Chapter 18: The Resort

3.2K 110 2
                                        

Pagkarating ko sa isa sa mga airport ng Palawan ay agad kong tinawagan si Albert.
Binigyan niya ako ng number niya bago ako umalis para may contact ako sa kanya

"Oh Keilah, nakarating ka ng Palawan?"

Pabulong niyang sabi.

"Bakit ka naman bumubulong dyan?"

"May meeting ako."

Ay lagot naistorbo ata siya.

"Oh sige tatawagan nalang kita ulit."

"Ok lang noh, mas gusto pa kitang kausap kaysa sa mga to." Napangiti ako sa sinabi niya. Not only a jokester but a trouble maker.

"Bakit? Sino ba yang ka- meeting mo?"

Ano kaya trabaho niya?

"Siguro kung magkatabi tayo ngayon makikita ko ang pamumula ng pisngi mo."

Hindi niya pinansin ang tanong ko.

Hinawakan ko ang pisngi ko.

"Di ah"

"Naku, ngumingiti pa siya oh, if I know na mi-miss mo na ako--" and ridiculous guy I may add.

"Anong ngumingiti? Ano ba yang pinagsasabi mo, gago to, asan ka ba? Andito ka ba? Sinundan mo ba ako dito? Diba sabi ko sayo wag mo akong sundan d---"

Hindi niya ako pinatapos.

"Oy si Keilah kinikilig."

Binababa ko na ang telepeno.

Adik na Albert yun pagkatuwaan ba naman ako.

Bakit ganun kahit medyo naiinis ako di ko mapigilang mapangiti.

Ewan ko ba ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya.

Palabas na ako ng airport nang tumawag si Albert.

"Eto naman oh, joke lang"

Napangiti ako dahil ngayon ko lang narinig sa kanya ang sinsiredad.

"Oo na. Paano ba ako makakapunta ng Palawan Beach Resort?"

"Sandali search ko muna ah wag na pala. Paglabas mo ng airport maghanap ka ng jeep at sabihin mo sa driver ang lugar."

Mabuti at matinong sagot ang binigay niya sa akin. That's going to be easy.

"Ok sige thank you"

"Ingat."

Binaba ko na at nagsimula na akong pumara ng jeep.

After ilang minutes ay sawakas nakapara ako ng jeep.

"Saan po tayo miss?"

"Sa Palawan Beach Resort po manong."

Tumango naman siya at inabanti na ang sasakyan.

"Ah manong malayo po ba?"

"Mga 30 minutes siguro "

Ah ok malayo layo pa

After half an hour ay pinarada na niya ang jeep. I saw the sign Palawan Beach Resort kay iniabot ko na sakanya ang bayad at bumaba na.

Pagbaba ko ay na mesmerize ako sa kagandahan ng resort.

I was speechless.

Gate palang halatang mamahalin, ang garden naman bago maka pasok ay makukulay.

And for the first time in my life, ngayon ko lang na appreciate ang beauty ng nature ng Pilipinas.

Mag ka iba ang nature ng Earth kaysa sa Alethea but for sure they are both mesmerizing.

Hindi ako mahilig maglakwatsa kaya nakakatuwa na may ganito pala.

Bago ako maka apak ng beach ay may papasokan muna akong building.

"Welcome to Palawan Beach Resort Ma'am, hope you enjoy your stay."

Nginitian ko ang guard at pagkapasok ko ay may bumati sa akin.

"Ilang araw po kayo dito Ma'am? We have hotels here or if you want native styles we have bahay kubo."

"Ahm hindi ko pa kasi alam kung magtatagal ako dito."

"Very well, hope you enjoy the day"

"Thank you." sabi ko at tuluyan ng naglakad.

➖➖➖➖➖➖

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon