Paglabas na paglabas ko ng palasyo ay agad kong hinanap si Jovanah, ang Orleanang nakausap ko sa unang araw ko dito.
Kung saan saan pa ako nagtatanong at sa wakas may nakapagturo narin sa akin kung nasaan siya.
"Keilah!" sambit ni Jovanah nang napansin niya akong papunta sa kanya.
"Napadalaw ka?" Dagdag pa niya.
"Kailangan ko ang tulong mo." Hindi na ako nagalangan pang sabihin sa kanya. Alam kong ilang araw narin simula nung huli kaming nagkita. Wala man lang akong kamusta sa kanya.
Napansin niya ang seryosong tono ng pagsasalita ko. Tumingin siya sa paligid sabay sabing,
"Sumama ka sa akin."
May tinahak kaming makitid na daan na puno ng mga ugat na kung saan saan na umabot at mga punong halos wala ng dahon.
"Anong nangyari dito?" Di ko mapigilang sabi.
Napatingin siya sa akin ng mapait.
May biglang akong nakitang mga litrato sa isip ko na tila memorya ng nakaraan ko.
Mga makukulay na halaman at nagliliparang mga paru-paru, hangin na nakakahumaling at mga punong nakakarelax kung panuorin.
Tama nga ako, ang dating makulay ay walang buhay na ngayon.
"Isang beses sa isang linggo, binibisita ito ni Alethea at inaalagaan. Itong parte kasi nito ay hindi mahiwaga, lahat natural kaya lagi siyang nandito at pinapalago sila, pero kita muna ngayon, patay na sila. Noon dito halos ginagawa ang mga kasiyahan pero ngayon kita mo naman walang tao, nakakatakot pa tingnan. Kaya dito kita dinala, alam kong seryoso ang sasabihin mo kaya malayo sa Orleana kita dinala."
Habang nagkukwento siya ay hinahawakan ko ang mga puno't halaman at unti unti . . . .
Sila'y namukadkad.
Hindi to nakikita ni Jovanah dahil nakatalikod siya sa akin.
Napangiti ako sa mga bulaklak na tila nagbibigay sa akin ng kaginhawaan. At sa sandaling pagkakataon nakalimutan ko ang lungkot na nararamdaman ko.
"Siya nga pala anong gusto mong pag usapan . . . . . natin"
Halos pabulong na niyang sabi matapos niyang mapansin ang ginagawa ko.
"Papaano?- hindi to maaari. . . . . Alethea?"
Humanap ako ng mauupuan at pina upo siya pero sa halip ay lumuhod siya.
"Patawad, hindi kita nakilala." aniya
"Umupo ka na. Kailangan pa kitang maka usap." sambit ko.
At siya naman ay napatingin pa sa paligid bago naupo.
"Hihingi ako ng pabor sayo Jovanah." deretsyong sabi ko.
"Kahit ano." aniya
"Gusto kong kumuha ka ng tatlong butil ng bato sa batis ng Styx." Sabi ko na nakatingin sa mga mata niya.
"Paumanhin, ngunit ang Styx ay dalawang araw mula ngayon ang paglalakbay." nagaalangang sabi niya
"Alam ko. Kaya nga kailangan ko ang tulong mo."
"Kung marararapatin niyo, pwede ko bang tanungin kung aanhin niyo ang bato?" Tanong niya.
Napabuntong hininga ako bago napagdesisyonang sagutin siya.
"May maliligtas ka kapag nakuha mo ang hinihingi ko." may halong lungkot na sabi ko
"Gagawin ko, gagawin ko. Mukhang importante sa inyo to kaya gagawin ko. Makakaasa kayo sa pangalawang araw mula ngayon ay may dala na akong tatlong bato."
I feel assured sa sinabi niya. Good I had someone who could help me. I really needed help.
➖➖➖➖➖➖➖➖
BINABASA MO ANG
ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]
FantasyKeilah, upon her sudden and unexpected entry into Alethea, the realm beyond this world, she finds herself wanting to stay for an escape but a turn of events changed when a revelation of her truth in that realm forced her to commit full responsibilit...