P
apunta ako ngayon sa kubo. Ang kubong kung saan naglalabas ako ng aking nararamdaman. Habang naglalakad ako, pumitas ako ng mansanas at kinagatan.
Gusto kong mag isip isip muna at planuhing mabuti ang mga mangyayari dahil hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang mga Quebec.
Pagdating ko, kakagat na ulit sana ako sa mansanas ng makita ko ang kubo ko. Kulang nalang maging abo ang dating makulay na ngayon ay kulay itim na dahil sa sunog. Nasunog din ang nakapalibot na tanim.
Napabuntong hininga ako at umupo. Masyado ata akong nadala sa mga nararamdaman ko nung araw na ginawa ko yun. Hindi ko na rin nakaya eh. Sobrang sakit na . . . at nadagdagan pa ang mga pasanin ko.
Nawalan na akong ganang kainin ang mansanas na ito dahil naalala ko ang mukha ni Maddox na pursigido akong pigilan sa mga nagagawa ko sa tuwing nasa loob ako ng kubo. Ngayon, walang malay siyang nakahiga kasama si Ray.
Hindi pa nauubos ang mansanas ko ay nilagay ko muna sa isang dahon.
Naisip ko, kung hindi ako natakot sa mga sinasabi sa akin ni Meribah malamang hindi ako nakalabas ng Alethea, hindi sana nagyari to kay Ray at kay Maddox at sana, hindi nakuha si Albert. Hindi ko man sila makikilala, hindi na importante yun. Safety always comes first.
Habang nagmumuni muni ako ay may biglang sumulpot. Hindi ko alam kung ano siya pero ang buhok niya na hindi masyadong kahabaan na malapit lapit sa pula ang kulay, ang mukha niyang sing lapad ng dahon at katawan niyang braso ko lang at tangkad na hindi aabot sa hita ko.
Mahina siyang naglalakad na tila takot na may makakita sa kanya at titig na titig sa mansanas na nakalagay sa dahon.
Hindi niya ako napansin kaya hindi narin ako gumalaw.
Napakunot ang noo ko dahil ngayon ko lang nakita ang gaya niya.
Kahit hindi ko maintindahan kung anong uri siya ay napapangiti ako sakanya. She looks so cute trying to steal my food.
Ako ang dyosa ng Alethea kaya alam lahat ng bagay na nakatira sa dito sa mundo pero ang ipinagtaka ko, bakit ngayon ko lang siya nakita.
Masaya siyang inuubos ang mansanas ko at hanggang ngayon hindi parin niya ako napapansin gayong nasatabi lang ako mansanas. A cute talaga.
Bigla siyang napatigil at nahulog sa lupa ang mansanas na kunti nalang ay mauubos na niya sana.
"Um... Ah . . . . ehhhh" wala sa sarili niyang sabi.
Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya na dahilan para mapa atras siya ng kaunti.
"Sino ka?" Agad kong tanong na medyo tinatakot siya.
"Ma . . .ma . . gne" mautal utal pa niyan sabi.
"Ano?" Sabi ko na naguguluhan.
"Magne" deretsyo na niyang sabi
"Magne? Anong klaseng pangalan yun? Sino bang nagbigay sayo ng pangalang yan?" Tanong Ko
"Ina ko." nahihiya pa niyang sagot
Oo nga naman. Hindi ko na napilan ang ngiti ko sa kanya. I don't want to scare her any longer so I just asked her a question.
"Ngayon lang ata kita nakita. Saan ka ba galing?"
"Ang totoo, nawawala ako. Gusto ko ng bumalik pero hindi ko alam kung paano." sagot niya. I kinda want to pinch her cheeks.
"Kung sumama ka nalang kaya sa akin" bigla kong sabi.
Lumiwanag ang mukha niya. I bet her cheeks are soft.
"Pero hindi ko maipapangako na maibabalik kita sa pamilya mo. May pupuntahan kasi ako, baka makasalamuha natin ang pamilya mo sa paglalakbay natin." nakangiti kong dagdag.
Tumango-tango naman siya. Such a baby.
Handa na akong umalis kasama si Magne patungo sa tinitirhan ng aking ina sa tuktok ng bundok. Apat na araw ang paglalakbay kaya hinanda ko ang mga dapat kakailanganin ko.
Pero bago kami umalis may sulat pa akong dapat ihatid. Kailangan ko tong maihatid bago kami umalis.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantastikThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)