"Magbabago ang anyo mo at hindi mo makikilala ang sarili mo sa oras na lumabas ka at mamumuhay ka nang puno ng kamalasan, binabalaan kita Alethea."
"Hindi mo ako mapipigilan sa pag alis ko ina. Isumpa mo man ako habambuhay hindi mo mababago ang isip ko."
Dalawang magagandang babae ang nag sisigawan at hindi ko maintindihan ni katiting sa ibig nilang sabihin.
Nilapitan ko sila pero bakit parang hindi nila ako nakikita? Sinubukan ko silang hawakan pero ayaw gumalaw ang mga kamay ko
"Kung ang akala mo maganda ang pupuntahan mo. Hindi. Alam ko kung ano ang naghihintay sayo sa mundong yun. Magsisisi ka lang. Nag-aalala ako bilang ina mo, nakiki usap ako wag mo ng ituloy yan. "
"Kung magsisisi man ako, yun ay ang pagsunod ko sayo"
Sabay talikod niya sa ina niya at sa di kalayuan may ginawa si Alethea na orasyon, kung hindi ako nagkakamali. Pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad at biglang nawala. Sinundan ko siya nagulat ako dahil nag iba na ang hangin na hinihingahan ko. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang nakita ko ang sarili ko sa babaeng yun, si Alethea
Napabalikwas ako sa hinhigaan ko at dapadaing sa sakit nang mapansin kong nakabenda ang mga palad ko. Mabilis ang tibok ng puso ko. Ano ba yung pinaginipan ko?
Inilibot ko ang paningin ko, nandito pala ako sa bahay na gawa sa bulaklak, kung hindi ako nagkakamali dito ako dinala ni Reyna Vedette nung nawalan ako ng malay matapos akong atakehin ng mga Remus.
Tiningnan ko ang kamay kong nakabenda. Medyo masakit parin, dahil malalim din ang pagkakatusok.
Habang tinitingnan ko ang paligid may narinig akong naguusap.
"Mga espiya sila." narinig kong sabi ni Maddox
"Kung ganon ano na ang plano mo?" Tanong ni Reyna Vedette.
"Ititipon ko lahat ng mga Remus"
"Remus?" Naguguluhang tanong ng Reyna
"Sila ang mga lihim na binuhay ni Alethea para bantayan ang bawat lagusang ginawa niya. Sila rin ang tinatawag niyong halimaw"
"Ano?" Di niya makapaniwalang sabi
"Kung ganon ano nang susunod?" Dagdag pa ng Reyna.
"Kailangan natin ng lalaban sa mga Quebec. Alam ko ang patakaran dito kaya mahihirapan tayong kumbinsihin ang Orleana."
Malungkot na sabi ni Maddox
Oo nga pala, pinapatay ng mga Orleana ang mga sarili nila kapag alam nilang mali ang ginagawa nila. Paano na kaya?
Narinig kong pareho silang napabuntong hininga.
"Paano na ang taong yun?" Tanong ng Reyna
Ako?
Gusto kong tumulong. Atleast sa ganitong paraan mabawasan ang guilt na nararamdaman ko.
Ilang segundo din silang natahimik bago ako nagpakita sa kanila.
"Gising ka na pala Keilah"
Bati sa akin ng Reyna
Napatingin sa akin si Maddox at nagsalita
"Sumama ka sa akin"
Ma otoridad niyang sabi.
Nginitian ko muna ang Reyna bago sumunod sa kanya.
Nandito kami ngayon sa may batis hindi kalayuan sa palasyo.
"Ikaw ang sasama sa akin sa lahat ng lakad ko para sa paghanda sa pakikipaglaban sa Quebec." agad na sabi niya.
Nakatalikod siya habang kinakauasap ako kaya hindi ko makita ang expression niya
"May plano ako na dapat tayo lang ang makaka alam dahil tututol si Reyna Vedette kapag nalaman niya ang gagawin ko." Na curious naman ako sa sinabi niya.
"Ito lang ang paraan para maligtas ang Alethea"
Dagdag pa niya.
"Anong plano mo?" Di ko mapigilang mapatanong
Humarap siya sa akin sabay sabing
"Kukuha tayo ng tao para lalaban sa Alethea."
➖➖➖➖➖➖➖➖
A/n I don't really know what keeps me going when infact I barely have readers but oh well I'll just write.
Happy 300 reads horay (2018)
2021 update: We are at 206k reads now!!!
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)