Chapter 2: Risky Stroll

9K 345 14
                                        

Naglalakad na ako pauwi habang umiinom ng softdrink sa plastic, at ramdam ko nanamang may sumusunod sa akin. Isang taong kamakailan lang ramdam kong sinusundan ako. Kahit anong pilit kong kombinsihin ang sarili kong wala lang yun, na okay lang ako, mabo-bother parin ako, after all hindi na safe dito.

Bakit sa lahat ng tao sa akin pa mangyayari ito. Hindi sa may nangyayari na or what.
Ah oo nga naman. Magiging biktima ako. Kaya syempre hahanap sila ng madaling bibiktimahin.
Tanga ko nalang kung iisipin kong may mangyayaring masama sa akin dahil may value ang aking pagkatao, or like I'm a need for someone. May value nga ako, sa katawan ko naman kung saka-sakali, need nga ako, sa mga kriminal nga lang. Hope not though.

Hindi ko siya kilala, syempre naman pero ramdam kong kilala niya ako. Weird lang talaga dahil it didn't cause me any harm, hindi sa nage-expect akong may gawin talaga siya akin pero following me like this is not good at all.

Ito na ba yung sinasabi sa akin nung isang lalaki kanina?

'Mag-ingat ka'

So icoconsider ko na bang threat ang sinabi niya? Qualified na bang threat siya?

Napabuntong hininga ako.

Lakad nalang ako ng lakad at ayun na nga lumutang na naman ang isip ko. Ewan ko ba paano ko pinalutang utak ko sa sitwasyon ngayon. Bumalik lang yung alaala ko sa Lola ko. Sa mga ganitong pagkakataon kasi hindi siya nakakaramdam ng takot. Sabi pa niya nuon,

"Bakit naman ako matatakot, kung may masamang mangyayari sa akin ay may masamang mangyayari talaga sa akin. Hindi ko maiiwasan yun, gustuhin ko man baguhin ang mangyayari, nangyari, mga desisyon ko, o yung mga pagkakataong hindi ko sadya, walang magbabago."

Nakuha ko na ang punto ng mga sinasabi niya nuon. Na ganun talaga, ang mga nangyari ay nangyari na. Magsisi ka man, wala ng mababago sa nangyari, matututo ka lang. Nakasalalay na sa mga natutunan mo ang mga desisyon na gagawin mo.

Pero anyway, life and death scenario ako dito kaya hindi na siguro yun applicable yun.

Nawala na ang kaba ko dahil nilipad na nga kung saan ang mga iniisip ko. Buti nalang hindi ko na nararamdaman ang sumusunod sa akin.

Safe na siguro ako.
O guni-guni ko lang yun.
Kung guni-guni ko man yun, edi ang tanga tanga ko na, naligaw pa.
Pero bakit nga ba hindi nalang ako magpasalamat na okay lang ako.

Okay na nga ba talaga ako? O ito na nga ba ang sinasabi nila na 'Calm before the storm'?

Pero teka lang, hindi na tama ang dinadaanan ko. Hindi ganito ang mga dinadaanan ko kanina. Mas maraming puno ang nakikita ko sa magkabilang gilid ng kalye hindi na concreto ang tinatapakan ko. Mas napapansin ko na ang mga ingay ng mga ibon at insekto. Na parang nagheightened ang senses ko dahil nabalik na sa kinalalagyan niya ang utak ko.

Great. I'm lost. This is not good.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong makitang taong mapagtatanungan ko sana. Past 12 na kasi. Napatingin ako sa relo ko, 1:13 am pa nga, tulog na ang mga tao. At isa pa, sino naman ang mapapadpad na residente dito kahit matirik pa ang araw. I don't think so. Giniginaw pa naman ako. Napayakap nalang ako sa sarili.

Binalikan ko nalang yung dinaanan ko at kung saan saan na ako lumiliko, ewan ko nga lang kung tama tong mga nililikoan ko kaya ayun wala na akong patutunguhan nito ngayon.

Really though? Ang liit lang ng bayan ng Frando nawala pa ako.

