Hindi maalis ang tingin ko sa nag gagandahang tanawin.
Minsan lang ako makakita ng gantong tanawin dahil hindi naman ako adventurous, obviously.
Bago ko pa kalimutan ang sinadya ko dito ay nagsimula na akong maglakad lakad baka sakaling umilaw na tong pendant.
30 minutes na akong lumilibot pero walang sign ni Maddox.
Napadaan ako sa isang restaurant at napagpasyahan kong kumain muna. Mumurahin lang siguro ang o-orderin ko, kailangan kong magtipid baka sakaling ma short ako pauwi kapag gastos ako ng gastos.
Maya maya pa ay lumapit sa akin ang isang waiter.
"Here's your tequila miss"
Tequila?
"Wala akong inorder na tequila."
Mahinahong sabi ko.
"Eh pinapabigay po nung lalaki sa likod niyo."
Sabay turo niya sa likod ko at sinundan ko ang turo niya.
One seat apart kami at nung nakita niyang lumingon ako ay kumindat siya sabay higop ng juice niya.
What the-?
Ibinalik ko ang tingin sa waiter.
"Sabihin mo sa kanya, I don't drink tequila."
Napangiwi naman siya at ibinalik and drink sa lalaking mala-unggoy kung kumindat. Tequila? Really? In the middle ofthe day.
Maya maya pa ay bumalik ulit ang waiter
"Uh Miss juice niyo daw po. At please po Miss tanggapin niyo po nagmamakaawa ako maraming costumer pa po akong aasikasuhin." Nagmamakaawa niyang sabi
Kahit naiinis ako, tinanggap ko nalang at sigurado akong masaya na yung unggoy na yun. Papansin talaga.
"So-"
Nagulat ako sa pagsulpot niya.
Why can he be so annoying?!
Hindi ko siya pinansin at binilisan ko na ang pagkain para maka alis na ako.
And luckily hindi na niya ako pinapaki-alaman
Just when I thought it was.
"KYLE?!!-"
Isang babae ang nakatayo malapit sa table ko at kaharap ang lalaking tumabi sa akin.
"Oh hi babe"
Sagot naman niya na parang wala lang.
"Don't Hi-on me jerk. Are you cheating on me?"
Ma falceto niyang sabi.
"Nope. Not at all. Siya ang lumapit sa akin hindi ako."
Literal na napa nga-nga ako. Anong sinasabi nito.
"ANO!" Di ko mapigilang bulyaw. Anong trip ng lalaking to.
Pinapatay na ako sa tingin ng babaeng sobrang ikli ng damit, kulang nalang ilabas na niya ang kanya niya.
"You bitch. He has a girlfriend, stay away!- you jerk lets go."
Hinila na niya si Kyle na tawang tawang nakatingin parin sa akin.
Gusto kong mag mura.
Adik yun ah.
Pagkatapos akong kumain ay lumabas na ako. That was really random of those couple.
Umupo muna ako malapit sa beach at ni rerelax ko lang utak ko, ng bumaba any temper ko.
Maraming tao ngayon ang naliligo, hindi na kasi masyadong mainit, siguro past three o'clock na.
Mga ilang minutes pa ay naglakad lakad muli ako, sa ibang direksyon naman ngayon.
Kanina pa ako palakad pero wala parin talaga. At seriously nakakapagod talaga.
Sandali lang ay bigla ata akong nadangil dahilan para madapa ako.
Can this day get any better?
May narinig akong tumatawa at tiningnan ko ang dumangil sa akin.
Alam kong may sumadya nito dahil paa ang dumangil sa akin.
"Thats for seducting my boyfriend. Don't mess on me bitch." At umalis na siya.
Bago pa ako tuluyang mapahiya dahil dumadami na akong naririnig na tawa ay tumayo na ako.
Napabuntong hininga ako.
Bakit ba sobrang malas ko. Wala naman akong ginagawang masama.
➖➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasíaThis story is in Tagalog Keilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to...
![ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]](https://img.wattpad.com/cover/49857255-64-k775255.jpg)