Finale

1.4K 29 1
                                    

Vedette's POV

Iniwan ko ang bayan ko.

Iniwan ko lahat at isininakripisyo ko ang sarili ko.

Para lang sa kaligtasan ng aking mundo.

Gagawin ko ang bagay na ito.

Buong luob kong pinitas ang natitirang bunga na nakapaloob sa kailaliman ng kweba. Isang masama at madilim na bunga na aking itinago at aking ibinaon sa limot.

Ngunit sa pagkakataong ito, kailangan kong buhayin ang natitirang lakas ko.
Ang parte ng aking buhay na gusto ko nang patayin.

Ang bungang bubuhay sa aking madilim na sarili.

Ang bunga na bubuhay sa aking dugong Meribah.

Oo isa akong Meribah.

Ngunit isa ako sa mga unang Orleana.

Mabilis kong pinatak sa aking lalamunan ang katas at tumakbo palabas na namimilipit ang tyan sa sakit at kung minsan nadadapa pa.

Naramdaman ko ang pagbabago sa aking mukha.

Ang aking ngipin na parang hinihila. Napasigaw ako sa sakit.

Mga kamay kong bakas ang ugat sa paglaki.

Isa lang ang pumasok sa isip ko.

Kailangan kung bumalik sa buhay ko noon para ako mismo ang tatapos sa buhay ng buong Meribah.

Keilah's POV

Papalapit palang ako, batid ko na ang dadatngan ko.

Sa langit pa lang, kita ko na ang itim na usok sa kabila ng dilim.

May naramdaman akong humawak sa kamay ko. Si Magne.

"Natatakot ako. " nangangambang sabi niya.

Napabuntong hininga ako at yumuko sa kanya.

"Ihando mo ang sarili mo, tutulungan natin sila. "

Tumango siya at humarap sa kanyang mga kasamahan.

"Ilabas nyo ang mga sandata niyo. Malapit na tayo." sigaw ni Magne

Lumapit sa akin si Magne.

"Anong plano mo? "

Hindi pa ako sigurado sa sasabihin ko kaya sinabi kong doon na lang kami maguusap kapag nakita na namin ang lugar.

Sa panahong yon, mabilis kaming naglakad hanggang sa nahagilap namin ang daan papasok ay mabilis kaming tumakbo.

Hanggang sa pagdating namin, wala na kaming nadatngan kundi ang mga sunog na lugar at naabong mga katawan. Ngunit nangibabaw pa rin ang buhay ng Orleana. Ang bulaklak ni Alethea. Ang buhay ko.

Napasinghap ako. Hindi ito maari.

"HINDI ITO MAARI"

Napaluhod ako.

Naiiyak ako.

Anong gagawin ko?

Wala nang natira.

Asan ang mga Orleana? 

May humawak sa likod ko, batid kong si Magne iyon.

"May nakita akong ilaw sa daan nung tayo ay papunta dito. " sabi niya.

"Baka sila na yon." Sabi ko na agad naglakad ng mabalis pabalik.

Kailangan kong malaman kung maayos ang kalagayan nila.

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon