Chapter 53: What Happened to Melocka

1.7K 58 1
                                    

Keilah's POV

Sobrang bilis ng pangyayari na halos di ko nakayanang manatalili pa sa palasyo ng aking ina,

Na ngayo'y namayapa na.

Nagtatakbuhan ang mga orleana at iba pang nasasakupan ng aking ina. Naging abala ang lahat at mababakas ang kalungkutan sa kanilang mga mata.

"ANG INANG REYNA! Wala na. Paano na tayo!!!"

Hindi ako makagalaw. Nasa mismong pintuan na ako ng palasyo at nanginginig ang buong katawan ko at nagsimula ng maglabasan ang aking pawis.

Wala akong nagawa kundi ang tumayo at makita ang iba na nagtatakbuhan dahil sa di inaasahang pangyayari.

Ewan ko ba. Parang nabigla lang ako sa nangyayari. Nung una akong tumapak dito kukunti lang nakikita ko pero ngayon parang dumoble ng dumoble ang iba't ibang anyo ang nakikita ko bawat oras.

Naramdaman ko ang paghawak ni Magne sa aking kamay. Napatingin ako sa kanya at sa tingin ko ay nahanap na niya ang magulang niya dahil may katabi siyang parehong uri niya.

Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ako nandito.

Kailangan ko ang kanyang dugo.

Wala ano anong naglakad ako na parang walang pakialam kung may ma bangga man ako patungo sa silid ni Melocka, na aking ina. Hindi ko man maintindihan, hindi ko man ma process kung bakit, bakit nangyayari ito. Nagpatuloy ako sa kung saan nagkakagulo ang lahat.

Nahagilap ko ang labas ng silid niya na pinalilibutan at pagdating ko,pinadaan nila ako at pagpasok na pagpasok ko ay nakita ko agad ang katawan niyang nakasabit gamit ang isang matibay na ugat ng puno.

Imbis na maghinagpis ako ay sa halip ay nalilito ako, sunod sunod ang tanong sa aking isip pero ang tanging natanong ko lang ay. . .

"Anong nangyari?"mahinahon kong sabi.

Walang sumagot.

"ANONG NANGYARI!!!" Pag-uulit ko

"Kung ako man, na naging kanang kamay niya noon at isang malapit na kaibigan ay hindi alam kung bakit niya ito ginawa sa sarili niya." saad ng isang Orleana sa akin habang nakatingin sa walang buhay na Melocka.

Lumapit ako at ang mata niyang namumula ang napansin ko agad sa kanya.

Bakit mo to ginawa sa sarili mo? Tanong ko sa walang buhay niyang katawan.

"Anong ginawa niya bago siya nagpakamatay?" Tanong ko sa kanya.

Hindi muna siya sumagot at pinaaalis ang ibang nasa loob bago niya ako tuluyang sinagot.

"May nakausap siya at ibinalita ang pagbabalik mo. Pagkatapos nun, naging balisa na siya at pabalik balik at pabalik balik siyang naglalakad. Tinanong ko siya kung ano ang problema, pero hindi siya sumagot. Ilang sandali pa ay pinalabas niya ako. Ang akala ko kailangan niya munang mapag-isa kaya sumunod ako, yun pala gagawa siya ng bagay na hindi ko akalaing gagawin niya."

Kunot noo akong napatingin sa kanya. Ako ba ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay? Bakit naman niya gagawin yun?

"Pero hindi ko masasabing ang pagbabalik mo ang dahilan kung bakit niya tinapos ng ganun ka bilis ang buhay niya"

Kung ganon ano? Saan ba siya natatakot?

"Kay Meribah."

Sa sinabi niya. Doon ko napagtanto na nalaman niya agad kung bakit ako pumunta dito. Alam niyang kakailanganin ko ang tulong niya laban kay Meribah.

Ngunit bakit? Bakit siya takot kay Meribah? Kilala ko ang ina ko sa ugaling walang kinakatakutan. Alam kong nakakatakot si Meribah, pero ang tapusin niya agad agad ang sarili niya, yun ang di ko maintindihan.

Ano bang namamagitan sa kanilang dalawa?

Malakas ang kutob ko na may iba pang dahilan kung bakit pupunta si Meribah dito.

Nagka-utang kaya ang aking ina?
Sobrang daming tanong ang tumatakbo sa isip ko.

Nagbuntong hininga ako.

Nakita ko ang pagyuko niya kaya ginawa ko itong pagkakataon para humiwa sa balat ng aking ina at isinilid ang pumapatak na dugo niya sa maliit kong sisidlan.

"Ngayong wala na ang aming reyna. Hindi magtatagal ay maaagnas na ang lugar na to sabay ng pag-agnas ng katawan ng reyna. Kailangan naming lumikas pero hindi namin alam kung saan kami pupunta." malungkot niyang saad. Na tila humihingo narin ng tulong sa akin.

"Nakahanda ba kayong lumaban?" Ani ko at seryoso ko siyang tiningnan.

"Sa labanan kami hinasa ng mahal na reyna kaya lagi kaming handa sa ano mang labanan." Sagot niya at hindi maiwasang ngumiti. " . . . hinanda niya kami kay Meribah pero bakit." Sabi niya ng pabulong.

Bakit nga ba Melocka.

"Kung ganun. Ihanda niyo na ang sarili niyo. Lulusob tayo, bago paman nila tayo pasukin. Kaya kailangan nating magmadali." Ani ko.

"Masusunod, Alethea."

Ito na. Ito na nga ang mangyayari. Lalaban na kami.

....

A/n If you like this part, wag niyong kalimutang magvote at mag comment.

Its more than anything.

ALETHEA: The Realm Beyond | Book I | [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon