Chapter 31: Meeting Albie Again

2.9K 101 1
                                        

Papunta ako ngayon sa lagusan gaya ng sinabi ni Maddox sa akin at pinipilit kong walang makapansin sa akin dahil alam kong secret agenda lang tong gagawin namin.

Nagdadasal lang talaga ako na wala akong makasalamuha na Remus dahil takot ako kay Jira baka ano pang gawin nun sa akin. Mukhang galit pa naman yun.

Pero nagkulang ata ako ng dasal dahil may nakita akong isang Remus na tahimik na naglalakad, at ang masama pa napatingin pa siya sa akin. Ayan na naman ang kaba kong wala na ng katapusan.

At sa kubitihang palad, pinili niyang wag akong pansinin at nagpatuloy sa paglalakad, napahinga naman ako ng maluwag dun.

Nagsimula na akong maglakad at sa wakas nakarating na rin ako

"Bakit ngayon ka lang?"
Naiinip na sabi ni Maddox

"Hindi naman kasi ganun ka dali ang umalis na walang nakakita, at tsaka may nakasalamuha pa akong Remus, mabuti nalang talaga hindi niya ako sinaktan." paliwanag ko at nauna nang pumasok sa lagusan na parang binubulong ko pa.

Pagpasok sa pagpasok ko napapikit ako agad dahil sa sikat ng araw. Maya maya pa ay nakaka adjust na kami kaya naglakad na kami.

At syempre hindi kami pwedeng magpakita sa kapwa ko tao ng naka suot Orleana kaya palihim kaming naghiram ng damit sa isang samapayan.

Before we could change, I was admiring his build. His Orleana clothing undeniably made him look like a knight. Oo nga pala, he is Alethea's Knight.

Nakarating kami sa isang building kung saan siya nakatira.

Wala kaming imik na nakasakay ngayon sa elevator, kanina pa ako hindi iniimik nito, ano kayang problema? Minsan ay napapatingin pa ako sakanya.

Paglabas namin ng elevator nakasalubong namin si Albert at dalawa pang lalaki.

Wow, I just realized I missed this guy. Kaya as we walk closer together I couldn't help but smile.

"Oh hohoy si Maddox nakahanap ng chick, siya na ba yun?" Sabi ng lalaking naka layered fringe ang buhok sabay tingin kay Albert.

Pero bigla nalang akong naipit sa isang yakap. It was Albert.

"Na-miss kita Keilah, miss na miss." gigil na sabi niyang hindi pinansin ang tanong kanina nung isang lalaki.

I just couldn't help but hug him back.

"Tumigil ka nga." sabay tulak ng noo ni Albert dahilan para mapaluwag ang yakap ni Albert sa akin.

Panira talaga tong taong to.

Napatawa ako ng pilit. Si Maddox talaga walang manners, hindi ba niya na-miss ang mga kaibigan niya?

"Kung inggit ka, makiyakap ka nalang." sarkastikong sabi niya at patuloy sa pagyakap sa akin.

"Hahaha Albert, na-miss din kita." awkward na pagkakasabi ko dahil naka weirdong tingin sa akin ang dalawang lalaki at ang sama ng tingin ni Maddox.

"Talaga?! " masaya niyang sabi at tumindi pa ang yakap niya, yung tipong hindi na talaga ako makahinga.

Albert why?

Kaya tinapik ko ang balikat niya pero hindi niya pinansin.

"Mga pare, hindi kami papayag ni Ray na hindi makilala ang magandag dilag na to, diba Ray?" Siko naman niya sa katabi niya.

"Oo tama John hindi kami papayag." sagot ni Ray.

"Ah John, Ray, ito si Kielah at Keilah si John at si Ray, oh ayan masaya kana?" Sabi ni Albert.

"Wala akong oras makipagkulitan sa inyo kailangan ko kayong maka-usap." sabat ni Maddox.

"Pero may lakad pa kami." sabi ni John at galit siyang tiningnan ni Maddox.

"Oo nga mag uusap tayo, saan ba." natawa ako ng kunti dun. Maddox is the bossy tyoe of guy.

✴✴✴✴✴

Nandito kami sa condo ni Ray at naka upo kaming lahat na magkaharap. Are they all living in the same building? I'm surrounded by rich people.

Sinimulan na ni Maddox magpaliwanag.

Ilang minuto pang paliwanag niya ay natapos din pero isang wagas na tawa lang ang lumalabas sa kanilang tatlo, pero kami ay seryosong nakatingin sa kanila.

"Seryoso kami." sambit ko.

"Ang lakas ng trip niyo hahahahahaha muntik na akong maniwala hahaha" sabi ni John.

"Tara na. Wala tayong makukuha sakanila" sabi ni Maddox sa akin. Wala akong nagawa kaya sinundan ko nalang siya pero nasa pintuan na kami nang nagsalita si Albert.

"Ok sige tutulungan ko kayo, para kay Keilah." seryosong sabi niya.

Nginitian ko siya. Ang lakas ko talaga sakanya.

"Wag mong sabihing naniniwala ka dyan." natatawang sabi ni Ray.

"Oo naman. Alam ko naman na hindi ako lolokohin ni Keilah." napa awee naman ako.

Mukhang tumambak na naman ang utang ko sakanya.

"Maraming salamat talaga Albert."

"Diba sabi ko sayo wag ka ng magpasalamat." tumingin siya kay Maddox "Kailan ba tayo magsisimula?" Tanong niya

"Ngayon na!"sagot ni Maddox.

➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon