"Seryoso?" Gulat na sabi ko.
"May kakilala ako, kailangan nalang natin silang kumbinsihin."
Sana lang talaga gumana ang plano niya. Kung mangdadamay man kami ng ibang tao, sana worth it.
Umalis na siya at susundan ko sana siya pero sinabi niyang wag ko daw siyang sundan.
Ang gulo niya. Kakasabi pa nga lang niya na kailangan nakasunod lang ako sakanya.
"Baka pagsuspetyahan tayo. " sabi niya.
Wala na akong nagawa.
Napatingin ako sa batis. Napakalinaw ng tubig at presko pa ang hangin, may nagliliparan pang mga paru-paro.
Matagal tagal pa akong nakamasid. Inamoy ko ang sarili ko at naisipang kailangan ko ng ligo.
Napangiti ako sa naisip ko. Hindi naman siguro masamang maligo dito diba?
✴✴✴✴
Lumabas ako sa gawaan ng damit ni Aidon na naka pink na dress, gaya parin to sa una kong naisuot, sumalubong sa akin si Maddox na intense na nakatingin sa akin.
Napakunot nalang ako.
"Saan ka ba nagsusuot at ang hirap mong hanapin?" Galit na sabi niya
Ay ganun?! Sabi niya wag ko siyang susundan tapos ngayon galit siya dahil hindi niya ako mahanap. Ang gulo ah. Ang sama pa ng ugali.
He is so different now. He was so kind to me before. Although I think he was trashy I still thought he is kind.
Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot.
Hmm, napaisip ako nung panahon na nagising ako sa bahay niya at nakita pa ang mga pictures sa wall niya. Could that mean, it was Alethea?
The thought of him as trashy suddenly dissipates. He is nowhere near trashy.
He is just a man who cares so much for Alethea. I can't believe I misunderstood him like that.
Maya maya pa ay may narinig akong nagsisigaw, si Dawn pala.
"Maddox! Maddox bumalik ka. Bumalik ka na nga! Na-miss kita Maddox, alam kung babalikan mo ako. Hindi mo alam kung gaano ako katagal naghintay sayo."
Sabay hawak niya sa mukha ni Maddox.
"Bumalik ako di dahil sayo Dawn."
At binitawan ni Maddox ang pagkakahawak kay Dawn.
Pero ngumiti lang siya na parang hindi na apektohan sa sinabi ni Maddox.
"Alam ko. Pero ngayong bumalik ka . . . mag-isa. Masaya na ako." Masamang tiningnan ni Maddox si Dawn.
Maski ako nagulat sa sinabi niya. Ang gusto niya, bumalik si Maddox na hindi kasama si Alethea para mapa sakanya si Maddox? Bitch.
Nung napansin ako ni Dawn, nakataas kilay siyang nakatingin sa akin at sinenyasan akong umalis dahil nakakaistorbo ako sakanila.
Pero nung actong aalis na ako hinila ako ni Maddox at kaming dalawa ang umalis.
"Maddox, Maddox bumalik ka dito. Wag mong sabihin ipagpapalit mo ako sa babaeng yan!" Pilit na sigaw ni Dawn kay Maddox pero patuloy parin siya sa paglalakad.
"Tsk. Mga babae." Narinig kong sabi niya.
Napa react naman ako sa sinabi niya. Luh sinali pa ako.
Kanina pa ako hinihila ni Maddox at hindi ko alam kung saan kami papunta dahil wala naman akong alam sa mga daan dito, ang nakikita ko lang kunting mga Orleana.
"Saan mo ba ako dadalhin?!" Sabay bitaw ko sakanya, medyo naiinis narin ako dahil nagmumukha akong aso kakasunod sa kanya.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita
"Gusto ko lang makalayo sa babaeng yun. Hanggang ngayon pa ba naman, hindi parin siya nagbabago."
Napa cross arms ako at napatingin kung saan saan, ayaw kong makisali sakanila, mahirap na.
Maya maya pa may narinig akong tumawag sa akin, si Reyna Vedette lang pala.
"Keilah, Maddox, nais ko sanang gawin niyo na ang pagtawag sa mga Remus para kung sakali ngayon sila aatake, magsasagawa nalang ako ng pagpupulong para sa lahat, nang paghandaan na natin lahat."
Tumango ako pati narin si Maddox.
"Mabuti kung ganun, ayaw kong magsayang ng oras." Ani Maddox
Isang ngiti ang lumabas sa labi ng Reyna bago tuluyang umalis
Napatingin ako kay Maddox.
"Umalis na tayo" Tugon niya sabay alis.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)