Paglabas ko biglang nagbago ang lahat. Kung kanina nakakasilaw ang araw ngayon naman parang biglang nagbrownout. Wala akong makita, pakiramdam ko pa nga ay bulag ako. Hanggang sa unti unti akong nagaadjust sa dilim. Gabi na pala.
Now what?
Ano na nang gagawin ko?
Saan ako magsisimula?
Naman oh.I just decided to start walking. Yes of course first thing's first is to walk. Right. That shouldn't be too confusing.
Nilakad ko ang daan pauwi. Where was home again? Ah, oo nga pala wala naman akong uuwian. Why bother. I'll just walk. I'll probably reach somewhere.
Minutes later I already saw street lights and decided to walk through it. It should lead me to civilization.
Pero bago ako maka rating ay nagbihis muna ako ng damit galing sa maletang kong may mantsa ng dugo. Sa kakahuyan ako nagbihis, okay lang naman dahil wala namang dumadaan dito.
Iniwan ko nalang din ang maleta at dinala lang ang importante sa akin.
Maddox.
Sino ka ba talaga? I thought to myself.
Para talagang kilala ko siya.
Saan ko ba narinig ang pangalan niya.Maddox.
Nandito ako sa harap ng apartment ko. Why though? Was thinking about Maddox flew my mind and then just instinctively walk through my apartment. Not my apartment now though.
I didn't know the way leads me to Frando.
Somehow a thought came to me.
Nakaka miss din kahit wala naman akong masyadong nagawa dito. Kumusta na kaya si Selene?I sighed at umalis na bago pa ako makita ng bagong may-ari.
Naglalakad ako sa kawalan, hawak hawak ko parin ang silver pendant na bigay ni Reyna Vedette sa akin, nagbabakasakali na umilaw ito any time.
I roamed my eyes at ganun parin walang pinagbago ang lahat, magulo parin ang lugar na to. Marami parin ang tambay.
Hanggang sa madaanan ko ang malaking building na pamilyar sa akin.
Pinagmasdan ko lang building habang pilit inaalala ang nangyari sa akin dito.
Bakit ba kinakalimutan ko ang mga nangyari dito.
Dahil siguro akala ko wala na akong babalikan dito.
Bigla kong naalala dito pala ako nagising nung nahimatay ako sa gitna ng daan noong nakalabas ako ng lagusan. Natawa ako dahil sa nangyari sa amin ni Maddox muntik ko na siyang masuntok noon hahaha
Napapitlag ako. Teka muna. What?!
Maddox.
Ang tanga ko naman. So stupid.
Wala na akong sinayang oras pinasok ko na ang building.
Si Maddox. Siya na ba ang hinahanap ko? I guess this isn't hard at all. I can't believe it. I can't even believe Maddox did not ring a bell to me before.
Lumapit ako sa front desk.
"How may I help you ma'am" Bati sa akin ng babae.
"Saan ang room ni Maddox!? It's urgent."
Salamat at hindi naman pala ganun kahirap ang paghahanap sa kanya.
The girl in the front desk was ready to refuse giving me the room number but her facial expression changed like she remembered something.
"4th floor #857" right away she said.
"Thank you" I said and left.
"No problem ma'am sana magkita na kayo ni sir." Pasigaw niya pang sabi dahil medyo nakalayo na ako. .What?! Whatever was that, I don't care. I had to go.
Pumunta na akong elevator at pinindot ang number 4.
*ting*
Half run kong hinanap ang #857
Sa wakas at nahanap ko rin
Kinatok katok ko pero walang sumasagot.
Asan ka ba ngayon?
Hindi ako tumigil hanggang sa may tumawag na sa akin.
"Ah miss, si Maddox ba hinahanap mo?" Isang lalaki ang lumabas sa tabi ng unit ni Maddox.
"Ah oo, kilala mo siya?" Tanong ko pa ng medyo hingal.
"Oo magkapit bahay kami hahaha di ba obvious?!" Sabay nakakalokong ngiti. Okay you're cute but not interested, I have to find Maddox.
"May kailangan ako sa kanya. Asan ba siya?" I asked.
"Nako miss wrong timing ka naman eh. Umalis siya" Napakunot noo ako.
"Palagi yung umaalis. Siguro kada buwan. May hinahanap siyang babae. Alam mo baliw na baliw siguro si Maddox sa kanya, hindi tumitigil eh."
Akala ko pa naman magiging okay lang ang lahat hindi pala. Dude where on earth are you?
"Saan ba siya pumunta ngayon?"
"Palawan" Palawan? Eh ang layo naman."Saan sa Palawan?"
"Saan nga ba yun? Teka lang iisipin ko pa. Sinabi niya sa akin yun eh . . . . hmmm"Tinitigan ko siya in a way na eager akong malaman kung asan siya.
Isipin mo isipin mo bilis."Ah oo sa Puerto Princesa oo dun nga. Teka pupuntahan mo siya? Di nga!" He said like he already know but just playfully joking around with me.
"Oo eh kailangan"
"Talaga?! Alam mo tawagan mo nalang siya, may number ka ba niya?" tanong niya."Ah eh. Wala eh. " napataas naman siya ng kilay sa sinabi ko.
"You don't know?" He mumbled habang kinukuha niya phone at habang napabuntong hinga na parang hesitant pa siyang ibigay sa akin.
"Wala akong cellphone eh"
Tiningnan niya ako.
"Ah pwede humiram?"
Nakakahiya pero kailangan ko siya.
"Teka tatawagan ko siya."
Nagantay pa ako ng konti.
"Cannot be reach . . . Miss ganito nalang bibigyan nalang kita nang number niya, may pupuntahan pa kasi ako, ikaw na bahala kung pupuntahan mo siya o hindi. Pero dapat may contact ka sa kanya, teka sandali lang."
Pumasok siya sa unit niya.
At nung nakabalik siya may dala na siyang papel at binigay sa akin."Sige miss. Good luck"
Tiningnan ko ang papel
Maddox-0975*******
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...