Nakakaramdam na ako ng hingal ngayon kakalakad kaya napa upo nalang ako sa gilid ng kalsada at napasabunot sa sarili.

"Keilah naman eh lutang ka " Sabay bato ko ng bato sa kung saan, pasensya nalang sa insektong matamaan ko at kung may matamaan man ako, insekto nalang wag na iba. Baka magiging multo na kalaban ko hindi na tao. Tabi-tabi po

Napaisip ako, kahit alam kong lagi naman akong may iniisip, kaya nga naligaw eh. Pero narealize ko lang na hindi ko na nga alam kung saan patungo tong buhay ko, pati ba naman daan di ko pa alam saan patutunguhan.

What a maze this life is? Ano kaya ang end ng maze na ito? What are the odds that I will ever have a smile before the end of this?

Makalipas ng ilang minutong pag-eemote ko tumayo na ako sabay pagpag ng dumi sa damit ko, bago ko pa namang bili to kahapon. Beige na medyo oversized shirt tsaka platted long skirt. Hinawi ko rin ang dahon na napadpad sa flats ko. Yeah shabby taste of clothes. I kinda like loose top and bottom clothing. Makes me feel less secluded.

Tumingala ako sa langit at pinagmamasdan ang mga bituin na kung minsan ay natatabunan ng mga ulap.

"This life. I hope it gets better."
Sabay mapait na tawa at nagpatuloy na sa midnight stroll ko. That's a positive way to put it.

Matagal na ako sa lugar na to pero naliligaw parin ako. Honestly, hindi pamilyar ang lugar nato sa akin. News right. At isa pa, wala akong sense of direction, malamang kaya nga hindi ako maka uwi eh. Sa apartment at convenient store lang ang binabalik balikan ko tsaka may mga familiar naman akong landmark na alam, ngayon lang talaga ako umabot sa point na wala akong marecognize sa dinadaanan ko.

Nasa harap ako ngayon ng kalsada kung saan hindi ko makita kung hanggang saan, madilim at hindi ko maintindihan dahil may kakaiba akong nararamdaman.

Ano tong nararamdaman ko?
Another obstacle na naman ba to sa midnight stroll ko?

Ganito ba ang nararamdamang presenya kapag may multo?
Multo nga ba ito?

Nagdadalawang isip ako kung magpapatuloy pa ako sa paglalakad o babalik nalang ulit ako sa dinaanan ko. After all, maliligaw at maliligaw parin naman ako. Ang tanong, iri-risk ko bang lakarin ang daanang ito?

Bahala na kahit saan pa man ako dumaan wala rin namang patutunguhan. Kahit sa mga ganitong mga pangyayari iniisip kong kanina pa dapat ako nagpapanic pero surprisingly kalmado lang ako.

Humakbang na ako at habang dahan dahan kong hinahakbang ang aking mga paa ay ganun nalang ang lakas ng nararamdaman ko na hindi ko ma point out kung ano at bakit.

Magpapanic na ba ako? Is this it?

Na tila gusto akong hilahin at gulong gulo ako dahil pakiramdam ko nangyari na sa akin to. Pamilyar. Yan ang naiisip ko ngayon. Babalik na sana ako dahil biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

It's getting intense here.
Aalis na talaga ako.

Ang hangin ay palakas ng palakas papunta sa akin at sa mismong isa pang paghakbang ko ay nasilaw ako sa liwanag na pumapalibot sa akin kaya napapikit ako ng mariin.

Gulong-gulo na ako. Gusto ko ng maka-uwi. Please wag naman sanang ito pa ang huling hantungan ko.

Anong biglaang pangyayari ito? Tila bigla akong binulag sa liwanag na nakikita ko.

Kumakabog ng malakas ang dibdib ko na ngayon ko lang naranasan sa tanang buhay ko.

Pagbukas ko ng mga mata ko. Napasinghap ako,
"
Ano itong nakikita ko?"

➖➖➖➖➖➖


Btw I would love to know your feedbacks and don't forget to vote.

-MzYKW

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon