Keilah's POV
Makalipas ang isang araw at kalahati ay sawakas nakita na namin ang lugar ng aking ina na si Melocka. Malaki na ipinagbago ng lugar na to kung noon ay puro mga iba't ibang hayop ang nakikita ko ngayon ay parang halos wala ng nakatira dito.
Maraming alaga ang ina ko dahil sila lang ang kasama niya sa gitna ng bundok at wala ng iba. Ang ipinagtataka ko kung bakit iilan nalang ang nakatira dito. Ano na kaya ang nangyari dito?
Habang nagmamasid ako sa paligid ay hinahanap ko rin ang ina ko nang hindi ko na maramdaman sa tabi ko si Magne.
Asan na yun?
Pero wala na akong oras para hanapin siya, sa ngayon ang hahanapin ko ay ang ina ko.
Pinuntahan ko siya sa munting palasyong tinitirhan niya at halatang malaki ang pinagbago ng palasyo mula sa sahig hanggang sa tuktok ng palasyo. Malaki narin ang ipinagbago ng desenyo nitong pula na noon ay berde.Meron pa nga akong nakakasalamuhang mga iba't ibang klase ng hayop at Orleana pero parang hindi nila ako pinapansin o talagang hindi nila ako napansin dahil may kanya kanya na silang pinagkakaabalahan.
Pumasok na ako at binati ako ng isa sa mga kasama na parang Orleana ng aking ina na halos kalahati na ng laki ko.
"Anong maipaglilingkod ko?" tanong niya sabay yuko
"Kailangan kong maka usap ang aking ina?" tugon ko.
"Ang inang reyna ay nagpapahinga sa
kanyang silid at hindi niya pinahihintulutang may umistorbo sakanyang tulog. Hintayin niyo nalang ang paggising niya kung inyong mararapatin""Nasaan ang kwarto niya?" angal ko at nilakad at nagtangkang ikutin ang sulok ng palasyo.
Ngunit pinigilan niya ako gamit ng mga kamay niya. Tiningnan ko ang kamay niya na nagbabanga ng manakit, napansin naman niya ang mga titig ko kaya binitawan niya ako.
"Wag niyo po siyang gigisingin. Magagalit siya. At pagnagalit siya ikukulong na naman niya ang mga kasama ko. Hindi ako makakapayag na isa na naman sa amin ang maghirap sa mga kamay niya"
Napakunot ang noo ko. Ibig niyang sabihin kaya kukunti nalang ang mga nakikita ko sa labas dahil pinapahirapan sila?
Kailangan ko na talaga siyang maka usap.
"Nakikiusap ako. Maawa naman kayo sa mga walang kalaban laban na mga kasama ko."
Gustuhin ko man wala na akong nagawa kundi lumabas at hintayin ang paggising niya. Ang ikinaiinis ko lang kung bakit siya nananakit.
Ang gagawin ko muna sa ngayon ay hanapin si Magne. Asan na nga ba yun?
➖➖➖➖➖
Salamat sa pagbabasa. Don't forget to vote.
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasíaKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...