas. Ray! Wag. Ayaw ko na. Tumigil ka na. Sumunod sina Albert at John kay Ray para tulungan siya. Napatingin ako sa naiwan, si Maddox. Itinaas ko ang kamay ko at handa ng sunugin siya pero nainis ako bigla dahil hindi ko magawa, kung kaya ang buong kubo na ang sinunog ko. Tumingin ako sa paligid at napahalakhak sa mga nagagawa ko. May sensasyon akong nararamdaman kung kaya mas lalo ko pang nilakasan ang sunog. Wag ang kubo nakikiusap ako. Ano ba tong nangyayari sa akin? Bakit ko ginagawa to? Mali to eh. Hindi ako to. Mas lumakas pa ang halakhak ko nang mapansin ko na hindi ako napapaso sa apoy na ginawa ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at pakiramdam ko, na parang may kumikiliti sa akin kaya napa hagikhik ako hanggang sa napalitan ito ng tawa at kalaunay nagiging halakhak na.
"Alethea, tama na"
Sigaw sa akin ni Maddox.At mas lalo akong nagalit dahil hindi siya nasusunog. Tiningnan ko siyang mabuti. Basé sa nakikita ko sa paanan niya ay may nakikita akong bilog na parang yun ang pomoprotekta sa kanya para hindi masunog.
Wag kang lumapit sa akin Maddox. Baka masaktan kita. Lumayo ka nakiki usap ako.
Gusto ko mang sabihin hindi ko magawa dahil hindi ko ma control ang sarili ko. Wala bang tutulong sa akin?
Sinubukan ko siyang palibutan ng mga ugat sa lupa pero sa tuwing dumidikit ito sa border ng bilog ay tila acido na tumutunaw sa kung ano mang dumikit dito.
Lumapit pa siya ng lumapit at laging binabanggit ang pangalang Alethea.
Parang karayum na tutusok sa tenga ko sa tuwing binabanggit niya yun. Kaya napatakip ako ng tenga.
"Arghhh TAMA NA!!!!! -- Maddox. . . "
"Alethea" sigaw ni Maddox
"TUMAHIMIK KA!!!! -- Tulong. Tulungan mo ako -- WAG KANG MAKISALI! AT IKAW. . LUMAYO KA SA AKIN. . . WAG KANG MAINGAY -- Maddox. Maddox"
Lumapit siya sa akin at may takot akong naramdaman sa kanya kaya napa atras ako.
Hindi siya nagpatalo dahil halos takbuhin na niya ako at ako na tatakas na sana ay nahuli niya.
Paghawak na paghawak niya sa mag kabilang braso ko ay bigla bigla nawala ang bilog dahilan para masunog siya. Nagulat ako na nanghihina sa mga hawak niya pero ang mas ikinagulat ko ay ang biglang paghupa ng sunog, pag balik ng mga ugat sa dati at pag wala ng mga rosas.
Natumba ako at nasalo niya ako.
"Maddox . . . "
"Nakabalik ka na" sambit niya na dahilan para mapangiti ako
"Salamat . . . "
At tuluyan na akong nawalan ng malay.
➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantezieKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...