"Mabuti at nakabalik na kayo" bati ni Albert pagdating namin ni Maddox sa isang hindi pamilyar na lugar.
Isang mapait na ngiti lang ang isinagot ko sa kanya.
Kinuha ni Albert ang kamay kong nakahawak kay Maddox at inilakad niya ako paupo malapit sa camp fire na malamang ginawa nila kanina
Nag uusap sila pero wala akong maintindahan ni isa sa mga sinasabi nila.
Nakatulala ako sa apoy habang iniisip ang nangyari kanina hanggang sa narinig kong nagsalita si Albert sa tabi ko,
"Ok ka lang ba? Namumutla ka. . . Giniginaw ka ba? Teka lang kukunin ko muna ang jacket ko sa bag . . . . . . . ito oh suotin mo."
Isinuot ko ang jacket na ibinigay niya. Hanggang dito lumalabas parin ang paggiging maalaagin niya.
"Wow tol breezy" kantyaw ni Ray sa amin.
"Tumahimik ka nga dyan. Tapusin mo na yang niluluto mo at nagugutom ako" pagsaway naman ni Maddox.
"Nangangamoy selos hmm" singit ni John pero hindi nila pinansin.
Inilibot ko ang paningin ko. Pilit kong inaalala ang lugar na to dahil pakiramdam ko nakapunta na ako dito. Pakiramdam ko may halaga sa akin ang lugar na to.
Maya maya pa tinanong ko na si Maddox.
"Maddox, nasaan tayo? Anong lugar to?" Napatigil siya pagpapatulis ng kahoy at napatingin sa akin.
"Hindi mo na naaalala?" aniya at bumalik sa ginagawa niya.
Agad akong tumango bilang sagot.
"Dito ka pumupunta kapag gusto mong mapag isa." tipid paliwanag niya sa akin
At sandali pa naalala ko na.
Dito nga ako pumupunta kapag gusto kong mag isip mag isa.At habang tumatagal napapansin na ni Maddox na napapadalas ako dito ay kalaunay ginawan niya ako ng maliit na kubo.
Napatingin ako sa kubo. At napangiti. Nagpaalam muna ako sakanila bago pumasok sa kubo.
"Wala ba kayong stove? Sumasakit ang mata ko sa usok eh. Naman oh mabubulag na ata ako." narinig kong reklamo ni John at naririnig ko pa ang pagtatalo nila habang ako ay papunta sa kubo.
Sa kubo na to. Dito ko nilalabas lahat ng sama ng loob ko at hinagpis. Dito ko rin dinadamdam lahat ng saya na nangyayari sa akin.
Puno ng lantang dahon, mga kumakatay na mga tanim, mga sunog na kahoy at sunog na ugat. Meron ding bulaklak na dito lang sa kubo na to makikita.
Nangyari to dahil sa iba't ibang pwersa na nanggagaling sa akin. Kapag masaya ako, makukulay na bulaklak ang nagagawa ko. Pag galit ako nasusunog ko ang lahat pero salamat kay Maddox dahil siya ang umaapula sa sunog na ginagawa ko.
Naisip ko bigla na ilabas ang nararamdaman ko. Naisip ko bigla na ilabas ko ang kinikimkim ko ngayon at ang nangyari sa akin noon.
I needed this. There's way too much going on now.
Huminga ako ng malalim at pumunto sa gitnang bahagi ng kubo at pumikit.
Sa alalaalang nangyari sa akin sa Earth.
Sa sakit na ipinaramdam ko sa mga Orleana, lalong lalo na kay Jira.
Sa nasayang na sakripisyong ginawa ko para sa ikakabuti ng lahat.
Sa sampal na ibinigay sa akin ni Dawn.
Sa hindi ko maintindahan na nararamdaman.
Pagdilat na pagdilat ng mga mata ko ay biglang may tumutubo na matutulis na bagay na hula ko ay mga malahiganteng tinik ng rosas. Nakita ko ang pagtubo ng mga pulang rosas sa gilid na kalaunay nagiging kulay itim hanggang sa tuluyan na itong nasusunog. Bigla bigla rin ang paglabas ng mga ilaw sa nakataas kong kamay na nagpapabago bago ng ilaw, tila isang patay sindi na ilaw. Napansin ko ang unti unting pangingitim ng paningin ko at batid kong may ginagawa na akong labag sa kalooban ko.
Ano na ba itong ginagawa ko?
➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...