"Nadala niyo na ba lahat?" Tanong ni Maddox habang bitbit ang malaking bag
"Sandwich check, pizza check, tubig check." pursigidong sabi ni Ray
Sinamaan naman siya ng tingin ni Albert, John at Maddox.
"Sabi ko nga" sagot niya kay Ray.
I was looking at them ridiculously. Are we going on a picnic? Is this a vacation?
Dahil dyan napa lean ako kay Maddox and got closer to his face para mabubulong ko lang ang sasabihin ko."This is a bad idea." I whispered but somehow Maddox seems flustered by me whispering close to him. He is just staring at me. What's wrong with him again?
When he got back to his senses, he pushed me dahilan para masubsub ko ang mukha ko sa dibdib ni Albie, este Albert.
The heck Maddox.
Everyone in this room got flustered. This is embarrasing. Whyyy!
Hindi ko kayang tanggalin ang pagmumukha ko sa dibdib ni Albert dahil ayaw kong makita nila ang mukha ko. Gusto ko ng magevaporate. Helpp.I don't know what else to do but I just felt my arms being grabbed by Maddox.
I got back to my place and heared Maddox speak."Continue." He said.
I never dared looking at them. I'm too embarrassed.
"Oh right. Chill Keilah I was just joking" napatawang sabi ni Ray.
Pinaalala mo pa talaga Ray.
I don't know ano ng nangyayari kasi hindi ko talaga magawang i-angat ulo ko. Ayoko na. Ang tahimik pa ni Albert."Colt 1911, Generic AK47, XDM 9MM, AT-14 Compact, isang malaking check" aniya Ray.
"Ikaw John ang mga bomba." Dagdag pa niya.
"Piccolo bomb, Super Lolo bomb, goodbye Philippines bomb, ano pa ba? Bumili narin ako ng water gun." Sagot niya
"Anong ba yang bombang kinuha mo?Fireworks?" Galit na tanong ni Ray
"Yan lang ang nakita ko sa tyange eh." sabay kamot niya.
"Tyangge?!" Di makapaniwalang tanong ni Ray sakanya.
"Gyera ang pupuntahan natin hindi New Year." sambit ni Maddox.
"Hayaan niyo na yan, mainan na yan dahil ayaw kong mabomba ang ang Alethea" sagot ni Maddox at lumabas na ng kwarto.
Seryoso? Ito ba talaga ang plano ni Maddox? Nababahala na ako.
✴✴✴✴
"Eto na yun?" Tanong ni Ray
Nakaharap kami ngayon sa kalsada, umaga pa kaya malamang gabi na sa Alethea kaya mas magandang oras ngayon para pumasok.
"Pare, niloloko mo ba kami?" Tanong ni Albert.
Dahil ayaw nilang maniwala itinulak ni Maddox si John at nawala.
Naka nga-nga naman silang nakatulala sa kalsada.
Sinundan ko si John at nakita kong manghang mangha siya sa nakikita niya.
Napa ngiti ako dahil naalala ko, ganyan na ganyan ang reaksyon ko nung una pa akong nakapunta dito.
Maya maya pa sumunod na silang lahat at gaya ni John, ganun din si Ray at Albert.
Na una ng naglakad si Maddox at sumunod lang kami habang ang mga ulo nila ay kung saan na umiikot.
Hindi pa kami nangangalahati ay may nakasalubong kaming dalawang Remus, pero ngayon hindi na ako nagulat.
Pero si Albert at Ray dahan dahan nilang inilalabas ang Colt 1911 nila at si John naman ang water gun niya.
Handa na silang tumira pero pinigilan ko sila.
"Wag. Na. Wag. Kayong magpapaputok." halos pasigaw kong sabi.
Pero huli na dahil na tamaan na ng water gun ni John ang isang Remus.
Napa nga-nga ako at kaming lahat nagulat.
Galit na galit ang Remus.
"Ayaw nila sa tubig." narinig kong sabi ni Maddox.
Napalunok ako at nakita ko ang pawis na nagbabadya ng bubuhos sa kanya.
Nakita kong dadambahin na ng Remus si John pero bago niya gagawin yun, haharangan ko siya.
Alam kong kahibangan to pero yun ang unang pumasok sa isip ko.
Pagdating ko sa harap ni John ay ini angat ko ang aking kamay bilang depensa kahit wala naman talagang kwenta ay ginawa ko parin at sabay mariing pikit ko.
Mabilis ang paghinga ko at nagpapawis na ako.
Pero ang ikinataka ko tahol lang ng Remus ang naririnig ko, hindi ko naramdaman ang pag atake niya.
Dahan dahan akong tumingin sa kanya. Napa singhap ako.
Hindi ito maaari.
Hindi makalapit ang Remus dahil . . . . dahil sa mala crystal na bagay na naka harang.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. At malamang nagulat din ang mga lalaki sa nakita nila.
Napagod ang Remus sa kakadamba at wala namang nagyayari pero maya maya pa nagpakawala siya ng isang tahol.
At nagsilabasan na ang kapwa niya Remus.
Lahat sila nakatingin sa akin at ramdam ko ang tensyon sa paligid.
Nanghihina ako kaya ibinaba ko na ang kamay ko sabay paghupa ng malaking crystal.
Possible kayang galing sa akin yun? Hindi. Hindi yun galing sa akin. Iba ang gumawa nun. Iniligtas lang nila kami.
Nakita ko ang isa sa mga Remus na nag ibang anyo, si Jira.
Narinig ko ang iba't ibang reaksyon nina Albert, John at Ray dahil sa pag iba ni Jira ng anyo.
Lumapit siya at sinenyasan ang Remus na umatras na.
Napatingin siya sa akin at sa likod ko.
"Tamang tama malapit ng magumagahan." sabi ni Jira.
Gulat akong napatingala sa kanya. Kakainin niya kami?
"Jira!" Pagbabantang sabi ni Maddox.
"Keilah, Keilah, Keilah. . . o kung tama kong tawaging Alethea, nagkakamali nga lang ba ulit ako?" Hindi niya pinansin ang sinabi ni Maddox at nagpatuloy pa rin sa paglapit sa akin.
"Kung ano man yang iniisip mo, hindi yan totoo. Kung ang ibig mong sabihin ay yung kanina, hindi ako yun. Si . . . . si Maddox ang may gawa nun." napa tingin ako kay Maddox at dahan dahan siyang lumilingo, kaya napa tingin ako sa paligid ko para tingnan kung sino ba talaga ang may gawa nun.
Pero wala akong makita ni anino.
"Ah basta hindi galing sa akin yun." rason ko.
"Keilah, . . " sabay tawa niya ng nakakatakot at niluhod niya ang isa niyang paa at hinarap ako.
"Gusto mo bang isa-isahin ko ang patunay sayo? Huh? . . . unang una, ikaw nakapagbukas ng lagusan . . . "
"Paano ka nakakasigurong ako nakapagbukas?" Angal ko. This again.
"Pangalawa, ang tinik na ipinatay mo sa Meribah, "
"Napulot ko lang yun." muling pag angal ko
"At pangatlo, ito."
"Ilang beses ko bang sasabihin sayong hindi nga ako yun." Galit kong sigaw sakanya.
Napahalakhak siya sa sagot ko.
"Gusto mo ba talagang pilitin ko sayo na maalala mo lahat, Keilah?" Pagbabanta niyang sabi.
What is he talking about?
➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...