Chapter 35: Slapped

2.8K 89 3
                                        

Isang malutong na sampal ang ibinigay sa akin ni Dawn.

"Yan para sa pag abandona mo sa amin."

Nagulat ako pero hinayaan ko lang siya na magalit sa akin. Dapat lang sa akin to.

Isa nanamang sampal, sampal na mas masakit pa.

"Para sa pag iwan mo kay Jira."

Nanlilisik ang mata niya habang sinasabi niya yun.

*slap*

"Para sa sakit na nararamdaman ko ngayon."

Hindi ako lumaban. Alam ko nararapat lang sa akin ang mga sampal niya.

*slap*

"At yan. Dahil gusto ko! . . . Dahil gusto kong saktan ka . . . . Wala pa yan sa sakit na idinulot mo sa amin. Hindi mo alam kung anong hirap ang dinaanan naming mga Orleana nung umalis ka, hindi mo alam."

Dinuro duro niya ako at tinulak tulak pero hindi ako lumaban. Masakit pero tinitimpi ko lang.

*slap*

"Mahal ko si Maddox. Pero pinili niyang sundan ka. Hindi mo ba alam kung paano makaramdam ng maiwan. Dahil ikaw. . . ikaw ang laging nang iiwan."

Napahawak ako sa panga ko. Hindi niya rin ba alam ang sakripisyo ko para sa kanila?

Hindi ba nila maisip yun?

Bakit sarili lang nila ang laging iniisip nila? Hindi ba nila alam na nasasaktan din ako? Pagod na ako sa ganito eh. Ayaw ko na.

Sasampalin niya ulit sana ako pero may kamay na humarang.

"Maddox" gulat na sabi ni Dawn.

"Tama na yan." Alam kung nangangati siya sampalin ulit ako pero napilitan siyang ibaba ang kamay niya.

Hinawakan ni Maddox ang kamay ko at marahang tinulak si Dawn.

"Pasensya na Maddox" ani Dawn

"Umuwi ka na Dawn" Sabay hila niya sa akin paalis.

Napahawak ako sa pisngi ko at napaiyak.

Naging mahina ba ako? Tama ba lahat ang ginawa ko? Dahil sa totoo lang hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin.

"Maddox . . . " sigaw ni Dawn

Pero hindi tumigil si Maddox sa paghila sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin.

Gusto kong makita ang reaksyon niya. Gusto kong makita kung nasasaktan ba siya? Gusto kong malaman kung bakit niya ginagawa kay Dawn to? Gusto kong malaman kung prinoprotektahan niya ba siya? Gusto kong malaman kung may pagtingin siya? Gusto kong malaman.

Nababaliw na ba ako?
Sa lahat pa talaga, bakit ito pa ang naiisip ko.

"Maddox nagmamakaawa ako . . . wag mong gawin sa akin to nasasaktan ako" naririnig ko ang mga hikbi ni Dawn sa malayo.

Nagbago na siya. Ginawa niya ang sarili niyang kaawa-awa sa harap ng taong mahal niya. Alam kong matapang siya. Pero hindi mahina.

➖➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon